To be a journalist is to act like a "tribune" that essays the truthful "journal" of every story of our "times", big or small, front page or inside page, "BIG NEWS" or even the last story before the closing credits roll;
To be a journalist is to hold a "mirror" in front of you to regularly and faithfully check the convictions and principles of what a "free press" truly stands for;
To be a journalist is to sometimes embrace your own celebrity and be a "star" that sets and upholds the "standards" of what the Filipinos of " today " are fighting for;
Ang maging mamamahayag ay tulad ng isang "bulgar" na pahina na hindi puwedeng maging sisidlan ng anumang pagbaluktot sa katotohanan, bagkus siya pa ngang lagusan upang ito ay mai-"bandera" at mai-"balita" ang mga kuwentong dapat na marining at ma-"tiktikan."
Ang maging mamamahayag ay ang pagsisiguro ng pananatili at pagsulong ng isang "malaya" at walang kinikilingang pag-"PAPATROL" , sa bawat araw, "24-0ras" dahil ang bawat kuwento ay kailangang pulsuhan, may buhay, tila isang "NEWSBEAT" na kailangang ma-"CAPTURED" dahil walang take two sa isang breaking news, walang cut, walang re-take;
Ang maging mamamahayag ay maging "SAKSI" sa "SENTRO" ng bawat pahina ng kasaysayan upang ito ang mai-"BANDILA" sa sambayanan;
Ang maging mamamahayag ay DAPAT laging sa NGALAN NG KATOTOHANAN AT TUNAY NA PAGLILINGKOD.
At KINALIWA SI HATTON….
May 3, 2009
Kanan ang kanyang iniwasan. Ito ang kanyang inaabatan. Kaliwa pala ang magpapatihaya sa kanya. Plakda. Windang. Hilong-talilong. Sampung minuto bago matapos ang ikalawang round ng boksing na ito na inabangan ng milyun-milyon, nagpabiyahe sa maraming Britons sa Las Vegas, USA, halos lunurin sa dami ang mga kababayan nating nakibahagi sa petsang ito sa kasaysayan ng boksing sa buong mundo–nagulantang ang lahat.
Ganun lang–isang kaliwa na hindi natin batid kung gaano ba talaga kalakas — tapos na ang lahat. Ang puso at pananampalataya ng isang kampeyon ay muling namayani.
Nakakaawa ang pagkabagsak ni Ricky “the Hitman” Hatton. Nakapikit. Hilong-hilo, hindi namalayan kung ano ang tumama sa kanya. Pero naawa man tayo, gusto ba nating ang Pambansang Kamao na si Manny “the Pacman” Pacquiao ang makita sa ganoong kalagayan?
Dalawang rounds lang. Sa interview namin ni May Rivera sa istasyong DZEC ng Net-25, sabi ng isa sa supporter ni Pacman na si Deputy National Security Adviser Luis “Chavit” Singson—di tatagal ang laban. Eksakto sabi niya—”2 to 3 rounds, pinakamatagal na aniya ang 5 rounds.” Ganito rin ang pagtaya ng kampo ni Pacman—ikatlong round—dun siya gagalaw.
Pero ang bilis at ang lakas ay muling nagsanib. Maging si Pacman marahil—nagulat na napabagsak niya nang wala nang bangunan sa ikalawang round lamang ang sinasabing pinakamabigat na niyang nakalaban sa kanyang professional career bilang boksingero.
Hindi magkandatuto ang mga banyagang komentarista — lalo na sa HBO—ano nga ba ang nangyayari. “The Filipino stalker did it again! A stunning victory.”—ilan sa mga sinabi nila.
Ang pinakamasarap pakinggan ay mula sa boxing promoter na si Bum Arum—the greatest boxer of all time sambit niya.
Sa lahat ng ito—iisa lang ang sagot ni Manny. Sa Diyos niya utang na loob ang lahat. Sa Diyos nanggaling ang lahat. Huwag na kayong lumayo sa kabubusisi kung ano ang susi sa tagumpay ni Manny. Alam nilang mag-ina, paulit-ulit nilang sinasabi—sa awa at sa tulong lamang ng Diyos naging posible ang lahat.
Kung tutuusin — ang kapangyarihan ng pananampalataya ng puso ng isang kampeyon sa isang isports na marahas, sa salitang kanto, ang boksing ay dili’t ba’t bugbugan lamang talaga, ay asiwang dito ilapat. Pero ang katotohanan, hindi lamang ito bugbugan. Basag-ulo! Marami ang nakataya dito. Hindi ko isinasali sa salitang taya ang mga tumaya sa sugal na kakambal ng isports na ito na kinababaliwan ng milyun-milyon.
Ibang pagtaya ang tinutukoy ko. Karangalan. Katatagan. Pagkatao. Pagmamahal sa bayan. Karangalan.Pananampalataya.
Ito ang nakalimutan ng kampo ni Hatton. Pasintabi, sa tingin ko, nagkamali siya nang palitan niya ang kanyang matagal ng trainor pabor sa isang hambog na Floyd Mayweather Sr. na sa gitna ng pagkatalo—hindi pa rin kinilala na maaaring mag pagkakamali siya at malaking ambag sa pagkatalong iyon. Sabi pa ng matandang boksingero, di daw kasi sinunod ni Hatton ang kanilang game plan. Asus–nangatwiran pa. Sabay sabing, mas magaling pa rin siya kay Freddie Roach. O — di na kailangang i-memorize itong linyang ito. Kahambugan. Nakapandidiring kahambungan.
Sa kanyang pagiisa—alam kong sa isang banda ay paimbabaw din ang kayabangang ito ng matandang boksingero na akala yata—tungkol sa kanya ang laban.
Sa kanyang pagiisa–alam kong batid niya na may dapat siyang matutunan sa natapos na laban ng kanyang sinanay na si Hatton kontra kay Pacquiao. Ito ang leksiyon ng kababaang-loob.
Mahaba-habang panahon ang pagiisipan ng matandang Mayweather pagkatapos ng yugtong ito. Sabi niya, kailangang nang mag-retiro ni Hatton pagkatapos ng kanyang pagkatalo kay Pacman. Ang bilis niyang humatol sa mismong boksingerong sabi niya ay lubos niyang pinaniniwalaan ang lakas. Tunay na nagkamali si Hatton sa pagpili sa kanya. Hindi siya kilala nang lubusan ng taong nagsanay sa kanya nang higit sa apat na buwan bago ang laban niya kanina–labang tunay na hindi malilimutan ng buong mundo.
Bago mag-Oktubre—sana masumpungan ng matandang Mayweather ang katotohanan at kapangyarihan ng kababaang-loob.
Ang kanyang anak na si Floyd Jr. ang tinatayang magiging kasunod na kaharap sa ring ni Pacman. Bago dumating ang araw na iyon—sana magkasundo sila ng kanyang anak na hindi niya kinakausap hanggang sa ngayon. Baka sa tapat na pagsuporta ng isang ama sa isang anak—magkaroon ng tagumpay sa isang panig.
Sa ngayon—paulit-ulit, ang pasasalamat ng lahing kayumanggi sa isang kapwa Filipino na muling ipinakita ang kagitingan at karangalan ng lahing ito.
Tunay na ang sarap isigaw hindi ba? Ang sarap maging Pinoy. Filipino ang lahi ko! (wakas)
Isang di malilimutang panayam…
December 21, 2008
Hindi mo talaga puwedeng hulaan kung ano ang kalalabasan ng isang panayam. Hindi mo puwedeng gawin ito na hindi ka handang mamangha.
I was awed and captivated by one interview I did with film director Tikoy Aguiluz. The subject matter of the interview was about Jose Rizal, his movie in the late 90’s Rizal sa Dapitan and the Rizalitas of Mt. Banahaw, the subject of his first documentary film back in 1976 as a young filmmaker.
Sa dating Marikina Expo Shoes Center sa Cubao naganap ang panayam na inareglo ko para sa Hotspot Films ng Dubai na kung saan ako ay may tinanggap na espesyal na assignment para sa isang documentary tungkol sa mga Rizalistas. “Tabo” o “Raket” ang lengguwaheng ikinakabit namin sa mga ekstrang trabahong tulad nito.
Sa lugar pa lamang ng panayam ay nagulat na rin ako. Iba na pala ang lugar na ito—kay tagal ko nang hindi nagawi. Maraming tindahan na pala dito na nagbebenta ng mga vintage items—kasama na ang mga lumang larawan ng mga artista ng mga nakalipas na dekada. Pati nga tropeo sa Famas—ibinibenta dito. Mga lumang plaka, mga damit na luma ng mga artista noong 60’s na nakapalibot sa larawan ng isa sa mga Stars of ‘66 na tawagin noong araw na si Gina Pareno na hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa pelikula at telebisyon.
Ang dating Marikina Shoe Expo sa Cubao na dati ay talagang tindahan lang ng sapatos ay sentro na pala ngayon ng tagpuan at huntahan ng mga bagong alagad ng sining ng pelikulang Filipino. Isa sa mga nagtaguyod nito ay wala ngang iba kundi si Direk Tikoy. Tignan mo nga naman—uulitin ko muli ang maraming pagkakataon ko nang napatunayan—”everything happens for a reason”. Indeed!
Di ba nga, bagaman ako ay halos 2 dekada na sa larangan ng pamamahayag, maituturing na ako ay musmos pa lamang sa paggawa ng pelikula…iklasipika natin—ng paggawa ng independiyenteng pelikula.
Saan ka ba huhugot ng inspirasyon kundi sa mga pinagdaanan na ang estadong ito?
Sa harapan ko noong umagang iyon—ang isang tunay na alagad ng sining. Yung tipong di gagawa ng pelikula dahil sa dikta ng mga malalaking kumpanya ng pelikula, o na ang batayan ng paggawa ng pelikula ay yung tinatawag na formula themes and formats.
Nang gawin niya noon ang dokumentaryo sa mga Rizalista mula sa Mt. Banahaw—doon pa lamang ay ipinakita na ni Direk Tikoy na ang paggawa ng pelikula para sa kanya ay karugtong ng kanyang mga sariling pamantayan at pagsasaliksik ng mga bagay-bagay sa buhay–lalo na sa buhay at kasaysayan ng mga Filipino.
That morning, he talked about his film Rizal sa Dapitan but went beyond that by telling us , reminding us that many have forgotten what this man, Rizal did for his country. In dying for his country, in sacrificing his life for his country, Rizal, according to Direk Tikoy gave us a nation, a sense of “nationhood.”
It has been a long time since he talked about the film and this brought fresh perspective on what kind of nation have we turned into years after that sacrifice made by Rizal.
Halos maluha si Direk Tikoy sa paggunita sa panahon ng paggawa niya ng pelikulang ito at kung ano ang tunay na mensahe ng pelikulang ito. In the film, Rizal’s human struggles were shown, his personal battle whether to be hero or not for his country. In the end, we all know what he did. We all know the choice that he made.
Maraming pagkakataon na naipamalas ng Filipino ang kadakilaan ng kanyang lahing Kayumanggi…
Maraming pagkakataon din na nakaligtaan niya ang kadakilaan ng dugong nananalaytay sa kanyang lahi…
Halos maluha, maraming pinanghihinayangan si Direk Tikoy sa mga aniya’y nasayang na pagkakataon para sa bansa na kamtin ang kadakilaang ito nang lubos—kadakilaang, naipakita ng mga tulad ni Rizal.
Indeed–many have forgotten. Pero may pag-asa pa. Habang may bagong salin ng dugo ng kabataan, mananatili ang pag-asa—tulad din ng sinabi ni Rizal, na nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.
Isang hamon sa akin ang naging pagturing ni Direk Tikoy sa kanyang Rizal sa Dapitan.
Bilang mamamahayag na ngayon ay naglalakbay sa daigdig ng paggawa ng pelikula—isang tanong ang nasa harapan ko ngayon: Anong klaseng pelikula ang aking ibabahagi sa madla na puwede kong sabihin isang araw—sa panahon ng takip-silim ng aking kasaysayan?
Isang malaking hamon.
Malaking tulong at isang malaking inspirasyon ang makabuluhang panayam na ito sa isang natatanging direktor–Tikoy Aguiluz—Salamat po sa mga salitang ibinihagi.
Tunay na hindi ko malilimutan.(wakas)
Tambalang OK!
November 28, 2008
Kung ika’y palagiang nakikinig sa AM radio, sana’y huwag kang mamalagi sa dulong kaliwa ng talapihitan ng inyong radyo. Kung di naman makakaabala, maaari sanang gumitna ka ng kaunti at hagilapin ang 1062 sa inyong talapihitan. Pero teka–digital age na, mas madali nang hanapin, sakto, ikasa mo sa numerong binanggit ko. Iyon ang istasyon ng NET-25 DZEC sa AM radio.
At doon, masusumpungan mo ang dalawang simpatikong ito na tunay na magpapasaya ng inyong umaga sa kanilang programang Tambalang OK.
Hindi nila alam na ibo-blog ko sila. Maya-maya, pagkatapos nito, i-te-text ko si Onin, bahala na siyang magpa-abot kay Kaka, sayang din ang load, krisis pa naman.
Ako ang kumuha ng larawang ito sa isang pagkakataon na nakasama ko silang dalawa sa isang lakad na sana maulit dahil tunay na nagiwan ng napakaraming alaala at alalahanin na rin. (Preno…ayan na naman ako, mukhang magdadaldal na naman, pigilin mo ako Onin!)
Ganito sila sa kanilang programa, tawanan nang tawanan, kahit na mabigat na ang isyung pinaguusapan ay may kambiyo at kembot pa rin ng katatawanan. Hindi trying hard mag-komentaryo, hindi rin trying hard na magpatawa. Wala ngang format eh. Basta nagkukuwentuhan lang ang dalawang magkaibigan, na sa normal naman na kundisyon, sabi nga sa totoong buhay, relax lang naman talaga.
Napakalayo ng agwat ng idad ng dalawang ito. At kung bakit idad agad ang pinuntos ko, tiyak na di na naman ako palalampasin ni Kaka nang kasisita. (Ano ba yan Chuva, idad na naman!!!)
Well, the point is, it is amazing to see how these two make a perfect tandem on air even if there’s this wide age gap between them. Kung pakikinggan mo sila, tropa lang. Hindi mo halatang yung isa, parang anak na yung isa at yung isa parang ama na ng isa. Dangan nga lamang at di na teleradyo ang format ng DZEC samantalang maging ang si Peter Musngi ng DZMM ay kinilala na nauna sa format na ito ang DZEC, dahil kung ganun pa, ay tiyak na mararamdaman ng mga nakikinig at ng mga manonood ang natural na chemistry ng dalawang ito.
Finding a partner on air for a radio program is a difficult decision.Mayroon kasing tambalan na nagpapa-istaran o minsan naman, yung isa nagpaparaya kasi nga given na superstar na yung isa o at least feeling superstar yung isa. Kahit papaano, mararamdaman ng nakikinig yung kawalan ng chemistry o kung ang dating, trabaho lang, upo lang sila sa programa, walang unity of purpose.
Aaminin ko, maski ako ay taga 1062 ngayon, may mga pagkakataong sa dulong kaliwa din ako nakatutok. May paliwanag dito, of course one has to monitor the competition. Pero lately, mas tinututukan ko na sila kasi, naging natural yung progreso ng paghatak nila sa akin para sila ay pakinggan. Hindi dahil sa kasamahan at mga kaibigan ko sila, kundi sabihin na nating nabighani ako.
Dati ay may kapartner na iba sa radyo si Kaka samantalang si Onin naman noon bago ang regular na programang ito sa radyo ay tagapaghatid ng balita at reliever kung sino ang absent na anchor. Hanggang sa dumating ang reformating ng programa, napagtagpo ang dalawang ito sa isang sitwasyong, hala, sige, game, programa gyud kita!
The initial days were probably a stage where they’re still trying to feel their beat, but once they found that natural formula of two friends discussing issues on the air, it clicked!
Tunay na naging TAMBALANG OK na nga!
