To be a journalist is to act like a "tribune" that essays the truthful "journal" of every story of our "times", big or small, front page or inside page, "BIG NEWS" or even the last story before the closing credits roll;
To be a journalist is to hold a "mirror" in front of you to regularly and faithfully check the convictions and principles of what a "free press" truly stands for;
To be a journalist is to sometimes embrace your own celebrity and be a "star" that sets and upholds the "standards" of what the Filipinos of " today " are fighting for;
Ang maging mamamahayag ay tulad ng isang "bulgar" na pahina na hindi puwedeng maging sisidlan ng anumang pagbaluktot sa katotohanan, bagkus siya pa ngang lagusan upang ito ay mai-"bandera" at mai-"balita" ang mga kuwentong dapat na marining at ma-"tiktikan."
Ang maging mamamahayag ay ang pagsisiguro ng pananatili at pagsulong ng isang "malaya" at walang kinikilingang pag-"PAPATROL" , sa bawat araw, "24-0ras" dahil ang bawat kuwento ay kailangang pulsuhan, may buhay, tila isang "NEWSBEAT" na kailangang ma-"CAPTURED" dahil walang take two sa isang breaking news, walang cut, walang re-take;
Ang maging mamamahayag ay maging "SAKSI" sa "SENTRO" ng bawat pahina ng kasaysayan upang ito ang mai-"BANDILA" sa sambayanan;
Ang maging mamamahayag ay DAPAT laging sa NGALAN NG KATOTOHANAN AT TUNAY NA PAGLILINGKOD.
Kaibigan ko si BADONG
August 24, 2007Today, my article on 2Lt. Ludwig Salvador was in the front page of the Philippine Daily Inquirer where I contribute exclusive stories and features. I hope you guys find time to read it. Isa yun sa mga kuwento na isinulat ko mula sa puso. Reporters are supposed to be detached from their subjects, but how can you not relate to the story of a father and son who fought in the same battle field in different periods in the more than 30-years of the peace and order problem in Moslem Mindanao?
How can you not relate to a story of a last text message of love sent to a loved one, someone he intended to share his dreams and life for the rest of his life?
Alam ninyo—bagong kaibigan ko lang si Ludwig, o si Badong. Hindi nga lalampas sa bilang ng limang daliri ang mga pagkakataon na nagkausap at nagkatalamitan kami. But it was easy to see the determination and the courage of this young man.
Noong una ko siyang nakilala, yung mistah niyang si Bong ang bida kahit na kung tutuusin ay kasama naman siya sa operasyon noon sa Sulu, September of 2006 that led to the death of ASG chieftain Khadaffy Janjalani in Indanan, Sulu. Pero he gave way and showed humility and allowed his mistah to shine and never took away any spot of the limelight focused on Bong.
Then we had lunch with his EX-O sa RECON Company. Tahimik lang siya, isang tanong, isang sagot.
Then I had to save some pictures—but forgot my USB and he offered his USB—wala pa naman daw gaanong laman. Ipinahiram to save pictures of a Recon Class na gagamitin doon sa libro in the making, A Country to Serve.
Sabi ni Badong sa akin—"gamitin ninyo muna, para naman sa marines din yan, kuwento ng marines din naman yan."Even his personal belongings, para sa marines pa rin, para sa bayan.
And then I did not expect to see him again sa Ternate, Cavite Marine Training Camp where were supposed to shoot portions of the documentary about the Burnhams for the History Channel. Ibang kuwento na kung bakit hindi kami natuloy mag-shoot sa Ternate, at sa halip sa Subic kami natuloy.
Ang huli kong eksenang naaalala sa kanya, kay Badong, sumaludo tapos—tumakbo na–papunta sa barracks nila—-yun na pala yung training nila before the Basilan mission.
Wala pa sa balita, maagang nakarating sa akin ang kumpirmasyon na isa siya sa mga opisyal na nasawi sa engkuwentro sa Basilan noong August 18, 2007. Then I saw him again—lifeless, inside a box, but somehow , I felt that he remains the same determined and courageous man until the very end of his life.
An impression of humility and courage, yun ang markang iniwan niya sa akin.
Hindi na maibabalik ang nawalang buhay. Ngunit ang mga huling yugto sa pook ng labanan bago nalagutan ng hininga si Badong at mga kasama, nakatitiyak ako na ito ay tagpo ng tunay na KABAYANIHAN.
Sa iyo 2Lt. Ludwig Salvador at mga kasama, carry on! Kami ang sumasaludo sa inyo!
Previous Comments
buds mamimiss kita
Posted by araw ng martes at April 1, 2009, 1:14 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.









kakilala ko sya, mga bata pa kami, sa mga kwentuhan namin nabanggit nya na gusto nya mag sundalo, tinanong ko pa nga sya kung bakit, sabay kumontra agad ako sa kanya, ayoko sana na magsundalo sya, kasi nung mga bata pa kami ang alam ko nga parating nasa bingit ang buhay nila, pero yun talaga ang pangarap nya.
Posted by araw ng martes at March 31, 2009, 10:36 pmnatatandaan ko pa, ang saya nyang kasama, marami syang bagay na kinukwento para maging masaya ka, mararamdaman mong secure ka pag kasama mo sya. hindi kita makakalimutan, naging bahagi ka rin ng buhay ko.
hinding hindi kita makakalimutan!