Promise, try ninyo lang, tuwing umaga, alas 9:00 hanggang alas 10:30, pakinggan ang dalawang ito, sina Kaka “Ross” Olgado at Onin Miranda, at magbabago ang pananaw ninyo sa mga samu’t saring isyu.
ito yung hagod ng komentaryo na tunay na sa ngalan ng katotohanan at tunay na paglilingkod. (Pero teka, teka, extro ng Newsbeat yun ah!!!)
At bago may mag-text sa aking isa pa, at sabihing, paano naman ako, wala man lang supporting role? Let it be said, that the program director of this Tambalang OK, is non other than Direk Lor Tiu. (Pa-burger ka naman Direk!)
O siya, text ko na si Onin nang mabulabog na niya sa maaagang pagtulog ang Kaka na sa mga oras na ito—nasa matulaing lalawigan na ng Bulacan. (wakas)
Sampayan…
August 12, 2008
Ano ang itsura ng sampayan ninyo? Ano ang lagay ng mga sinampay mo?
Hay naku, ang tagal kong inulila ang espasyong ito nang walang inilalagay na anuman tapos babanat ako ng “the comeback” na ang tema, sinampay? sampayan? Ano ba yan?
Yung larawan dito,kuha sa isang lugar sa Tondo noong isang linggo lamang.Isa sa mga gusaling gawa ng pamahalaan, pabahay sa mga mahihirap na pinalalamutian ng mga sinampay.
Mainit ang sikat ng araw nang pumunta kami sa dakong ito ng Tondo kaya di na nakapagtataka kung napakaraming sinampay sa pa-condong ito ng pamahalaan.
Bakit sinampay? Bakit sampayan? Por que?
Sabihin na nating wala lang. Ang babaw naman. Oo na. Siyanawa.
Ngunit ang sampayan ay puwede ring maging salamin ng uri ng pamumuhay at buhay , hindi ba?
Kung gaano kagulo ang mga sinampay, maaaring ganun din kagulo ang buhay? Kung gaano kadalas maglagay ng sinampay, maaaring ganun din kasigasig sa buhay ang mga nagsusuot ng mga sinampay na damit. Maaring kung gaano kadalang ang bilang ng mga sinampay ay ganun din kadalang ang dating ng biyaya sa isang tahanan.
Teka, napansin ninyo ba? New and recycled sinampay ba iyon straight from the Ukay-Ukay o isang bagong biling pang-pormang polo na straight from the mall? Naks, may pambili ng bagong polo si kuya, pa-coke ka naman diyan!
Ay, araw-araw na lang nilalabhan ang damit na yan ha—kung makapagsasalita lang yan, please daw pagpahingahin mo na siya, re-invent na as basahan, please lang daw. Eh bakit naman daw, puwede pa, di pa naman butas, di pa naman gaanong kanipisan.
Eto namang kapitbahay ko, ang galing magsampay. Puti kung puti. De kolor kung de kolor, at color coordinated ha!
Ang pula, kalinya ng iba pang pula, next, yellow lane, yellow lang kung yellow. Etcetera, etcetera.
Kumustahin mo naman ako? Kasasampay ko lang kanina. Katatapos maglaba. Oo, naglalaba ako. As in. Sa lahat ng domestic tasking ng isang nanay, ang paglalaba ang trip ko. Minsan nga, feeling ko adik na ako sa paglalaba. May washing machine naman, may laundry shop naman sa kabilang kanto, pero ang gusto ko—kusot-kusot as in kusot. Once a week lang naman kaya, kinakarir ko na. Ewan ko langha, pero ang sarap mag-isip kapag naglalaba ka, tapos yung pagkatapos maglaba, iinom ka ng kape o kaya malamig na juice, tataas mo ang paa mo—wow—sarap magpahinga. Tapos maya-maya—liligo ka na. Presko na ang pakiramdam, magaan pa dahil alam mong wala ka nang backlog na labahin. ( Backlog daw oh!)
Katatapos ko lang magsampay. Pa-cute, naka-hanger. Pa-cute,naka-downy pa yan. Sipit kung sipit, ladlad kung ladlad. Sinipat ko ang mga sinampay. Hay naku, ang lalaki na ng damit ng mga anak ko. Parang kailan lang,lampin ang nakasampay diyan.
Parang kailan lang, ako ang nasusunod sa mga damit na isusuot nila. Kung ano ang akala ko ay bagay sa kanila, yun na ang bibilhin ko. Ngayon, iba na, kung ano ang type nila, yun na ang pinabibili. Nag-re-request pa na pabayaan na silang mamili.
Ang bilis ng panahon…ang mga paslit ko kahapon, dalaginding na ngayon.
Sipat uli sa sampayan.
Hay — mukhang nilalabhan ko na naman ang mga dating damit na pinagpahinga ko na. Naku, senyales na yan ng pagbabalik sa kabigatan, ka-chubaan. Hmm…ang jogging kinakalimutan. Baka tumaas uli ang presyon ng dugo, bawas timbang na ha, Chuba?
Mainit ang sikat ng araw. Katanghaliang tapat. Maya-maya lang, matutuyo na ang mga sinampay.
Pagligpit ng mga sinampay, isang panibagong yugto na naman ng araw ang lilipas.
Itataas ko na ang paa ko. Magkakape na uli ako, ikalawang tasa sa araw na ito.
Saka ako sasabak sa iba pang mga dapat na gawin sa pang-araw-araw na buhay. Minsan isang araw kada linggo, ang sampayan ang kasalamuha ko. Sa sampayan at sa aking mga sinampay, nakikita ko rin ang buhay ko.
Uniporme ni ate at ni bunso, pantalon at t-shirt ng ama ng tahanan, palda at blusa ko naman…
Another OFW is coming home…in a box.
April 28, 2008
Noong Disyembre lang ng 2007 ay umuwi sa Pilipinas si Raymundo Dimaculangan para sa isang mahabang bakasyon. 28 taon ng OFW si Raymundo. Minsan nga ay inaabot ng dalawang taon bago siya sa kanyang pamilya. Pero noong nagdaang Disyembre, sabihin na nating nilubos-lubos na niya ang bakasyon.
Kailan lamang—nakatanggap ng balita mula sa Saudi Arabia, mula sa mga kasamahan nito sa trabaho ang maybahay nitong si Nenita. Uuwi daw uli si Raymundo. Ngunit sa halip na matuwa sa muling pagbabalik ng asawa, napahagulgol ito, tila nabangi, halos walang masabi, tulala, blangko ang isipan sa bigat na nararamdaman ng dibdib.
Isang masaklap na balita ang ipinarating sa kanya.
Oo, uuwi ang kanyang asawa, sa loob ng isang kahon, wala ng buhay.
Nalaman ko ang kuwento ni Raymundo mula sa kanyang kapatid na si Lorna na nakausap ko kasama ang iba pa nilang kamag-anakan.
May dagdag na pait ang kuwentong ito dahil sa ang suspek sa pagpatay kay Raymundo ay kapwa din niya Filipino. Naganap ang krimen sa mismong quarters nito. Ilang araw na di pumapasok si Raymundo kaya pinuntahan siya ng ilang mga kasamahan sa trabaho sa kanyang quarters. Dinatnan nila itong nakakandado. Nakaparada ang service vehicle nito sa tapat ng kanyang quarters. Tumawag ng pulis ang mga kasamahang Pinoy workers. Sapilitang binuksan ang pintuan ng quarters ni Ramundo. Kasunod noon, tumambad ang malagim na sinapit ni Raymundo.
Batay sa kuwento ng mga kapwa Pinoy na kasama ng pulis na nakadiskubre sa bangkay ni Raymundo, brutal ang pagkakapaslang dito. Ginilitan ang leeg, binalian ng tadyang, at pinutulan ito ng paa.
Walang nawawalang gamit, naroon pa sa quarters nito ang itinatabing pera, may isang lamesang may nakahandang plato, kutsara, tinidor, at baso. May bisita ang biktima at kung sino man ang naging bisita nito, yun ang hinihinalang suspek sa pagpatay sa kanya.
Batay sa ulat na tinanggap ng mga kamag-anak ni Raymundo, may mga dinampot na ang Saudi Police na suspek sa kaso ng pagpatay kay Raymundo, lahat ng dinampot, kapwa nito Pinoy.
Ang isa pang mapait na katotohanang tumambad sa pamilya ni Raymundo ay ang pahayag mula sa mga opisyal ng embahada sa Saudi, maging dito sa punong tanggapan ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas na hindi agad-agad na maiuuwi ang bangkay ni Raymundo. Hindi priority ang ganitong mga kaso, may proseso daw, at ang proseso…"could take months"–yun ang sagot sa kanila.
May isa pang bilin ang isang opisyal ng DFA na nakausap ni Lorna nang personal. Sabi ng naturang opisyal, "Ginagawan naman nila ng paraan na mapadali, sana wag nang makarating sa media," yun ang mahigpit na bilin ng opisyal ng DFA.
Kung ikaw ang kamag-anak ni Raymundo, lahat gagawin mo maiuwi lamang ang bangkay nito para mapaglamayan at mabigyan ng marangal na libing. Ang daming nilapitan nina Lorna tungkol sa kalagayan ng kanyang kapatid. Isa lamang ako dun. Nilapitan din niya si Vice President Noli de Castro na nangako namang tutulungan sila sa abot ng kanyang makakaya.
Very disturbing indeed. Kailangan pang kung sinu-sino ang lapitan ng mga kamag-anak ng isang OFW na napaslang para lamang maiuwi ang labi nito sa kanyang sariling bayan. Nasaan na ang OWWA? Nasaan na ang iba pang ahensiya? Ano ang ginagawa ng Labor Attache? Matagal na nating alam ang lahat ng sagot sa tanong na ito.
Isang kuwento tuloy na malapit sa aking puso bilang mamamahayag ang naalala ko nang idulog sa akin ang kaso ni Raymundo.
Ito ang kuwento ng mga OFW na sina Flor Contemplacion at Delia Maga. Si Flor, binitay sa Singapore dahil sa pagpatay kay Delia, kapwa niya Pinoy, kababayan pa sa lalawigan ng Laguna. Magkaibigan sila, pero naging masaklap ang sinapit ng kanilang pakikipagsapalaran sa ibang bansa.
Napansin lang ng media sa kabuuan ang kuwentong ito noong malapit nang bitayin si Flor. Noong naganap ang kuwento ng pagpatay ng isang Pinay OFW sa isang kapwa OFW nito na isa ring Domestic Helper na tulad niya, halos maikli at maliit na espasyo lamang sa mga balita sa radyo, pahayagan at telebisyon ang inokopa nito.
Only when it became dramatic and sensational that the full attention of media was captured.
Yun ang isa pang mapait na katotohanan sa pagbabalita. May deadline, ang bilis ng takbo ng mga balita, may mga natatabunan, may mga nakakalimutan, may itinuturing na maliit, may itinuturing na malaki, minsan nakabatay pa sa timing at kung ano ang usong istorya. Kung bigas, bigas, kung oil, oil muna, kung impeachment, impeachment.
Nababahala akong mabibigyan lamang ng atensiyon ang kuwentong ito ni Raymundo kapag nagsimula nang gumulong ang sistema ng hustisya ng Shariya Court ng Kingdom of Saudi Arabia, kapag napatunayan na kung sino ang pumatay kay Ramundo, kapag may nahatulan na, kapag may bibitayin na.
Tiyak, may maguunahan nang makiusap sa mga opisyales ng kaharian ng Saudi Arabia para mailigtas ang kung sino mang mapapatunayang pumatay kay Raymundo. Magiging isang usaping pulitikal na naman ito. Baka nga maging "in aid of election pa."
Mamaya, tatawagan ko muli si Lorna, makikibalita ako. But I am not expecting any good news. Alam kong matagal pa ang ipaghihintay ng mga naulilang kamag-anakan ni Raymundo Dimaculangan. Wala pa sa sentro ng balita ang kanyang kuwento, wala pa sa kuwentong ito ang spotlight. Wala pang nagpapa-cute na pulitiko sa kuwentong ito.
Pansamantala, alam kong tulad ko, nakikiramay kayong lahat sa mga naulila ni Raymundo.
Uuwi siya, isang bayani, tulad ng milyun-milyon pang OFW sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Pero uuwi siyang wala nang buhay, biktima ng isang krimen, at muling nabiktima ng kawalan ng atensiyon ng mga ahensiya ng pamahalaan na inasahan niyang mangangalaga sa kanya, buhay man o patay. (wakas)
CONDO NG HANJIN SA SBMA
April 26, 2008
Chairman Armand Arreza of the Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) is taking us all for a ride: Hindi raw nakakasama naman sa kagubatan ng Freeport ang itinayong dalawang gusali ng HANJIN Heavy Industries. May fence naman daw na naghihiwalay dito sa mismong 10,000 Forest Watershed Protected Area.
At pinangangatawanan pa ng 23 puno lang ang pinutol sa lugar na pinagtayuan ng Hanjin Condo ha! Talaga lang!At ang siste pa, parang ask niya, ano ba ang iniingay ng mga environmentalist? 23 puno lang iyon at karamihan daw eh damo lang?
Hay naku—mas transparent pa ang Hanjin Officer sa mismong site na nakausap ko. Sa katunayan sa kanya ko nakuha ang isang dokumento na nagpapakitang hindi lang 23 puno kundi mahigit sa 40 puno ang kanilang pinutol. At alam ninyo bang hindi lang sa dalawang beses ito ginawa noong nagdaang taon, kundi tatlong beses, at ang pinakahuli ay nitong buwan ng Marso ng kasalukuyang taon?
I have the documents. Ibinigay nang walang ka-effort-effort ng taga Hanjin kasi parang sa pakiramdam nila, hindi ito big issue. Pero kung di big issue, bakit kailangan pang ipagsinungaling ito? Kung walang kakuwenta-kuwenta para sa kanila ang pagpuputol ng puno, bakit kailangang pagtakpan ang isa sa tatlong permit na ibinigay ng Ecology Center?
These are the dates to remember as far as the cutting of trees in the Hanjin Condo are is concerned: January 26, 2007, where they cut the following trees: (3) Binunga, (1) Tibig, (1) Langil, (5) Kupang, (2) Malapapaya, (3) Himbabao, (1) Kulatingan and (3) Tara-Tara; February 6, 2007, where they cut the following number of trees: (2) Santol, (11) Putian, (1) White Lauan, (1) Alupag and last March 18, 2008 where they cut (2) Putat, (2) Aure, (2) Amugis, (3) Tibig, and trimmed (15) various plant species.
Kayo na ang magbilang. Alam ninyo nang di totoo ang sinabi nila sa mga una nilang pahayag sa media, lalong-lalo na under-oath sa imbestigasyon ng senado tungkol sa Hanjin Condo sa Subic. But you know what—even the issue of the cutting of the trees is not the real issue here.
Insiders from the SBMA Ecology Center told me that the real "manipulation" and "manuever" in this case is the zoning issue.
To be fair, it is true that the area where the Hanjin Condo now stands was already a built-up area even during the time of the Americans. Dati itong Naval Magazine Area. When it was eventually turned into a Freeport, ginawa itong paradahan ng mga second hand na imported na sasakyan. Matatagpuan ito sa dulo ng karugtong na kalsada doon sa Triboa complex na sinasabi, malapit sa ilog, papunta sa mismong fenced portion ng Forest Watershed area.
Kung zoning ang pag-uusapan, noon at maging sa panahong binigyan ng go signal ang pagtatayo ng Hanjin Condo, ang lugar ay bahagi ng development area pero ang klasipikasyon nito ay isang "pink zone" batay sa zoning system ng SMBA Ecology Center. Kapag "pink zone" ang tanging, ( repeat, tangi) proyekto p development na inaasahang pahihintulutan dito ay yung may kaugnayan sa recreation, mala Subic Zafari, style na ang proyekto ay may kinalaman sa nature o kalikasan pa rin. Yun ang sabi mismo sa akin ni dating SMBA Chairman Felicito Payumo na pinapatunayan din ng nananatiling zoning system ng Ecology Center ng Subic.
But again, the manipulation on zoning is overshadowed by yet another issue, one that is not touched, but admitted on record by the technical expert that conducted the review on this peoject. Ito yung usapin naman ng basta-basta na lamang pagsisimula ng Hanjin ng konstruksiyon ng kanilang condo nang hindi pa tapos ang ebalwasyon ng komiteng inatasan o kinomisyon dito ng SBMA Ecology Center. Ang katotohanan, half-way into the project na nang mailabas ang Environmental Clearance Certificate dito na ayon sa technical expert ay nakapasa naman daw.
O siya, nakapasa, pero hindi mabubura, basta na lang sila nagtayo, na para bang nakatitiyak sila na anuman ang mangyari, walang pipigil sa kanila.
Ang totoo, sila at hindi naman ang SBMA administration ang namili ng lokasyon. Di ba naman, ikaw na ang maging number one investor sa Freeport, at kung ang kabuuan ng kakalkulahin, isa sa mga pinaka-astig na foreign investor sa bansa ngayon. Ang una pa nga nilang nagustuhang area ay mangrove area eh. Ah dun, pumalag talaga ang Ecology Center ayon sa aking insider. Pero in the end, yung lokasyong gusto pa rin nila ang nasunod.
May joke sa Ecology Center at joke na shared by other departments ng SBMA. "Alam daw nila kasi kung sino yung tunay na Account Officer ng Hanjin, kaya ganun kalakas ang loob." Kahit kayo, madali ninyong matutukoy kung sino, joke man itong maituturing ng mga taga SBMA.
If you are the biggest investor and you generate thousands of employment, certainly, it is not hard to see that a company, as huge as Hanjin do enjoy privileges, implied or not.
Ibang kuwento pa yang employment na ang kakambal na kuwento ay seguridad sa pag-gawa, pisikal na pag-gawa sa konstruksiyon sa mismong Hanjin operation site ang ibig kong sabihin. Sabi ng source ko, apat na folders na ang hawak nilang dokumento ng mga reklamo ng aksidente sa Hanjin Construction site, mga naputulan ng daliri, bumagsak, nadaganan, etcetera, etcetera.
I am working on the documentation of these cases, lapit na matapos.
Yung CONDO ng Hanjin—ang totoo, magsiyasat man ang senado–nandiyan na yan. Naitayo na nga nang walang nakaaalam, kung di pa may isang malaking grupo na can afford mag-chopper survey, di pa matutuklasan ito kung tutuusin dahil tagong-tago nga sa kagubatan.
Pero may isang espasyo ang nabuksan at doon sa tingin ko, mas maraming oportunidad na magtanong ang marami.
May mga nangyayari sa loob ng construction site ng Hanjin na mas dapat na ipaliwanag at mas dapat na uriratin.
I am not saying, iwan na natin ang basta na lamang nila pagtatayo ng Condo sa isang forest protected area, pero, pumupusta ba kayo? May maglalakas loob kaya na huwag itong ituloy o huwag nang ipagamit? Alam ninyo na ang sagot.
May mga bagay na kinukundina tayo pero wala na tayong magagawa, nalusutan na.
Pero sa pagkakadiskubre ng isang bagay na nailusot nila, nabuksan ang pananaw ng mas marami sa iba pang usapin sa isang higanteng kumpanya na namumuhunan ng bilyong-bilyong piso sa ating bansa.
Ang mga usaping ito ang huwag sana nating kalimutang isulong na ungkatin.
Sa isang banda ay tila para sa ating kapakinabangan, pero buklatin ang kontrata, umuupa lamang sila dito. Kapag tapos na nilang gawin ang nais nilang bungkalin at pasabugin sa dakong iyon ng Redondo Complex sa Subic, aalis din ang mga iyan.
At ang lahat ng pinsalang naiwan—tayo ang sasalo, tayo ang mananagot. (wakas)
Ang pagtatapos ay simula ng isang pagkakataon…
March 28, 2008
Nakakailang guest speaker invitation na ba ako tuwing araw ng pagkilala (RECOGNITION DAY) o di kaya ay araw ng pagtatapos (GRADUATION DAY)?–Hmm..marami-rami na rin at sa iba’t ibang lalawigan nagmumula ang mga paanyaya. Ngunit alam ninyo—paumanhin sa sasabihin ko—iba ang sayang dulot kapag ang paanyaya ay mula mismo sa paaralang iyong pinagtapusan.
Last March 27, for the second time, I was invited as guest speaker for the Graduation Rites of Nellie E. Brown Elementary School Batch 2008 where 155 pupils finished their elementary course. Yes—produkto ako ng Nellie E. Brown Elementary School, that public school besides the river in between barangays West Bajac-Bajac and Mabayuan in Olongapo City.
1995 noong una akong nagsalita dito sa isa ring katulad na palatuntunan ng pagtatapos. Ang katunayan, bumalik pa uli ako dito para magsalita para sa isa namang palatuntunan kaugnay ng ika-50 taon ng pagkakatatag ng NEBES may limang taon na ang nakalipas. 55th Commencement na sa katunayan ang dinaluhan ko bilang tagapagsalita nitong nagdaang ika-27 ng Marso.
Hay naku—napaiyak ako sa huling bisita ko. Muntik na sa stage while speaking, pero napigilan ko kasi baka sabihin O.A. pero I was really overwhelmed with emotion of gratitude. Umiyak ako actually, pero bago pa ang palatuntunan..pinaiyak kasi ako ni Ma’am Cecile, yung teacher na in-charge namin noon sa canteen at sa Home Economics. Nilapitan ko siya, nakaupo—paglapit ko….umiyak na po ang Ma’am ko….yakap kami, lalong umiyak.
Lalong umiyak noong sinabi ko na kung di dahil sa sopas niya sa canteen na nakalagay sa plastic container ng margarine (star, yung yellow) ay di ako makaka-survive sa recess, even lunch minsan, kasama na ang turon ni Aling Nena. Habang lumuluha sabi ni Ma’am Cecile—"yung 50-centavos na sopas mo noon, limang piso na ngayon!"
Ha-ha! Batch 83 kaya ako sa NEBES kaya ganun pa ang presyo. Pagkatapos ng kuwentong Aling Nena, nasundan ng kuwentong Mang Amado, yung janitor namin noon, at kuwentong Ms. Nilda Ingson, my science teacher and family friend since I was about three years old or four sa Mabayuan noon, — lalong nagkaiyakan dahil isa sa bungad sa akin nang dumating ako, "Wala na si Miss Ingson". Di ko pinansin agad, nagpaka-naive baga, "san po pumunta, nagretire na?"
"Wala na, patay na! Lung cancer".
Ilang sandali, ang bilis ng flashback sa totoo lang…naalala ko how strong her personality is na kung susukatin ko ang katauhan ng mga taong nagkaroon ng impluwensiya sa buhay ko at pagkatao ko, marahil, yung sinasabi nilang strong personality ko, nahawaan ako ni Miss Ingson. Sa kanya kasi, hindi puwede ang "no", hindi puwede yung "hindi kayang gawin" at lalong hindi puwede yung "ayaw ko at hindi ko kaya."
Kung dumating that night si Mrs. Linda Liberero,lalo sigurong nagkaiyakan.
Nakita ko pa si Carmen Eclarinal, nauna kong nakita si Mylene na napagkamalan ko pang si Aileen, yung bunso nila na siya palang may anak na Grade VI na nagtapos ng gabing iyon. Guro sa Grade II noon ang kanilang ina na si Mrs. Eclarinal na isa rin sa pinakamagagaling sa faculty noon ng NEBES.
Graduation speeches are not about saying you are this and that or this is how you achieve success or this is how to get there. Ang totoo, wala namang isang formula, wala namang isang diskarte dahil ang pagharap sa buhay ay pagharap hindi lang sa iisang mukha dahil samu’t sari ito, sa ayaw natin at sa gusto, hindi lang pawang tag-araw, may tag-ulan din at minsan may bagyo pa, sa ayaw natin o sa gusto, ganun ang buhay.
Pag bumalik ka sa isang alma mater, you come back as you are, alalahanin ang nakaraan, pasalamatan ang mga guro at institusyong naging bahagi ng pag-hubog ng iyong katauhan sa ngayon. Sa tingin ko sapat na iyon para magbigay ng inspirasyon sa mga batang ang idad ay nasa 12 at 13 taong gulang. No big words, no grand speech on hand, written or memorized, extemporaneous, as your heart dictates—pero maikli lang ha–kasi baka ma-bore sila–ha-ha!
Yung galing kasi sa pusong pasasalamat, yung udyok ng damdamin sa oras na iyon—sapat na para maipakita ang kabuuang ambag sa iyo ng mga guro, mga dating kamag-aral at ng institusyong naging bahagi ng iyong kabataan.
Kasama na rin ang mga taong naging bahagi ng iyong kabataan na naroon pa sa Davidson Street, sa lugar na naging pugad ng iyong kamusmusan—naroon sa tabi ko, isang barangay kagawad ang isang Carabeo, sa tabi niya, anak ni Kapitan Capistrano na ako pa ang nagkuwento kung ano ang nangyari noong sunog sa kanilang bahay noong 1976, wala daw kasi siya, nasa Maynila at nag-aaral, ako 6 years old noon, kasama ang aking isang taong gulang pa lamang na kapatid, muntik nang masunog sa loob ng inuupahan naming bahay, iniwanan kasi kami, at ang ate Perla namin noon, sa pag-panic—lalo kaming ikinulong sa isang kahoy na bahay, na katabi ng bahay nina Kapitan capistrano, ubo na kami ng ubo ng kapatid ko…mabuti na lang may isang kapitbahay na sinira ang pinto—nakalabas kami…puno na ng usok ang bahay.
Bago pa duluyang dumila ang apoy sa bahay—nasa labas na kami.
Dun nangyari yun sa compound ng mga Sarmiento. Kuwento sa akin nu kagawad na Carabeo, andun pa rin si Kuya Boyong mo, Boyong pa rin. Natawa ako, alam ko na ang ibig sabihin noon…batang paslit pa lamang ako ay nakita ko na ang ibig sabihin noon, mula sa siwang ng butas sa kusina, nasisilip ko sila noon sa kulungan ng baboy—doon sila gumagawa ng kung ano—ah the teenagers of the 70s…iba noon ang maging rebelde—nadadala hanggang sa katandaan kadalasan, pero pag nagbago naman—abah—-napaka-produktibo sa kanilang lipunan, just my opinion based on stories of people that I know.
Yes, I delivered a speech again before graduates. It was a simple speech, something from the heart that in summary talks about gratitude and inspiration.
By the way—bakit nga ba Nellie E. Brown ang pangalan ng paaralan namin sa elementarya na 55 taon na ngayon ang pag-iral?
Ipinangalan ang paaralan kay Mrs. Nellie E. Brown na isang dating Peace Corps Volunteer na matiyagang nagsimula ng paaralan sa dakong iyon sa tabi ng ilog, hanggang sa unti-unti, lumawak ito at naging isang ganap na paaralan noong panahon na bahagi pa ng buhay ng Olongapo ang pananatili ng mga Amerikano.
Sa katunayan, sa maniwala kayo o hindi, dahil sa impluwensiyang ito ni Mrs. Nellie E.Brown, kahit public school kami,abah, english speaking pupils kaya kami noon!
Sabi ko din noong gabing iyon,kung nanatili akong nakatira sa Olongapo, sa West Bajac-Bajac, doon din ako magpapa-aral ng aking mga anak.
I mean that.
Muli, salamat NEBES. Sa institusyong ito nagsimula ang aking mga pangarap—hindi lamang ito isang paaralan sa akin kundi isang dako din na naging aking pangalawang tahanan sa panahon ng aking kamusmusan. (wakas)
WHAT HAPPENS WHEN YOUR SON WAS ARRESTED FOR DRUG PUSHING AND YOU ARE MAYOR ALFREDO LIM?
March 15, 2008
Noong unang beses pa lamang na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila si Mayor Alfredo Lim—may narinig na ako tungkol dito."Into drugs din daw ang isa sa mga anak nito kaya galit sa mga drug pusher at user si Lim."
That information was unverified then although napakalakas ng ugong noon pero di naman lumabas sa media na hayagan.
At that time, I was covering the Manila area and I was able to join Lim in many instances where he would paint places of houses and establishments with these words: DRUG PUSHER ANG NAKATIRA RITO o DRUG USER ANG MAY-ARI NG BAHAY NA ITO. It was part of his shame campaign noon na naging kontrobersiyal at umakyat pa sa Supreme Court.
One fine Saturday morning, dapat pahina muna, I got a call from an officer of the Philippine Drug Enforcement Agency or PDEA. The officer on the other line said, "Arlyn, gusto mo ng scoop? Nandun sa PDEA Headquarters ang anak ni Lim, nahuling nagbebenta ng shabu sa isang asset. Buy-bust."
The officer who tipped me about the story was not the case officer on the case, it was his mistah, another major from another service of the Armed Forces. Ang PDEA kasi ngayon ay composite units na at since ang head ay dating Chief of Staff ng AFP…maraming mga opisyal na naroon na galing sa major services ng militar na dun lang naka-detail.
So on with the story….the side story..the behind the scene story, kasi lumabas naman na sa diyaryo, TV and radio ito…I am one of the reporters na nag-submit din ng story nito for the Inquirer—not really a scoop kasi maitatago mo ba naman ang istorya ng pagkakahuli sa droga ng anak ni Mayor Lim? I doubt. Plus—nagsalita na rin agad si Mayor Lim dito, confirming the story and saying, the law is the law, and it excuses no one, not even his son.
So alam na nga natin ang istorya…k na? Eto ngayon ang palaisipang iiwan ko sa inyo.
Alam ninyo ba na nahuli ang anak ni Mayor Lim na si Manuel, 44 years old, ika-anim sa kanyang mga anak, habang ang alkalde ay nasa Liwasang Bonifacio at nagbibigay ng talumpati sa isang Anti-PGMA rally? Ito yung ika-ilang leg na ng Black Friday Protest ng oposisyon—eh di ba nga, major name sa oposisyon si Lim ngayon.
The time of the raid was almost at the same time—Lim was delivering his speech.
Isip-isip…now eto pa.
So wait ako sa PDEA, kukuhanan ko ng picture for PDI nga kaso di naman nagamit din, medyo lack of space siguro at may comment na lang si Guyito re this story sa second front page ng Inquirer.
Kuwentuhan…mostly ang naroon, di ko pa kakilala, faces na first time ko pa lang makikita, mga bagong dugo sa PDEA kaya yung naririnig kong kuwentuhan nila na some information directlly ikinukuwento sa akin, alam kong fresh at raw na wala pang bahid ng "scripting" at "twist". Mga bata at idealistic na galing sa PDEA academy, first batch.
Sabi noong isa, "Nagulat na lang kami na anak pala ni Mayor Lim iyon. Dito na nga lang namin nalaman eh. Umamin yung mataba. Tapos tinawagan na namin si Director, yun na siya na tumawag kay Mayor Lim. Ayaw namang kausapin ni Mayor Lim ang anaki niya."
Ang siste sa official press release…tinawagan before the raid daw at yun ang say sa interview officially ng officer in charge of talking to the media about this story. Tinawagan ko pa on the phone again aside from the personal interview just to make sure, oo daw–the call was before the buy bust. K, sige…pero kako, "Sir sabi ni Major (blank)…late na raw nalaman na anak ni Mayor Lim." Ang sagot naman niya, "Eh di naman siya involve sa buy-bust na ito. Nabalitaan lang ni Major (blank). K fine again.
Yung narinig ko naman na mga first batch ng graduates from PDEA academy, mga operatives ito—under sila ng opisyal na mostly nga ay from the AFP so maaaring di nga nila alam na there was a call made before the raid kasi yun din sabi noong opisyal na talagang case officer dito na at the time na tinawagan ko, on the way to Baguio na, andun pamilya plus PMA graduation pa.
Ano ba ang gusto kong sabihin? Puntusin?
Dami actually—simpleng kuwento pero maraming puwedeng hukayin.
Na sa tagal-tagal ng paglutang ng pangalan ng anak ni mayor Lim noon na into drugs…( say pa nga ng isang General sa PNP—may iba pang kasong sangkot daw yun kung inakyat lang talaga ang condo unit during the raid)…bakit ngayon lang na-PUNG? Bakit ngayon lang na-WOW-PAK?
Very elementary if I may say…
Malaking pangalan man noon at ngayon si Lim…iba noon. Iba ngayon. Ano nga iyon? Weather-weather lang?
While I believe Mayor Lim that he will not lift a finger to save his son, (nakausap ko kasi ang anak at sinabi nito na alam niyang di siya tutulungan ng kanyang ama kaya di na niya tinawagan pa) I am inclined to believe the possibility that the timing of the raid and the supposed buy-bust is not a coincidence of sorts.
Parang sinasabi na ang tagal na naming alam…o eto…huhulihin na namin kasi di ka tumitigil kakabanat sa administrasyon. I stress and I emphasize po—I said "parang". Hunch baga.
Many reporters in the beat then knew or have heard of this story in the past pero di naman nahuhuli kaya walang story. Wala rin sigurong may panahon o lakas ng loob na mag-follow up ng lead re this.
Why now?
Maaaring wala talagang pulitika dito. Na nagkataon nga lang talaga. Na ang dahilan kasi, mga bata at idealistic na amga operatiba ang humuli. But then again, that too, kung yun ang kuwento behind the kuwento, ay naghahayag din ng tunay na estado ng kabuuang kampanya sa ipinagbabawal na gamot.
Na dahil sa may bagong dugo, may mga hits. Positive di ba? Sana masustain. Sana di sila ma-corrupt at mapasok ng sindikato.
Pero kung pulitika naman ang kuwento sa likod nito…bubuntunghininga na lang ako at magsasabing, "Tinuod!"
(wakas)
Ang mga kuwento ni Mrs. Imelda Marcos…
March 11, 2008Kung may mahaba-haba kang libreng oras, kung wala kang magawa, kung gusto mong matuwa, maaliw at matuto na rin sa pamamagitan ng kuwentuhan lang—abah! spend those free and extra time with someone like Mrs. Imelda Romualdez Marcos, yes, the former First Lady, the Madame, the Imeldific, no less.
Two weeks ago ko pa balak ipasok sa blog ang naging pakikipaghuntahan ni Mrs. Marcos sa iilang miyembro ng media sa kanyang posh condominium unit sa Makati. Actually, I did not have any intention of going to that dinner invitation since the following day is a Thursday and Thursdays are important to me, especially–that particular Thursday. Kailangang gumising ng maaga, madaling araw, kailangang maghanda.
Kaya ko siya naalala ngayong pag-ukulan ng panahon ay dahil sa absuwelto ang dating Unang Ginang sa 32 counts ng kaso ng dollar salting sa isang Manila Regional Trial Court na kung saan dininig ang naturang kaso ng 17 taon. This is the case involving the $860 plus million dollars account in escrow sa Philippine National Bank. Sabi ng judge, di raw napatunayan ng pamahalaan na kay Mrs. Marcos ang account na nakapangalan sa mga foundation.
Ang tanong ngayon diyan—-asan na ang escrow account na yan? Buo pa ba? Baka nagalaw na? Di kaya? Di malayo? Palagay ninyo?
I was able to attend to that very important Thursday appointed day without any excuses by the way…gising na gising, yan ay sa kabila ng katotohanan na ito pong si Mrs. Marcos reluctantly bid us goodbye at past 12 midnight na! Yun bang tipong babu na nasa pintuan na, nasa elevator na, ang dami pang pahabol na tsika na para bang nagsisimula pa lang magkuwento ang Madame.
To give you an idea, lowbat na kami, siya fully charge pa!
Ilan sa mga kontrobersiyal na mga pahayag at kuwento ni Mrs. Marcos ay nalathala na sa The Philippine Daily Inquirer na kung saan ako nagsusulat din. Eto yung article na tipong great balls of fire—if men like Rodolfo "Jun" Lozada Jr. have two balls and a lot of guts, si pangulong Gloria Macapagal-Arroyo daw, ay sampu ang balls! Sorry, hindi tagalog ang pagkakabanggit ni Mrs. Marcos–balls talaga kaya di masyadong bastos ang dating, he-he!
Bulilit ang tawag ni Mrs. Marcos kay PGMA. "You have to give it to her, she has balls, she probably has 10 balls. She will make it, she will finish her term," yan ang political forecast ni Mrs. Marcos kay bulilit, este kay PGMA pala.
Nagkita daw sila sa isang private party, at ask ko, nasa tabi kasi niya ako, kung nanghingi ng payo sa kanya si PGMA. Ang say ni Madame, "she doesn’t need it. She knows what she’s doing. She is very relaxed and can handle the situation on her own."
Eto palang si Mrs. Marcos—hooked din sa panonood sa live coverage sa telebisyon ng hearing sa maanomalyang National Broadband Network Deal sa pagitan ng pamahalaan at ng ZTE Corporation ng China. Yun nga lang, "garbage" at "big joke" ang tingin niya sa lahat ng naririnig niya, adding that "Lozada may be telling the truth but not the truth I want to hear," sabi pa ng Madame. You see si Mrs. Marcos kasi, kapag nagkukuwento, everything beautiful, eveything good, eveything positive. Si Malakas at si Maganda.
Isa sa mahaba-habang kuwento ni Mrs. Marcos that Wednesday night ay tungkol kay Malakas at Maganda na isang legend na itinuro sa kabataang tulad ko na naabutan pa ang panahon ng Martial Law at ng mga katagang, Sa Pag-unlad ng Lipunan, Disiplina ang Kailangan. You see, imbentong alamat lang pala nila ni Macoy, ni yumaong pangulo Ferdinand Edralin Marcos ang kuwento ng alamat nina Malakas at Maganda. Gets ninyo na kung sino si Malakas at si Maganda.
Hindi ko alam kung tatayo ako sa upuan ko noong nasa punto na si Mrs. Marcos ng pagkukuwento na kaya raw nila naisip ito kasi ang kuwento raw nina Adan at Eva ay parang hindi bagay sa Filipino kasi…alam daw ba namin na ang pangalang Eva, Eden ay ang pinagkunang salita ay salitang evil? Kaya instead of ang unang tao nanggaling kina Eva at Adan, na ayaw pang tanggapin ni Madame na hinugot lang sa tadyang ang babae, Malakas at maganda na lang na galing sa isang kawayan na pinagbiyak ng patas, patas sa katalinuhan, sa kagandahan, sa kagalingan, sa kasipagan, etcetera, etcetera.
Sabi pa ni Mrs. Marcos–ang nangyayari daw sa ating bansa ngayon ay sumpa ng Diyos. Listen why…according to the Madame, kasi daw noong 1986, pinalayas sa Malakanyang ang magandang First Lady at guwapong Pangulo at pinalitan ng panget na pangulo. Ganun? Ganun…sabi ni Mrs. Marcos.
Eto pa..kuwentong Madame pa…
Ingitera daw siya to the max. Her exact line, "Ako na yata ang pinakaingitera sa lahat ng ingitera, dahil pati pulubi kinaiinggitan ko, isipin mo mas gusto niyang mamalimos kaysa sa magnakaw, di ba nakakainggit yun. What I do not have, I emulate, lahat ng maganda, ginagaya ko at hinihigitan ko pa."
By her own admission, Mrs. Marcos said, she is the greediest person of all and sees no reason to moderate it for she wants to have it all. Yun nga lang mag dugtong—lahat ng maganda, mabuti—yun ang pinagtutuunan daw ng greed niya.
Di ba ang greed ay kasama sa pitong deadly sins? How can it be associated with anything that is good and beautiful?
Hay naku Arlyn, kuwento na muna, wah muna side comment.
Eto pa…
Sabi ni Mrs. Marcos—-kaya raw niya pinakasalan si Macoy ay dahil sa noong nililigawan pa lang daw siya, actually on the first date, abah, sa sobrang smitten yata ng dating strong man sa kagandahan ni Imelda, di nakain ang kanyang inorder na chicken. Eto ang kuwento ni Madame, "Kain ako ng kain, kuwento ng kuwento si Ferdinand. Tapos bitin pa ako, sabi ko sa kanya, you are not eating your chicken, can I have it too?" Abah, matakaw ang madame ha! First date pa man din, di ba dapat pa-cute? Anyways, ibinigay naman daw sa kanya, buong-buo at di pa nagagalaw. So bale, dalawang order ng chicken ang nakain ni Madame sa kanilang first date ni Macoy!
At eto ang reason ni Madame why niya sinagot si Macoy. "Isipin mo, hindi niya pinansin ang katakawan ko, nakatuon lang siya sa kung ano ang maganda sa akin. Naisip ko, with this man, I can be who I am and I can have it my way na hindi niya makikitang panget. Maganda pa rin ako."
Hmm…mukhang totoo ang sapantahang ito noon ni Madame.
At eto pa…eto palang si Imee noon, kuwento ni Madame ha, di ko pa na-ve-verify kay Imee, eh parang lagi daw siyang pinupuna noon, as a teenager, o hanggang twenty something siguro sa kanyang mga pagpapaganda.
Ito siguro yung days na ang naaalala ko kay Imee bilang head ng Kabataang Barangay ay t-shirt at maong pants lang, simpleng-simpleng Imee.
Dayalog ni Madame eto, " 36 ako noon, height ng ka-cute-tan ko! Si Imee tanong ng tanong kung bakit lagi akong nagpapaganda. Tignan mo siya ngayon—puro pagpapaganda na rin ang inaatupag. Dapat lang kasi, dapat lahat tayo maganda."
Want more kuwento? Sa totoo lang ang dami ha! Sige…share pa ako…
More cute days of Mrs.Marcos say nga niya.
Abah, may isa palang mga small business group sa Mindanao na gumawa ng manika na inspired kay Madame. Ako, kasi gagah, napansin ko na ang laki ng behind ha, as in parang Jay-Lo sa umbok ang likod, sabi ko, gagah nga kasi ako eh, "Wow, Jay-Lo na Jay Lo ang behind!"…May kagyat na sagot ang Madame, " 50 years ago and 50 pounds ago, ganyan ako ka-sexy ha! Cute na cute!"
But sa dami ng mga kuwentong Madame–sama na ang sabi niya ay goal niya na isulong ang No Filipino Poor in two years…na dati ko nang narinig, may twist nga lang ngayon, sino-solicit na niya ang tulong ng media sa search for justice and truth, the Marcos Truth sabi niya, yun ang bago—may isang bahagi ng kuwento si Mrs. Marcos na nais kong ayudahan.
Oo nga naman–ang mga naririnig natin sa mga pagdinig sa senado, mga kuwento ng bukol, at moderating your greed at Greedy Gang, "back off" at "May 200 ka dito.."—yun ang ugly truth about us today.
The ugly truth that corruption in government has reached a level of total abandon and impunity.
Wala nang pakundangan, wala nang preno-preno. Wala nang hiya-hiya. Madali lang magsinungaling, pati nga timpla ng BURJER puwedeng gamiting sangkalan sa pagsisinungaling!
Pero tanong ni Mrs. Marcos–what about the good things about us Filipinos?
"Di ba dakila ang Filipino? Di ba magaling ang Filipino? Di ba Maharlika ang Filipino? Kailan natin sasabihin sa mundo ang ating kagalingan?"
For someone who sees everything based on her own parameters of what is only good and what is only beautiful—nakakapanghina nga siguro na marinig ang mga panget at nakasusukang katotohanan tungkol sa ating lipunan ngayon.
Gusto ko sanang tanungin si Madame if she doesn ‘t feel that she is partly responsible for what this nation has turned out? Or what the system of governance in the country has turned out?—pero di ko na nagawa, kasi natawa na lang ako sa kasunod niyang linya.
"Ang pinagsisisihan ko, sa haba ng aming panunungkulan sa Malakanyang, hindi ko nabago ang pangalan ng Pilipinas sa Maharlika. Isipin mo, ang pangalan ng bansa natin, isinunod sa pangalan ni King Philip ng Espanya, nakita mo na ba kung gaano ka-panget si King Philip? At alam mo bang namatay siya sa sakit na siphilis? Tapos sa kanya nakasunod ang pangalan natin? Di ba ang panget naman!"
Hay naku Madame…sa dakilang bahagi, oo, sasang-ayunan kita.
Mabuti pa nga noong panahon mo sa puntong ito…ang mga kabataang tulad ko noon, alam na alam ang mga kataga sa awit na tulad nito.
"Ako ay Pilipino, may dugong Maharlika.
Likas sa aking puso, adhikaing kay ganda.
Sa Pilipinas na aking Bayan, Lantay na Perlas ng Silanganan.
Wari’y natipon ang kayamanan ng Maykapal.
Bigay sa aking Talino, sa mabuti lang Laan.
Sa Aki’y Katutubo ang Maging Mapagmahal.
Ako ay Pilipino, Ako ay Pilipino…"
Noong Grade Six ako sa Mababang Paaralan ng Nellie E. Brown sa Lungsod ng Olongapo…ito ang awit namin sa aming Pagtatapos. Graduation Song.
Noong mga panahong iyon, buong-buo ang paniniwala ko, na ang Pilipino nga ay dakila, marangal, maharlika.
38 taong gulang na ako ngayon…marami na akong nakitang panget at nakakarimarim na katotohanan sa buhay lalo na sa buhay nating mga Pilipino.
Pero—sa puso ko, nanatili pa rin ang paniwalang iyon. Dakila ang Pilipino, sa kabila ng mga panget na katotohanan sa ating kapaligiran.
At hindi ko ito nalaman lang na totoo sa puso ko dahil sa ilang oras na pakikinig sa kuwento ni Mrs. Marcos.
Hanggang may pagkakataon, nagkukuwento ako sa mga anak ko ng mga magagandang kuwento tungkol sa ating lahi.
Hinahayaan ko silang makinig sa mga balita sa radyo at sa telebisyon, kilala nila si Lozada, alam ang BURJER ni Chairman Abalos, pati Hello Garci ringtone alam, pero alam man nila ang mga bagay na ito—sa tingin ko, katungkulan ko bilang ina, bilang magulang, bilang Pilipino na, malaman din nila ang mga bagay na dakila at marangal tungkol sa ating lahi.
(wakas)
"Ang maging isang Filipino…"
February 13, 2008
Ilang araw na tayong nakatutok sa telebisyon at radyo dahil sa hearing ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa anomalya sa NBN-ZTE deal sa pagitan ng Pilipinas at China.
We all saw the courage displayed by Rodolfo "Jun" Lozada Jr.
Alam naman nating ang hearing ay hindi isang tulad ng proseso sa isang paglilitis sa isang hukuman. We need not be reminded that the senate’s Blue Ribbon Committee heading the investigation is not a court of law.
Para sa akin—-hindi kuwestiyon kung may dokumentasyon nga ba si Lozada o wala, malinaw naman ang pagkakalahad niya kung paano siya napagitna sa kuwentong ito na paulit-ulit niyang sinasabi na hindi naman niya gulo.
Ang alam kong tinututukan at sinusubaybayan ng marami dito ay ang mga pahayag niya na sa pamantayan ng pampublikong pulso at opinyon ay isang malinaw na pagkumpirma ng kung ano ang tunay na nangyayaring kalakalan sa maraming kontrata sa pamahalaan.
Lozada’s reactions were very human and very real. Hindi siya nag-angking Mr. Clean, sa lahat ng mga bahong kinalkal laban sa kanya—mea culpa dahil kung hindi nga niya alam ang mga bagay na tulad ng ganito, sa isang banda ay hindi siya magagawi sa ganitong sitwasyon.
An insider, be it during any informal or formal meetings or negotiations in any deal is always one of the best witness .
Hindi naman niya idinidiin ang sinuman–nagkukuwento lamang siya. Kaya nga nakapagtataka—sa kuwentong ito na sabi nila ay hindi tatayo sa court of rule and law—bakit ganun na lamang ang pagkabahala ng mga personalidad na nababanggit sa paglalahad ni Jun? Nalimutan na ba natin, ilang beses din niyang sinabi, kung siya ang masusunod—hindi niya gustong tumestigo sa senado dahil alam na niya ang mangyayari.
The change of heart came when he came back from Hongkong last February 5. Sinumang tao, mataas man o mababa ang kalagayan sa lipunan, matalino man o pinakabobo na kaya, may mararamdamang takot sa kanyang naranasang mga sandali sa piling ng mga lalakeng hindi niya kakilala.
"Saan ako dadalhin?" — ilang beses na nagtanong si Jun.Walang sagot, "Relax lang daw."
While it may be true that yes—buhay naman si Jun—di naman siya nakanti—natuloy ang testimonya sa senado—pero ang pagtatangka na basta na lamang di malaman ang kanyang kalagayan ay isang malinaw na indikasyon na kahit alam ng mga nasa kapangyarihan na maaaring walang dokumentong mailalabas si Lozada—ang kanyang sasabihin, at kung paano niya ito ilalahad ay magiiwan ng malinaw na larawan ng kung ano ba talaga ang nangyari sa ZTE-FG H-I-J-K-L-M-N-O-P….na ito.
Alam ng mga natatakot o nababahala kung sino ang paniniwalaan ng tao.
Maaaring may mga puwersa sa oposisyon o kalaban ng pamahalaan na nagtatangkang hawakan sa ilong si Jun ngunit sa ilang beses na pagharap sa media at sa senado ni Jun—napatunayan niya ang kanyang "good faith."
Ang tanong na lang ay kung sapat na ang katapatan ng kuwentong ito ni Jun para bumulwak ang galit ng mamamayan.
Alam kong marami na ang galit, ang tanong na lang ay kung hahayaan nilang malaya nilang mailabas ang galit na ito.
Ilang beses na nga naman…ganun din…kakaantok na di ba? Hikab!
Wala ring nangyayari.
Pero kung nagpapatuloy man ang buhay at pakikibaka sa buhay ng maraming Filipino—-magalit man ang Filipino o hindi sa lahat ng mga anomalya at kontrobersiyang nabubunyag—ang pahayag ni Jun Lozada na sa tingin ko ay tunay na nagmarka sa kamuwangan at kamulatan nating mga Filipino, naniniwala man tayo o hindi sa kanya, ay ang hamon sa atin sa kabuuan.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng isang Filipino? Ng maging isang Filipino?
Sabi ni Jun, "Ang maging salitang Filipino ay hindi nangangahulugan ng isang pamilya lang, Ang salitang Filipino ay para sa isang bansa."
Nang marinig ito ng aking mga anak sa panonood nila ng balita, tinanong nila ako kung ano ba ang ibig sabihin ni Jun Lozada.
Kinausap ko sila ng masinsinan sa puntong ito. Corny na kung corny, pero ganun ako…pati Pambansang Awit—tinatalakay sa mga anak—kung paano igalang at kung paano awitin ito ng wastong paraan lalo pa nung isang singer ang nagkamali sa pag-awit nito.
Di ako lumilihis…ano nga ang ibig sabihin ni Jun sa kanyang mga sinabi.
Ang sagot ko ay sa pamamagitan ng sunod-sunod na kuwento.
Ikinuwento ko kung paano nga ba maging isang Filipino…sa mata noon ni Jose Rizal, ni Andres Bonifacio…at ni Jun Lozada ngayon.
Hindi ko nalimutang sabihin na maraming Jun Lozada sa ating panahon ngayon—naninindigan.
(wakas)
Missing Stella
January 23, 2008
"Everything about Stella is big!" — No —let me make a quick correction. "Big" is not the appropriate word, not even huge. Grand sounds better, gigantic is another word that comes close.
The other day I received an e-mail from Stella Inamiti of Nigeria asking if I miss her as much as she misses me and my answer to that is…"Girl—I do, I do! If only I have the resources to send you guys plane tickets I would and show you all the wonderful island resorts that we have in the Philippines!"
Nigeria is a place that is always mentioned and printed in media reports in the Philippines because of kidnapping cases there were victims are mostly Filipinos working for multi-national oil companies there.
In fact when Stella and I were still in Germany for a 7-week class on Science Journalism sponsored by DW-Akademie, one Filipino was taken hostage but was freed two days before the class graduation. Stella told me then, it was economics, just for money why these kidnappings take place. This is her way of assuring me that a fellow Filipino kidnapped in Nigeria will go home safe and unharmed.
The deployment of overseas Filipino workers in Nigeria is actually banned but this is not strictly implemented. Just talk, just for press release, just a policy—for if some Nigerians kidnap Filipinos working for oil companies there for money, the very same reason lures Filipinos to work there, even if it could endanger their lives—being kidnapped always a possibility, part of the risk of venturing into the rich oil fields of Nigeria.
What many of us, Filipinos, doesn’t know is that we have a lot of things in common about Nigerians. Let me just share one passion that Nigerians and Filipinos share—-the love for tele-novelas and drama series on television. And guess what—ABS-CBN’s "Pangako sa Iyo" the first hit drama series of the loveteam of Jericho Rosales and Kristine Hermosa and the same series that reinvigorated the acting careers of Jean Garcia and Eula Valdez–have a huge following in Nigeria as well as other African countries!
Oh yes, my Nigerian friend Stella knows the character of Amor Powers and Madame Claudia so well that she even essayed an impromtu portrayal of the two characters in one of our many bonding moments especially after class.
I did have time then to watch some episodes of Pangako sa Iyo but Stella did watch the entire series—up to the very last episode!
Writing about Stella brings back fond memories of real friendship that crosses borders and transcends cultural differences.
I miss Stella, I miss everyone from that class—hoping that one day—DW Akademie will bring us back together again for another class—he-he! (end)
"ELEVEN"
January 15, 2008
Have you seen the original movie Ocean Eleven starring Frank Sinatra, Sammy Davis Jr. et al?
Yes—there was one in the 1960s before the series of Ocean Eleven movies that starred George Clooney, Brad Pitt, Matt Damon et al. hit worldwide box office, the last episode, now dubbed, Ocean's 13, with the entry of another Holywood giant Al Pacino.
Try to find a copy and you will find yourself laughing with total delight at the end of the movie, where the really funny twist is revealed!
Teka, bakit naman bigla akong nagblog tungkol sa Ocean Eleven?
Pardon me but I am consumed by the wonder of number "11".
11 years ago today, a fragile and very tiny infant that was only 7 months when forcefully delivered via Ceasarian Section because of a case of pre-eclamsya, that medical condition of pregnant women where the mother with child in her womb experience high blood pressure, with extreme palpitation compounded by episodes of headaches that is worst than a migraine.
Parang puputok ang ugat, parang babagsak ang kisame, parang nakalutang kapag naglalakad, parang namamaga ang labi, parang hangin ang buong katawan! Kung hindi ilalabas sa sinapupunan ang sanggol, ang ina ay mamamatay, o ang sanggol ay mamamatay sa loob ng sinapupunan, o ang ina at ang sanggol, puwedeng parehong mamatay.
Nang ilabas ang sanggol na ito, 2.1 lbs! Imagine how tiny that baby was when she was delivered into this world?
Nag-open pa ang heart, almost nag-rapture daw sabi ng doktor na nangyayari daw sa mga sanggol na ganito ang kaso, pre-mature delivery. Nilagyan ng ventilator, diretso sa lungs ng sanggol, may oxygen pa para tulungan siyang huminga kasi hindi kaya ng sanggol na huminga on her own.
Ni hindi mo puwedeng lapitan, hawakan, titignan mo lang. Nahawakan lang, two weeks bago siya nailabas ng nursery ng isang pagamutang mabuti na lamang, may tamang pasilidad, may mga ekspertong tutugon sa pangangailan ng inang nagluwal at ng sanggol na isinilang.
Ang sanggol na iyon ay aking anak. Ang aking panganay. Ang unang sanggol na nagpakilala sa akin ng damdamin ng isang ina. Kakaibang pag-ibig ang umusbong sa dibdib ko. Ang hirap ipaliwanag, ang hirap lapatan ng salita.
Isang buwan ang kailangan sanang ipagpahinga ng isang inang nagluwal ng sanggol lalo pa sa ganoong kundisyon o ganoong kalagayan. Pero 15 araw pa lamang, kinailangan nang bumalikwas.
Sino ang aasahan ng sanggol na ito kundi ang inang nagluwal sa kanya?
Work na, kailangan, two months sa nursery ang baby.
Kaya nga di ko malilimutan si dating congressman Romeo Jalosjos, kasi nga, siya ang pinakamalaking balita nang mga panahong iyon, nasa Makati City Jail siya noon, naaresto na siya nang mga panahong iyon.
Kasabay ko noong nag-cover si Susan Enriquez, na kasama ko sa pagsisimula sa mundo ng pamamahayag sa DZBB, sabi niya sa akin, 'Nyls, gagah ka talaga, bakit di ka magpahinga eh C.S. ka, kung bumuka yang tahi mo, at kung mag-relapse ka, mas matindi ang binat!" Parang kapatid na pinagalitan ako ni Susan.
But prayers kept me on my feet. I have to work. Hindi ka-adikan yun! Kailangan lang talaga. And let me not expound why. It was with dignity that my child and I survived that episode in our lives. I told her that story when she was old enough to understand for her to appreciate the passing of every single day of her life.
I always tell my first daughter how blessed and loved she is by God and how special she is for surviving that first test of her one life to live.
3.11 lbs. siya nang aking ilabas ng ospital. Iyak ako nang iyak, pero nakangiti, nakatawa, para akong sira ulo sa taxi, iyak, tawa, ang liit, liit niya, ang gaan-gaan niya.
Lumalaking may takot sa Diyos ang anak ko, isang mananampalataya. You should hear her pray and you would be moved as to how she views her life and ours with a grateful and loving heart.
Eleven.
Labingisang taong gulang na ang anak ko.
Si Uri, si Katuringing, si Kat-Kat, si La Greta—si Katrina Greta.
Kung naging matapang man ako sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay, isa siya sa dahilan nito.
Ipinakita niya sa akin sa kanyang kawalan ng kamuwangan ang tunay na katapangan sa paglaban sa buhay.
Salamat anak, salamat.
Maligayang Kaarawan.
(wakas)
Lalaya na si Kumander Bucay!
January 12, 2008
It's just a matter of days, maybe two or three more weeks, but this man is definitely on his way out of prison.
Lalaya na si Norberto Manero Jr., kilala bilang Commander Bucay, isa sa mga kinatakutang pinuno ng civilian defense force ng Hukbong Sandatahan noon kontra sa mga rebeldeng grupo, pangunahin na, kontra sa Communist Party of the Philippines at New People's Army o CPP-NPA.
Last Wednesday, I had an exclusive interview with him inside the National Bilibid Prisons in Muntinglupa.
Naka-brown t-shirt na si Manero, nakamaong at may japorms na rubber shoes na di ko lang nasipat ang tatak. Kasama niya ang kanyang asawang si Evelyn at isang prison guard nang pumasok sa Multi-Purpose Hall ng NBP na kung saan isinasagawa ang last stage ng Medical Examination sa 13 nattitira pang convicts sa Aquino-Galman Double Murder case.
Supposed to be, the following day, January 10, laya na si Manero. Yan ay kung ang prison records at computation ng servicing of sentence niya na pirmado ng mga Bureau of Corrections Officials ang pagbabatayan. Ngunit, di natuloy dahil sa apektado si Manero at iba pang mga kontrobersiyal na kasong tulad ng sa kanya nang nangyari naman kay dating congressman Romeo Jalosjos.
I have yet to be convinved that what happened to Jalosjos was an actual escape. Kainis ha–may escape ba namang may private plane pa na naghihintay sa domestic airport, asus–pirmado po—ng mga dapat pumirma, nagkapalagan lang at eto namang Jalosjos, may I comment pa laban kay Tabako, meaning former President Fidel Ramos na kesyo babalikan niya, etcetera, ayun—nagkakuwentahan uli ng sentensiya at ang kuwentas klaros—mali daw ang arithmitic na makulit!
Now back to Manero.
Sabi niya sa interview ko sa kanya, nakapaghintay na rin lang daw naman siya, maghihintay pa rin siya kung kinakailangan kahit na alam niyang dapat daw ay karapatan na niya ang lumaya dahil nakumpleto na niya ang sentence niya.
It turned out, Manero was right in choosing patience above other emotions at that time. Nang dumalaw sa NBP si Justice Secretary Raul Gonzales last Friday, January 11, ang sabi nito, mukhang wala namang mali sa dokumento ni Manero at walang hokus-pokus ika nga—makakalaya na siya, within the month or probably the next.
Ang katunayan, yung dalawang kapatid ni Manero na convicted din sa kaso ng pagpatay sa paring Italyano na si Tullio Favali noong 1985, mas nauna nang nakalaya sa kanya, ilang taon na ang nakaraan. Kung paanong nauna ang dalawa, at naiwan si Manero, kasi may supposed to be pending case si Manero, na nang i-check sa korte na kinauukulan sa Mindanao, wala na raw, pero that brought him back to prison noong 1999.
Ito na lang marahil ang naisip na kalkalin noon kasi ang naaalala ko, tandang-tanda ko pa kuya Eddie ay sobrang oposisyon noon sa paglaya na sana ni Manero under the administration then of former president Joseph Estrada.
Isipin ninyo nga naman, ang sinasabing makakalaya na ay ang Manero lang naman na binansagang, "the cannibal"!
Oo, oo, gets ko…naririnig ko kayo…alam ko, alam ko, iniisip ninyo kung tinanong ko ba si Manero ng tanong na nais na tanungin ng lahat sa kanya: "Did he really eat the scattered brains of the priest after killing him?" Isinulat ko na sa English, nakakapangilabot pa rin, hay naku. Facts, facts. Yun eh, utak, brains, kinain, eat–pareho rin. Karumal-dumal na eksena pa rin.
To answer that question, I did. Tinanong ko siya sa paraang tantiyado ko, kalkulado ko ang sitwasyon.
Wala naman akong nararamdamang takot sa harap ni Manero kung yan ang iniisip ninyo. Ang katunayan ay magalang naman siyang makipag-usap sa akin o kahit kaninuman na naroon. It must be the years he spent in prisons, naging magalang, pero sino ba naman ako para magsabi nito, hindi ko naman siya kilala ng personal noong kasikatan ng pangalan niya sa Mindanao. Ang alam ko lang sa kanya ay ang mga una nang nakasulat tungkol sa kanya.
Noong 1999, naibalita ko rin ang tungkol sa kanyang kontrobersiyal at naudlot na kalayaan, but that's basically it—sa personal na assessment kung ano talaga siya, wala akong kredibilidad na magsalita tungkol doon. May mga kontrobersiyal na kasong kriminal na dininig sa korte na I know by heart ang mga detalye dahil sa pagputok pa lang ng balita, natutukan ko na ang mga iyon. But not Manero's case. Naman, third year high school pa lang kaya ako noong 1985!
So ano ang sagot?
Hindi direktang sagot. Pero ang sagot, kapag malaya na siya nang ganap, isang araw ikukuwento din niya aniya ang tunay na nangyari. Hindi naman niya itinatanggi na sila nga ang may kinalaman sa pagpatay kay Favali, ang bahaging iyon lamang ang medyo sensitibong talakayin at madali namang intindihin kung bakit.
Teka, ang ibig bang sabihin nito, gagawa ng libro si Manero? Tell all? Hmmm….
Isa pa sa nakita kong dahilan kung bakit di naman ako natinag sa panayam sa tinaguriang "the cannibal" ay dahil sa yung tatak sa kanyang kanang balikat, tatak na nakita ko na, nakita na ang ritwal at nagawan na ng istroya.
Ito yung tatak ng D.I.A.B.L.O.–yes spelled diablo as in devil in the deep blue sea.
May ibig sabihin ang D.I.A.B.L.O. at sauladong-saulado ito ni Manero hanggang ngayon. Sinubok ko lang, tinanong ko siya kung alam pa niya ang ibig sabihin, at alam niya-" DAUNTLESS, INTELLIGENT, ADVOCATES, BANNER, LIBERTY, ONENESS."
At dahil corny ako, sinubukan ko ring ipakanta sa kanya ang theme song ng grupo niyang D.I.A.B.L.O. na ang lyrics at melody ay hindi nalalayo sa theme song ng pangalan na ng grupong ang pinagmulan ay ang D.I.A.B.L.O.—ang kinikilala ngayon bilang GUARDIANS INTERNATIONAL BROTHERHOOD na ang isa lang naman sa mga kilalang miyembro ay si dating koronel Gringo Honasan na ngayon–balik senado muli–(hingal—ang haba ng sentence ha!Students hindi ganito ang pagsusulat sa broadcast ha!—walang rules dito sa blog, maliban sa katotohanan lamang your honor..)—yun nga lang, di ko napakanta kasi sabi niya, "Baka maiyak ako, wag na, natatandaan ko pa."
Ang D.I.A.B.L.O. na pinanggalingan ngayon ay itinatag bilang isang samahan ng mga enlisted personnel ng Hukbong Sandatahan. Nagkaroon ito ng civilian component pero sinasabing piling-pili ito, "elite" sabi nga nila, yung puwede sa special operations o special ops. Pangunahin dito yung Magic Group na kung saan kasama si Manero.
Anti-NPA-CPP per se ang grupong ito…noon…kung ang GUARDIANS ngayon ay ganun din, wala pang malinaw na paglalatag ng kaibahan, on record na galing mismo sa kanila.
Just a thought…bigla lang pumasok sa kung saan, nagkataon lang marahil…malikot lang ang isip ko.
Ang paglaya ni Manero ay halos kasabay ng pagpapalakas na muli ng pamahalaan ng kampanya laban sa CPP-NPA. May target pa nga di ba? That is to totally wipe out the insurgency problem by 2010!
Hindi maitatanggi ang naging papel noon ni Manero sa kampanya ng AFP sa pamamagitan ng tinatawag na special ops, special missions, na isa nga sa pinaniniwalaang sukdulan, ay yung kaso ni Favali.
Sabi ng asawa ni Manero na si Evelyn, hindi na siya papayag na magamit na muli ng kahit na sino o ng kahit na anong grupo o organisasyon si Manero. "Simpleng buhay ang babalikan niya, ibang buhay, simpleng buhay," paulit-ulit niyang sinabi.
Pero sabi rin sa akin ni Manero, sa aking panayam, nais niyang makatulong pa rin sa pamahalaan, maging isang productive citizen paglabas niya aniya.
Maraming paraan kung paano gawin ito, ang maging isang produktibong mamamayan na tumutulong sa pamahalaan. Pero sa isang tulad ni Manero, matakasan kaya niya nang ganap ang anino ng nakaraan? ng paraang para sa kanya noon ay pagtulong sa adhikain ng pamahalaan?
Paano kung sa pagdating ni Manero sa kanyang bayan, ang inaakala niyang insureksiyon na kanyang napadapa ay malakas pa pala?
Paano kung kasama sa plano ng AFP ay ang pagbuo muli ng mga sibilyang grupo na tutulong sa kanila sa paghahabol sa anila ay manipis nang puwersa ng CPP-NPA? Paano kung isang araw, may dumating sa bakuran ng mga Manero, isang dating kasama, may dalang mensahe, isang pakiusap, para sa isang dating misyon?
Ahhh…ano ba ang iniisip ko, erase, erase…manahimik at wag magisip ng kung ano-anong twist.
What is clear is that within the prison regulations and the system of justice, Manero has fully complied with the conditions and has served his sentence in jail. Napatawad na rin siya ng mga paring kasama ni Favali at ang sinasabing orihinal sanang target nito.
Ang mundo sa labas ng NBP ay malinaw na kalayaan. Ngunit minsan, sa mundo ng kalayaan, naroon ang pagkapinid at pagkakulong sa isang sitwasyon na kahit anong gawin mo, hindi mo matakasan.
Si Manero lamang ang makapagdedesisyon kung sa kanyang paglabas, tunay siyang magiging malaya o mananatili sa tanikala ng nakaraan. (wakas)
NANG DAHIL SA 300 PIRASO NG BUKO NG NIYOG…
January 10, 2008
Sa tagal ko sa mundo ng pamamahayag, sa dami na ng taong nakapanayam ko, akala ko, wala ng bagay o kuwento pang puwedeng makagulat o makawindang sa akin.Akala ko lang pala yun. Ito yung tipo ng kuwentong, para kang kinakalabit at di ka tinatantanan, yung tipo ng kuwentong kasama mo hanggang sa pagtulog.
Ito yun–isang ang kuwentong ito sa mga kuwentong ganun-ang kuwento ni Lolo Cornelio Sindac, taga Baler, Quezon, 75, taong gulang at preso sa National Bilibid Prisons sa Muntinglupa.
Alam ninyo bang nakulong siya nang dahil lamang sa 300 piraso ng buko ng niyog? Qualified Theft, kapalit ay napakahabang panahon sa loob ng piitan, mula sa Provincial Jail ng Quezon hanggang dito sa Munti.
Aksidente lamang ang pagkakakilala ko kay Lolo Cornelio. Ang pakay ko doon, kaya ako sumama sa team ng Public Attorney's Office o PAO ay ang 13, natitira pang dating sundalo ng Philippine Air Force na sentensiyado sa pagpatay kina dating senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr. at Rolando Galman. Ang aga kong nagising, kakahiya kung mahuli sa lakad, nakiki-angkas lang ako sa service ng PAO na pinamumunuan ni Atty. Persida Acosta. Paano kasi, mahigpit ang pagpapapasok sa media ngayon sa NBP mula nang sabi nila, again, sabi nila ha–ay nakatakas si dating kongresista Romeo Jalosjos. Balik Munti na si Jalosjos, pero dahil sa nagkapahiyaan, nagkabukingan, nagkapalagan—hayun—higpit tuloy sa media, ang totoo, bawal nga. Eh nag-ninja ako, blend, nakapasok.
Bukod sa 13 sundalo ng PAF, ang Aquino-Galman boys kung sila ay bansagan, nakapanayam ko rin si Norberto Manero Jr. ang convicted killer ng Italian priest na si Tullio Favali noong 1985. Need I say, exclusive? Di na, given.Pero kahit na malalaking istorya ang nakuha ko mula sa ninja stunt na iyon, ang kuwento pa rin ni Lolo Cornelio ang basta na lamang lumalabas sa bibig ko sa pag-uwi, sa pagbalik sa studio ng Net-25, sa pagkukuwento sa aking mga anak sa aking mga ginawa sa buong maghapon, sa kahit na sinong makausap ko, naisisingit, nababanggit, at eto nai-ba-blog.
1967 noong nangyari ang insidente ng sinasabing pagnanakaw. Kuwento ni Lolo Cornelio, dos pesos daw ang kada piraso ng buko ng niyog noon. Medyo may kamahalan yata ang presyo, pero malay ko ba, tantiya ko lang ay sentimos pa ang presyuhan noon, dahil 1967, pero maaaring ang presyo din ay dikta ng law of supply and demand, na ang mataas na presyo ang nagtulak kay Lolo Cornelio para nakawin umano ang 300 piraso ng buko ng niyog.
Umano ang ginamit kong salita dahil sa ganito kasi ang kuwento.
Si Lolo Cornelio ay nagmamay-ari ng 8 ektarya ng lupa sa Barangay San Jose, bayan ng Maria Aurora sa lalawigan ng Baler noon pang 1960s, lupang minana sa kanyang mga magulang. Isang araw, isang estranghero ang dumating sa lupaing iyon, mula sa ibang dako, di taal na taga Baler o taga Quezon kaya, karay ng lalakeng ito, nagngangalang Jose, ang kanyang buong pamilya, na ang mga anak noong mga panahong iyon ay paslit pa.
Nakiusap si Jose kay Lolo Cornelio na noon ay maliliit pa rin ang mga anak na sana ay mapayagan siyang makapagtayo ng maliit na kubo sa isang bahagi ng kanyang lupain. Naawa, pumayag si Lolo Cornelio.
Kalaunan, pagkatapos ng kubo, nakiusap uli ang lalaki at ang pakiusap, kung puwedeng maka-ani din siya ng ilang piraso ng buko, yung kanyang mga mababantayang puno, kung puwede daw ba na siya na ang mag-ani.
Pumayag din ang Cornelio.
Hanggang sa lumaon, kusang nagpapabagsak na lamang ng buko ng niyog ang nakikitira lamang sa kanyang lupain. Hindi siya hinahatian sa kita. Ang ginawa ni Cornelio, bago ang isang takdang malaking anihan ng buko ng niyog, nagpabagsak siya ng 300 piraso nito at sa halagang P2.00 kada piraso, naibenta niya sa halagang anim na raang piso na malaking salapi na ng mga panahong iyon.
Ang kapalit ng hakbang na iyon ni Cornelio, demandang pagnanakaw, na aniya, ayon sa ayuda at suporta ng ilang mga opisyal noon sa Agraryo sa kanilang lalawigan, kaya nakapagpursige ng kaso si Jose.
Paano ba daw niya pagnanakawan ang kanyang sariling lupa, kung ang inani niya ay mga buko ng niyog na dati nang nakatanim sa kanyang sariling lupa? Ang akala niya noong una, nagmagandang loob siya, naawa sa isang estranghero, hanggang sa kalaunan, siya ang nasadlak sa isang kaawa-awang kalagayan.
Simpleng kuwento, parang pang-barangay lang, pero nauwi sa husgado, nauwi sa napakahabang taon ng pagkakakulong!
Si Lolo Cornelio ay 75 years old na. Rekomendado nang makalaya dahil sa kanyang idad.
Pero ang siste—sa kanyang paglabas, ang nakaaway na pamilya, naroon pa rin sa kanilang lupang pag-aari aat di na nila napaalis sa loob ng mahabang panahon.
Sabi ni Lolo Cornelio, marahil kasalanan nga niya kaya siya nakulong, pero sa tingin ko ay sinasabi na lamang niya iyon upang kung may natitira pang poot sa kanyang dibdib ay maiwaksi na niya ito ng lubusan.
Ilang kaso kaya ang tulad ng ganito kay Lolo Cornelio?
Mahigit sa 20,000 libong preso ang tila-sardinas na siksikan sa NBP ngayon. Iilan lang ang nakakuwentuhan ko.
Halos lahat naman, karamihan, batay ito sa aking karanasan bilang mamahayag, sa mga lugar na tulad nito, laging maririnig ang katagang "wala akong kasalanan, napagbintangan lang ako."
Pero may mga totoong kaso ng kawalan ng hustisya na nasa loob ng NBP sa Muntinglupa.
Ewan ko kung aayon kayo, pero sa tingin ko, malinaw na isa na ang kaso ni Lolo Cornelio.
Pero kung titignan mo siya ngayon, lito man sa biglang pagharap sa isang reporter sa unang pagkakataon, sa mga tauhan ng PAO, at kay Martin Dino ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC, walang bakas ng galit sa kanyang mukha.
Bago kami naghiwalay, usal ni Lolo Cornelio, "kasalanan ko rin, nagtiwala ako sa estranghero at naniwala akong sa akin papanig ang batas ng agraryo noon."
Sabi ko kay Lolo Cornelio, pag uwi niya, sasama ako kung maari, at di na ako hihiling na magpabagsak pa siya ng isang piraso ng buko para makainom ng sabaw nito. Bibili na lang kami sa daan!
Tawa naman ang Lolo Cornelio sabay tanong, "lalaya na nga ba ako?"
Ano ba ang isasagot ko sa tanong na iyon kundi, "May awa ang Diyos Lolo, may awa ang Diyos." (wakas)
Six days and counting…
January 6, 2008Six days of history were already written down on the pages of 2008.
Ang dami na agad na nangyari.
Si dating Congressman Romeo Jalosjos, balik National Bilibid Prisons sa Muntinglupa, balik sa Maximum Security Compound at kung paniniwalaan natin, balik sa sitwasyon ng isang preso na walang pribilehiyo.
Ang aga pa, dami nang nagpaparamdam ng kanilang mga ambisyon sa 2010. Daig nga ba ng maagap ang masipag? Eh paano kung marami silang maagap, matalo naman kaya sila ng sipag? Ah ewan, basta please lang, ang aga ha!
Si Ruben nga—nanalo na sa Pinoy Big Brother 2nd Celebrity Edition with almost half a million text votes for just the Big Night! Sabi niya sa ending, "Natupad ang pangarap ng taongbayan!"
May political statement din ba sa pagkapanalo ni Ruben, na ang gustong sabihin ng mga bumoto para manalo si Ruben ay talagang maraming mahirap na Pilipino na nagbabakasakali at nakikipagsapalaran? Na ang pangarap ni Ruben na makaahon sa hirap ay pangarap din ng milyun-milyong Filipino?
Sigaw ni Marielle—"Ruben, mayaman ka na!!!"
In the Unites States, Senator Hillary Clinton's defeat in the Iowa caucuses proved that she's not the leading aspiring Democrat candidate for the White House after all, in fact finishing only third despite all the hypes and the publicity and that Senator Barack Obama, a black-American can be victorious in a predominantly white population indicating a big possibility of a first Black American president in the US political history.
There's no doubt in my mind and am sure as well as others that the Obama charm has something to do with his number one supporter, Oprah Winfrey, the most powerful woman in America today and probably the most admired international personality in most parts of the globe.
The possibility of a Democrat back in the White House is very high and this poses a possible shift in the policies of the US in handling its international affairs, the War in Iraq included, even the presence in countries in Asia like the Philippines, Mindanao in particular.
In some parts of the world, there are stories of flood, snow storm, an ailing former strongman of Indonesia, political tension in Kenya, etcetera, etcetera.
Sa isang kubo sa isang liblib na baryo, maaaring isang sanggol ang isinilang, sa isang mala-palasyong tahanan naman kaya, maaaring isang kapamilya ang nagkasakit o pumanaw kaya.
Sa isang karagatan, may mga nailigtas, may mga tuluyang nalunod.
Sa isang palengke, may isang halos maubos na ang paninda, may isa namang halos mabulok na ang paninda, wala pa ring pumapansin.
Isang babae ang nakatanggap ng proposal kaya, isang lalake naman ang tinalikuran ng kanyang minamahal.
Ang daming kuwento. Anim na araw pa lamang ang nakalipas, punong-puno na ang pahina ng kasaysayan sa bawat sulok ng mundo.
As for me, I just turned 38 in 2008 na incidentally ay 18th year ko rin sa media industry. Parang debut, may ganun? May Ganun!! (Pahiram ng linya sa 91.5FM, lalo na kay Mr. Fu na nakakaaliw pakinggan).
I see the numbers—yes, yes, I know, tumatanda na, pero sabi nga ng kaibigan ko, I am still a caliber. 38, reliable pa! Ha-ha!
But you know what, I do not feel old at all, except these past few days na sobrang ginaw!!!!
Hukluban kasi ako, takot sa lamig, ginawin, pinagpapawisan na ang lahat, ako nakatalukbong pa!
Personally just like everyone, I do have plans for 2008 and I even wrote down goals and targets for every quarter of the entire year. But while I am like that, something I learned from a good friend of mine who writes down everything he wants to accomplish in a year, on the first week of the year, I am open for any possibilities, including the possibility of not reaching or not getting what I aimed for.
38 na nga ako, dami ko nang naranasang kabiguan sa lahat ng aspeto ng buhay pero sa idad kong ito, alam na alam ko rin naman na ang mukha at halakhak ng tagumpay kaya kahit ano, ready ako.
But while I am ready for anything that may happen this year in the same breath that I was in the previous 38 years of my life, I know that it is not within my power and free will that life happens as it happens!
May Diyos!
Whatever happens in life, it is not by accident, it is not by coincidence.
Sometimes, all we have to do is to be silent and be still—for sometimes in our rush in accomplishing records and milestones in our lives, we forget to simply stop and listen to what is really meant for us to do and to accomplish in our lives.
2008, anim na araw na ang nalagas sa kalendaryo ng taong ito, magbibilang na naman ng araw sa kanyang programa ang aking kaibigang si Rene Sta. Cruz sa DZBB, sasabayan ng adlib ni Bay-Hugot, at sasabihin nila–ah Disyembre na naman.
Alam ko, palasak na ang linyang ito, pero tunay na kay bilis ng takbo ng panahon. (wakas)
I am NOTHING without them…
December 8, 2007I can be anyone I want to be, be what I want to be. Maaga kong niyakap ang katotohanan na ang tanging naglilimita lamang sa isang tao na kamtin ang mga bagay na nais niya ay ang salitang limitasyon mismo.
THE WORD LIMITATION ALONE LIMITS ALL THE POSSIBILITIES.
But while I could be anyone I want to be and anywhere I want to be—I am NOTHING if I am not a mother to Katrina Greta and Dominique, I am NOTHING if I am not with them.
Minsan, dumating sa buhay naming mag-iina ang yugto na kami ay nagkahiwalay ng napakahabang panahon—98 days! Taong 2002–alam ng buong mundo ang kuwento, may mga nagduda pa nga, nang-intriga–hindi kasi nila ako kilala at hindi nila alam kung saan at kanino LAMANG talaga umiinog ang buhay ko at kung sino lamang talaga ang mga TUNAY na nakapagpapayanig, nagpapabagabag, at puwedeng magpaiyak sa akin.
Pero okey na yun–I have long moved on.
Ang mahalaga—kung ano ang totoo sa amin ng mga anak ko.
After that episode in my life, in our lives–hindi na kami naghiwa-hiwalay pa. Di na ako nag-eexplain sa iba—ke anong okasyon pa yun, gumagawa ako ng paraan na makasama sila. May mga matang kagyat na nakakaunawa, may mga nabibigla, pero alam ninyo—matagal na akong walang pakialam. What matters is what we hold true and sacred in our lives. (Parang ang kulit ko? inulit ko lang ang punto!)
May kanta kaming mag-iina–impluwensiya ko, luma kasi ang kanta eh–he-he! –yung 'I Wont Last A Day Without You"—na saulado na nila, lalo na ng bunso. Yun nga lang inililihim na marunong kumanta ng luma dahil baka makantiyawan…ahh..ibang kuwento yan. Saka na.
Yung picture na yan–kuha ng Tita Jenny nila, kapatid ni Gelmie na asawa naman ni Onin Miranda. Katatapos lang ng aming breakfast that also followed the yearly PASALAMAT ng KABATAAN. Sa QC Circle kami kumain, sa Bacolod's Chicken Inasal. At ewan ko ba etong dalawa—bigla na lang nagsabi na "Ma, gusto naming mag-alaga ng plants, bili tayo."—Kaya yan pong lugar na yan—QC Circle kaya halamanan ang aming background! (Mag-explain ba? OO–kasi nakapalda at bistida kami, baka sabihin, ganun get-up namin kapag naglalamyerda!-he-he!)
Sabi nina papa Piolo at Angel Loc—"I WANT TO BE COMPLETE!"
Ako—matagal na, di nakasalalay sa multi-vitamins ang pagiging kumpleto, (gagah, wag ganun ang line, baka kunin kang isa sa endorsers!)—matagal na akong kumpleto.
Noong dumating si Katrina sa buhay ko, noong sumunod na dumating ang aking bunso, si Nica.
Kapag tinitignan ko sila, madalas nagkakapikunan, nag-aaway din, nagseselosan—pero mas marami ang pagkakataon at eksena na sila ay nagmamahalan hindi lamang bilang magkapatid kundi magkaibigan.
Best friends nila ang isa't isa.
Kapag naiisip ko kung gaano sila kalambing sa isa't isa….nawawala lahat ng aking agam-agam—alam kong pagdating ng kalaunang panahon—sa dako pa roon—-hindi nila pababayaan ang bawat isa.
My Kat tells me—"ma, hindi tayo maghihiwalay ha.."—OO NAMAN ANAK!
Ang bunso ayaw patalo—"MAMA, i love you—infinity and beyond." Parang alam ninyo na kung saang movie yun at kung anong cartoon character iyon. Di man orig ang line—ang bottom line, alam niya ang ibig sabihin noon at totoo sa kanyang puso ang mga kataga.
Ang sarap maglakbay ano?
Minsan—hindi naman na kailangan talagang hanapin ang kaligayahan, kabuuan at kaganapan.
Ibinibigay sa iyo sa tamang panahon–lalo na sa bawat panahong akala mo—the end na—nagsara na ang telon.
You just have to believe.
Now I am everything because of them. Ang matawag na "mama" ang aking pinakamatingkad na karangalan sa buhay. (wakas)
Thank you Sir Eggai, Sir Armin…
December 1, 2007
It's easier to achieve your goals in life when you have people who believed in you.
Masuwerte ako–may mga nasumpungan akong taong nagtiwala sa akin at mga taong puwede ko ring pagkatiwalaan. Ipinapakilala ko ang dalawa sa kanila, mga taong naging bahagi ng paghubog ng aking kamalayan at kamulatan-sina Sir Eggai Geniza at Sir Armin Santos.
Sir Eggai and Sir Armin are not just my mentors, they are also my friends, part of my extended family.
May isa pa—yung pinakaguwapo sa kanila—si Mr. Dream Boy–si Atty. Manuel Rosapapan, payagan ninyo na po Sir Eggair at Sir Armin na siya na ang pinaka-guwapo kasi, siya rin naman ang PINAKAMATANDA! (He-he! Hi Atty. Rosapapan-ala ka noong bumisita ako sa Aura last Saturday, wala sa schedule, dumating na lang, kasi kapag nangangako akong bibisita, di natutuloy, kaya ayun, bigla na lang akong dumating.
Meron pang isa–nasa abroad ang huli kong balita, si Sir Jerome Caluyo na naging professor ko sa Psychology I na nagbigay sa akin ng tumataginting na 1.00 (Uno) na marka sa asignaturang iyon.
Apat sila–pero sa pagkakataong ito—yung dalawa muna ang aking ikukuwento. Next issue na lang ang Atty. Rosapapan at ang Sir Jerome.
Ano ba ang naging papel ng mga ginoong ito sa aking buhay, that is the question.
Si Sir Eggai ang nagturo sa aking habulin hanggang sa makayakap at mahawakan ko ang aking mga pangarap.
"We are not alone in this world. We are in this world with others."-Philosophy I and Philosphy of Man ang mga subjects na hawak ni Sir Eggai noong ako ay college. Siya rin ang aming Dean ng kolehiyo. Ang dami niyang kuwento sa klase noon na naghahatid ng mensahe na kaya mong gawin at makamit ang lahat ng iyong naisin sa pamamagitan ng taus-pusong pananampalataya sa kakayanang bigay ng Maykapal. Oo–isipiritwal na rin ang Sir Eggai noong mga panahong iyon, circa 1987-1988…up…Hindi lang ngayon.
Mayroon kami noong programa sa radyo, DWHL, na inspirational stories ang tema. Pinagkatiwalaan niya ako noon na sumulat din para sa programa niyang ito.
Sa programang iyon, narinig ang mga kuwento ng mga taong pinatunayan na ang kaligtasan sa isang tiyak na panganib ay hindi ang manatili sa pagkunyapit sa isang baging o sa isang tangkay ng kahoy kaya o sa isang tipak ng bato sa gulid ng kabundukan, sa gitna ng unos—kundi ang kaligtasan pala, maaaring masumpungan sa pagtalon sa ibaba, sa rumaragasang tubig sa ilog, sa dako ng tila walang katiyakan, ngunit punong-puno ng pakikipagsapalaran.
Jumping from the cliff and taking the big chance on the wild river below, a man was rescued and eventually that man found his freedom.
Ganun ang ginawa ko. Mula sa aking comfort zone—tumalon ako, nakipagsapalaran at inabot ang aking mga pangarap. Do I have to mention that I do not know how to swim?He-he! pero jumped to the river wild, I did!
Eto—dinala ng agos sa pampang at mula sa pampang, ipinagpatuloy ko ang aking paglalakbay, ang walang katapusang paglalakbay.
Si Sir Armin naman ang impluwensiya ko sa pagmamasid sa mga bagay na nangyayari sa lipunan, sa kanya ko unang narinig etong mga katagang ito sa kanyang mga pagtuturo noon, na "magtatagumpay lamang ang kasamaan kung walang gagawin ang mabubuting tao."
Mayroon pa akong isang namana sa kanya, nakakainis nga lang minsan. Pareho kaming nagdedesisyon agad, as in agad, deciding when angry and when in despair, lalo na kapag prinsipyo ang pinagusapan at kung sa tingin namin ay tinatapakan na ang aming pagkatao.
Sir Armin and I are both rebels of a different kind.
We rebel because we want excellence, we rebel because we want things done, we rebel because we refuse to simply conform.
But I am a changed woman na. May tamang kinalalagyan na ang pride. Takot na ring basta na lamang tumaas ang presyon ng dugo sa gigil sa isang bagay o sa isang sitwasyon. Sa tingin ko, ganun na rin si Sir Armin ngayon.
Nang magkita kami, kuwentuhan at pagsasalo sa isang meryenda sa canteen ng Aura, libre ni Sir Armin, kasama ko ang isang dating kamag-aral at kaibigan na dati ring naging professor sa AURA, si Joel Ea, turon at softdrinks ang aming pinagsaluhang tatlo habang nagkukuwentuhan—I saw a Sir Armin who has become everything that he wanted to be—pero mas pinili pa rin ang maging guro sa kolehiyo.
Sir Eggai later joined us—minus the turon and softdrinks na—dun sa opis ni Sir Armin, nagmano ang Joel Ea, ninong niya kasi ang Sir Eggai, nagmano na rin ako, sabay yakap sa aking Dean na siyang nagtustos sa matrikula ko sa mga unang taon sa kolehiyo, Scholar niya ako, pero bukod doon, may allowance ding ibinibigay sa akin as Editor-in-Chief ng The Vision Quest, nag-teacher aide din ako sa prep school nila, yung Mondriaan Montessori School habang nag-aaral sa kolehiyo, teacher aide sa umaga, alas sais hanggang alas dos—estudyante mula alas tres hanggang alas nuwebe ng gabi.
Lakad lang ang pagitan–mula sa school ng Mondrian hanggang sa school naman ng VRC.
I would not have survived college without Sir Eggai.
Bumabalik-balik ako sa Gapo, di naman na ako nakatira doon, wala naman akong bahay doon, pero para sa akin—mananatiling ang Gapo ang aking tahanan dahil naroon ang mga katulad nina Sir Eggai at Sir Armin.
Alam kong maraming beses ko nang nasabi, naipakita, naipadama—pero minsan pa, sa pamamagitan ng espasyong ito—let me say: THANK YOU SIR EGGAI AND SIR ARMIN. (END)
Sugat sa Media
November 30, 2007November 29, 2007 was another historic day in the contemporary story of Philippine politics, one that is rich with stories of coup d' etats and mutiny—let us qualify that—of failed coups and mutinies.
I was among the members of the media who covered the most recent ones namely the July 2003 Oakwood Mutiny, the 2006 February Stand-Off at the Marine Headquarters in Fort Bonifacio, and — now this one now known as the Manila Peninsula Take Over.
Ang lahat ng tatlong insidente o yugtong ito sa kasaysayan ng kaligaligang pampulitika sa bansa–may mga pagkakahalintulad na marka-marka ng kapusukan, pagkukumahog, pagkalugmok, galit, at desperasyon—sa panig ng mga naglunsad nito. Marka naman ng tila katatagan, kabilisan at katapan, sa panig ng mga otoridad na gumupo dito.
Pero may kakaibang marka ang nangyari kahapon.
Kasama sa mga disturbing images na nakita ng buong mundo ay ang mga kagawad ng media na isinasakay sa isang pampasaherong bus at tila naka-posas ang kamay gamit ang isang plastic na panali, tire-up ang tawag dun, ginagamit sa pagseselyado ng mga bahage sa cargo sa paliparan para hindi basta makalag.
Hindi ito aktuwal na posas ngunit ganun na rin ang larawang naipakita nito.
Mahalagang maunwaan kung bakit naroon ang media.
May pumutok kasing kakaiba. Out of the ordinary. Hindi lang basta ordinaryong hearing pagdinig sa Makati Regional Trial Court ang nangyari. Nag-walk-out sina senador Antonio Trillanes IV at Brig. General Danny LIm at tuloy-tuloy na naglakad patungo sa direksiyon ng Makati Avenue hanggang sa umabot sa sapilitang pagpasok sa the Manila Peninsula.
Idagdag pa na habang naglalakad—-nagsimula nang bumuka ang bibig ni Trillanes na ang mga pinagsasabi ay makakapukaw talaga ng sinumang media, beterano man o hindi—-eto na raw huling pagkakataon na raw, panahon na raw, magkakaisa na ang lahat, people power na raw etcetera, etcetera at idagdag mo pa na katabi niya si Danny Lim—kung baga sa isang pelikula, aba, mga mare at pare to borrow the line of Mareng Winny and Pareng Oca na namimiss ko na ang show—eh casting coup ito!
At ang supporting roles pa naman–mga armadong escorts ng mga ito na ni hindi pumalag nang basta na lamang mag-walk out ang dalawa mula sa korte na ni hindi nilingon ang hukom na nagpapabalik sa kanila. Di ba nga–minsan nang nangyari, remember Gringo Honasan na nayakag ang mga SWAG niyang bantay noon na–bakit ninyo ako babantayan, takas na lang tayo! Ganun!
Di ba–kahat ng sangkap ng isang malinamnam na putahe ng isang balita ay naroon kaya who can resist that?
Kaya kung di man kumalas na ang mga naunang grupo ng media sa tabi nina Trillanes at Lim—abah, do not blame them. Ganun talaga ang laro ng industriyang ito, unahan! Nauna na sila, kakalas pa ba?
Noong isa-isa silang isinasakay sa bus, nang makita ako ng ilan sa mga kasama sa hanapbuhay na isinasakay sa bus na naka-gapos ang kamay—sumigaw ang ilan sa kanila, "Arlyn, we need lawyers, tawag ka." "Arlyn tignan mo pinosasan kami." "Arlyn, di kami pumayag na posasan kami lahat." "Arlyn sundan mo kami sa Bicutan, doon daw kami dadalhin."
It was sight that is hard to erase. Nakakalungkot. Nakakapanlumo. At oo–nakakagalit. Tama ang National Union of Journalist of the Philippines na isa sa kagyat na naglabas ng istorya. "Media is not the enemy."
Tama rin si Charie Villa, head ng News Gathering Team ng ABS-CBN na nagsabing, "We were just doing our jobs."
May I also add—hindi naroon ang media dahil naniniwala sila kay Trillanes. Sa tingin ko nga, kung puwede lang nilang batukan ito sa kapangasahan at kapusukan (na naman!) ay ginawa na ng ilan sa kanila. Mutiny nang mutiny, hindi naman pala prepared, ganun, kainis din kung tutuusin di ba? Anim na oras ang itinagal. Nababawasan ang oras — mas matagal ang Oakwood record nito…inabot ng magdamag.
Sabi ng isang kaibigan kong sundalo, opisyal, –"bakit big deal yung pagposas sa mga media, eh kailangang i-process lang sila talaga."
Big deal dahil nandoon ang media to cover, to tell the story, to report blow by blow the breaking and the unfolding of the events.
Kung wala ang media doon—baka nga mas naging madugo. Ang totoo—walang napaulat na casualty sa nangyari kahapon—maliban lang sa isang unrecorded one pero nakunan ng isang bystander sa isang cellphone nya na naku—sana—wag ilabas sa YOU TUBE. Ako po ang casualty…na noong unang bugso ng pag-atake ng mga tropa ng AFP-NCRCOM—ang mga pulis na kakuwentuhan namin sa kahabaan ng Ayala, abah eh, itunulak ako padapa. Hindi dahil type niya akong itulak. Nagulat marahil at to be fair, nais lang akong protektahan sampu ng iba pang kalapit niyang kagawad ng media na naroon. "DAPA! DAPA!" sigaw ng pulis na di ko na nakuha ang pangalan.
Eh — naka-power dressing ako dahil galing sa isang affair bago napatakbo sa Makati, medyo madali akong natulak kasi nga naka-heels ako—so dapa—kaysa sa mukha ang tumama sa kalsada, eh tuhod na lang! So dalawalng tuhod ko—may sugat. Yun lang ang alam kong insidente ng casualty sa nangyari kahapon, pisikal na sugat.
Pero may isang mas may masakit na sugat na naiwan sa insidente kahapon. Yung hindi kayang gamutin ng betadine o itago ng plaster kaya.
Eto yung sugat sa propesyon ng pamamahayag.
Sa panahon ng krisis—may kanya-kanyang papel ang bawat sektor, pulis, militar, sibilyan, media.
Hindi ko sinasabing walang pagkakamali ang media o na lahat na lamang ng lahat ng gustong gawin ng media ay dapat na tanggapin na bahagi ng karapatan nito. There is such a word as abuse.
What I am saying is, media should never be questioned for reporting, simply reporting.
Kung mawawala ito—paano na?
Ang tipo ng responde sa panahon ng krisis ang isa sa barometro ng maayos na sistema ng demokrasya, yung talagang working democracy.
Kung hindi nauna ang media sa Peninsula—mas madali sanang na-control ng pulis at ng militar ang sitwasyon. Pero yun ang kuwento eh, nauna ang media na naka-amoy and some officers of the Philippine National Police (PNP), General Avelino Razon, amongst them, was caught saying on record that "somehow there was a failure of intelligence".
Somehow…tumbukin na natin. Nalusutan sila ng grupo ni Trillanes!
Pero ang kabilang istorya naman ay ang mabilis at maagap nilang pag-responde. Anim na oras na stand-off, record na yun…it shows decisiveness and will power to be who they are, people in authority.
Ang hindi lang tama sa timpla eh yung isama mo sa collateral casualty ang mga mamamahayag dahil lamang sa hindi ka nakatitiyak kung ano talaga ang nangyari.
O dahil sa napikon ka at nalusutan ka.
Madaling makita kung sino ang players doon sa anim na oras na stand-off. Pero ang kaladkarin pati ang media—hindi tama.
Madali silang bumawi—-napakawalan kaagad bago mag-hatinggabi—pero naroon na ang sugat. Sabi ko nga–eto yung tipo ng sugat na may marka talaga—isang sugat na hindi makakalimutan at malinaw kung sino ang gumawa ng sugat na ito.
Nanonood pa naman ang buong mundo. Akala pa naman ng maraming bansa, ganap na malaya ang ating pamamahayag.
Nakita tuloy nila ang mukha nito, raw, unedited pa. Ang bagay na itinatanggi—sumambulat. Sino ngayon ang mas napahiya?
Nasugatan ang media sa insidenteng ito—pero kaya niya itong indahin dahil ito ang sugat na mas magpapalakas sa kanya. Ito yung tipo ng sugat na mas masakit ang epekto sa gumawa nito. Yung sugat na taglay ng may gawa nito—nagnanaknak—ang baho. Amoy ninyo? (wakas)
(wakas)
Standing tall in Iraq are Filipinos!
November 27, 2007
Before I tell this story, one that I know and one that I am proud to share, I will make assumptions first.
Una—na inaasahan ko na marami ang makaka-identify sa kuwentong ito lalo na sa mga milyun-milyong Filipino na may kaanak na nagtatrabaho sa ibang bansa, silang mga anak na may ama o ina na OFW, silang mga asawa, na may kabiyak na napawalay dahil sa paghahanap-buhay sa ibang bansa, isang kapatid na ang kuya o ate ay nasa ibang bansa, maitaguyod lamang siya sa kanyang pag-aaral, sa mga ina o ama na nangungulila sa kanilang anak na ilang taon ng hindi nayayakap man lang.
Second assumption: that without any need for an explanation, you will understand why this story is faceless. Lalong alam ninyo na kung bakit—hindi ko siya puwedeng pangalanan.
Ang katotohanan ay isa lamang siya sa maraming Filipino na nasa lugar na kung saan–sa araw-araw–ang mga simpleng bagay na kanilang ginagawa ay nakakatulong sa isang malaki at malawak na gawain.
Third assumption—that one day—we will all want to know him and others like him, for they are Filipinos who make us all proud in the little and big things that they do in a country struggling to find its own destiny.
On with the story?…Yes…here it goes…
Kuwento ng isang kaibigan, kuwento ng isang anak, kuwento ng isang kapatid, kuwento ng isang ama…
Isang araw, isang pagkakataon ang dumating na nang hawakan niya sa kanyang palad ay marami ang nagtanong ng bakit? Bakit doon? Hindi mo ba mahal ang sarili mo? Bakit sa dinami-dami ng mapupuntahan—doon ka sa lugar na iyon magtatrabaho?
May dahilan kung bakit ganun ang reaksiyon. May dahilan kung bakit ganun ang agam-agam ng mga nakaalam kung saan ang kanyang direksiyon.
Ang lugar lamang naman na kanyang pupuntahan ay lugar na ordinaryo ang road at suicdide bombing, isang lugar na may umiiral pa rin na maalab na sectarian violence sa kabila ng ilang taon na rin namang pananatili doon ng US led-allied forces. Oo—ang pinuntahan niya ay ang bansang Iraq.
There is a popular term for the kind of job that they do in Iraq. Nabasa na natin ito, narinig na natin ito–mga mersenaryo, —nasa negosyo daw ng digmaan, at mga trabahador ng mga naglalakihang security and contracting companies sa Iraq na tulad ng Black Waters.
Mersenaryo–yun ang tawag sa mga gawaing nasa ganito o nasa industriyang ganito ng mga mismong nasa loob ng bansang nagpasimuno ng pagpasok na ito sa bansang Iraq. War on Iraq or Invasion on Iraq—ibang kuwento pa yan….hanggang ngayon—paksa ng debate sa maraming bahagi ng daigdig.
It was a US tag on private security personnels in Iraq—but for the other nationalities that work for these companies as security specialists—a different story is aching to be revealed.
Paano mo tatawaging mersenaryo ang mga ama, anak o kapatid na sumabak sa isang estrangherong lugar upang makatulong sa kani-kanilang mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas? Paano mo tatawaging mersenaryo ang mga kapwa mo Filipino na nakasuong sa panganib ang buhay nang walang sapat na katiyakan o blanket ng kaligtasan na tulad ng mayroon ang mga tropang Amerikano na kanilang inaalalayan, binabantayan, inaayudahan?
O sige na, tawagin ninyo na silang mersenaryo hanggang gusto ninyo—pero tulad din sila ng ibang mga ordinaryong OFW na tinulak ng pagkakataon na humanap ng pagkakataon at oportunidad sa ibang bansa—kahit pa nga sa bansang tulad ng Iraq na hanggang ngayon ay nasa mabuway na kalagayan pa rin lalo na pagdating sa aspeto ng seguridad.
Kung naniniwala kayo na kahit saan dalhin ang Pinoy—lalabas at lalabas ang kagalingan nito–lalo na siguro sa lugar na tulad ng Iraq na may kaguluhan. Sa gitna ng isang tensiyon, isang simpleng pagpapaliwanagan na hindi nagkakaliwanagan, ang biro ng isang Pinoy ay maaaring makapagdulot ng pagkalma ng sitwasyon.
Di ba tayo nga lang marahil ang lahi na nasa gitna na ng matinding sakuna o panganib, nakakatawa pa? Nakakapagbiro pa?
Sa lugar na tulad ng Iraq—madali ang malungkot, madali ang mangulila—lalo pa sa pagsapit ng mga espesyal na okasyon—tulad halimbawa ng kaarawan ng isang mahal sa buhay…o ng mismong kanyang kaarawan…kung puwede lang na lumipad—at sa isang iglap ay nasa piling na ng kanyang mga anak at mga mahal sa buhay.
Kung puwede nga lamang…
But he knew that when he and others like him trekked the road and path to Iraq—what follows is a form of sacrifice that will test a person's true worth.
Nasa Iraq sila dahil sa may mga umaasa sa kanila.
Nasa Iraq sila dahil sa may mga pangarap silang nais na tuparin, hawakan, ariin at pagyabungin.
For now—we may talk about their stories in whispers, and refuse to even acknowledge the kind of contribution that they do in the long and tedious task of rebuilding of Iraq.
Pero isang araw—malalantad din ang kanilang kuwento. Isang kuwento na hitik ng pakikipag-kapwa tao, ng kagalingan at ng pagsasakripisyo.
Sige ibulong muna natin…na sa lugar na tulad ng Iraq—may mga Pilipinong nagbibigay ng karangalan sa ating lahi, may mga Pilipinong puwede nating ipagmalaki, may mga Pilipinong lumalaban at ipinakikita kung paano ang lumaban ng may dignidad at katapatan.
In Iraq–Filipinos stand tall.
Isang araw—isisigaw natin yan ng buong pagmamalaki.
Sa ngayon–hayaan ninyo munang aking ibulong, kilala ko ang isa sa kanila at ikinararangal ko ang makilala siya.
(wakas)
Ang musmos na si Rap-Rap at si MANAY LOLIT SOLIS
November 25, 2007
May mga kaibigan at kakilala ako ngayon na nagugulat kapag nalaman na marami akong kaibigan sa mundo ng showbiz dito sa Pinas.
Hindi naman sa dahil sa sa tingin niya ay wala akong dugong "showbiz" (he-he!) Nabibigla lang sila dahil talagang kilala ko, not in a showbiz way but in a personal way—as in kilala talaga dahil nakasama.
Iba naman ang daigdig ng news and public affairs sa entertainment pero nagsasalubong din ang mundong ito kaya I know many personalities sa mundo ng entertainment, at isa sa kanila si Manay Lolit Solis.
You could say that I have known Manay Lolit for nearly two decades now. When I was starting as a Jr. reporter for DZBB of GMA-7 then, I also did other jobs for shows produced by the network. Karaketan ang tawag namin doon, at isa sa mga kinarir ko ring raket ay ang maging isa sa mga nasa likod ng Eye to Eye ng yumao ng si Inday Badiday. Dun ko nakasalamuha si Manay Lolit na noon ay may sariling TV show sa IBC-13 na ang pangalan ay SCOOP.
Through the years I would every now and then bumped into her and we would exchange the obligatory "Hi" and "Hello" or "What's Up?" with matching beso-beso.
She calls me Arlyn of course but still remembers the name that I used during my maiden year in broadcasting, my nickname from high school, Nyls,( Nyls dela Cruz, Bisig 15, DZBB) and sometimes calls me by that nickname.
Pero sa halos mag-da-dalawang dekada ko na siyang kakilala–maliban sa lahat ng alam ng publiko sa kanya, lalo na sa mga eskandalo, intriga o away na kanyang pinasukan, napasukan at kinasasangkutan hanggang sa ngayon ay hindi ko masasabing kakilang-kakilala ko na si Manay Lolit—yung bang pagkakakilala na kilala talaga.
But lately, very recently, I can say that I am beginning to know the real Manay Lolit and knowing the real Manay Lolit is a fascination in itself. Ganun pala siya, kaya pala kahit na parang minsan, ang projection ay dapat na siyang kasuklaman, marami pa rin ang nagmamahal at nagtatanggol sa kanya. Iba pala siya sa malapitan at sa mga pagkakataong, hindi siya ang guererang si Manay Lolit.
Recently, lagi kaming nagkikita , in fact nakaka-ilang Saturdays na sa isang parlor, no–hindi na parlor ang tawag, that's so 70s and 80s pa—sa isang salon, Salon de Execelente to be exact, sa Timog Avenue sa Quezon City, malapit lamang sa GMA-7 at nasa tapat ng Caltex/Chevron Gasoline Station. Pareho namin kasing ex-deal ang Salon de Execelente. Marami pang ibang TV personalities na doon nagpapa-make up, kasi sinundan ang mga make-up artists na dating nasa isang kalapit at sikat ding salon sa Timog kaya maraming mga artista, TV hosts at anchors na tulad ko na doon na nagpapa-make-up.
In my case, first time ko na nag-ex-deal, ako lamang ang nagma-make-up dati sa sarili ko at sa tingin ko naman ay maayos akong mag-make-up, kaya lang, ano naman ang masama kung magpaka-celebrity ako sa idad kong ito–he-he! Eh sa natutong maglagi sa salon sa idad na 37 eh, Isa yata yun sa sinyales na — hay naku, sabi nga ni Mayor Alfredo Lim, "Tatanda din kayo!"
Now back to Manay Lolit…(pansin ninyo, ang dami kong detour? he-he!)..and this little boy called Rap-Rap na napakalambing po talaga at hindi mahiyain.
At Salon de Excelente, Manay Lolit is at home, so at home that she allows her guards down. At iyon ay hindi dahil sa mga nakasanayan na niyang kasama sa salon tulad ni Wendy na siyang nag-me-make-up sa kanya at ng iba pang nag-fo-foot spa at manicure sa kanya, kundi dahil sa isang batang paslit, si Rap-Rap nga, na sa tingin ko ay nakabulabog na muli ng maternal instinct ni Manay Lolit..
It was what you may call a delightful distraction that Manay Lolit welcomes.
Anong klaseng pagkabulabog ba?
Ganito po lang naman.
Eksena: Nakaupo ang Manay, hinihilot ang kanyang paa, nilalagyan ng treatment ang kanyang buhok, the works…pero biglang tatayo dahil sa ang batang si Rap-Rap, itinuturo ang baso ng tubig at siya ang magbibigay nito, o kaya, nahulog sa sahig ang laman ng chichiria na kinakain nito, o kaya, babagsak ang bata na tipong inaantok, o kaya mabubungo ang upuan, pero tatayo naman ang bata na nakatawa na parang walang nangyari kahit na salamin na ang nabangga nito ay medyo masakit yung "blag!" na yun ha sa sahig.
Sasabihin ni Manay Lolit kay Rap-Rap–"sleep ka na Rap-Rap"; "Get your toys Rap-Rap"; "Do you want water Rap-Rap?" etcetera, etcetera, etcetera.
Sabi nga ni Wendy, "Hay naku, si Manay talaga ang yaya ni Rap-Rap!" na that particular Saturday ay sinagot naman ni Laurence ng ganito, "Hay naku, kapag nagpunta ako sa Singapore, si Manay Lolit ang magyayaya diyan pansamantala." Si Laurence po ay ang "ama" ni Rap-Rap, adopted niya ang bata at isa siyang magaling na make-up artist who does the on-cam look of one of the hosts of Star Talk na wala akong permisong sabihin kung sino kaya wag na mention.
Ibang kuwento din ang bonding ng mag-amang ito. Ang cute! Walang yaya ang bata, kahit saan siya magpunta at kahit gaano kataas o kasikat na tao ang seserbisyuhan niya as an artist, kasama sa pakete ang bitbit niya ang anak niyang si Rap-Rap.
Sa Salon de Excelente, extra special ang Sabado dahil sa batang si Rap-Rap pero most specially kay Manay Lolit.
Ganito sila mag-usap—sample lang ha! At may-edit akong portion kasi may kaso sila related to this, he-he, pero gets ninyo na ito. Sasabihin ni Manay Lolit…"I love…" tapos dudugtungan ni Rap-Rap ng "Manay Lolit!"
Tapos—"paglaki mo ano ang gusto mong maging?" Sasagot naman ang Rap-Rap, "_____" (opo edited na!)
Basta there's more to this exchange between Manay and the little boy na kasama sa dayalog ang name ng isa sa latest nemesis ni Manay na wag na nating mention, gets ninyo na yun. Isa sa dalawa, yung mas madaling banggitin ang pangalan!
Ilang Sabado pa lamang ang malapitan kong obserbasyon sa relasyon ni Manay Lolit at ni Rap-Rap pero sapat na iyon para masabi ko na sa likod ng katapangang ipinapakita ni Manay Lolit—nanatiling naroon ang isang bahagi ng kanyang pagkatao na hindi kayang buwagin ng kung anumang intriga o kontrobersiya.
Nanay si Manay Lolit, isang ina at ang dugong iyon ng isang ina, isang saglit lamang ay sumisigla, kapag nasusumpungan niya ang isang anak na tulad ng paslit na si Rap-Rap.
Yes, after nearly two decades, it's only lately that I have seen the real Manay Lolit, that side of her, not seen, and never exposed before the cameras. (end)
















