Home » Archives » 01. September 2007
To be a journalist is to be a fearless and incisive "inquirer" that dares to "chronicle" history without fear or favor;

To be a journalist is to act like a "tribune" that essays the truthful "journal" of every story of our "times", big or small, front page or inside page, "BIG NEWS" or even the last story before the closing credits roll;

To be a journalist is to hold a "mirror" in front of you to regularly and faithfully check the convictions and principles of what a "free press" truly stands for;

To be a journalist is to sometimes embrace your own celebrity and be a "star" that sets and upholds the "standards" of what the Filipinos of " today " are fighting for;

Ang maging mamamahayag ay tulad ng isang "bulgar" na pahina na hindi puwedeng maging sisidlan ng anumang pagbaluktot sa katotohanan, bagkus siya pa ngang lagusan upang ito ay mai-"bandera" at mai-"balita" ang mga kuwentong dapat na marining at ma-"tiktikan."

Ang maging mamamahayag ay ang pagsisiguro ng pananatili at pagsulong ng isang "malaya" at walang kinikilingang pag-"PAPATROL" , sa bawat araw, "24-0ras" dahil ang bawat kuwento ay kailangang pulsuhan, may buhay, tila isang "NEWSBEAT" na kailangang ma-"CAPTURED" dahil walang take two sa isang breaking news, walang cut, walang re-take;

Ang maging mamamahayag ay maging "SAKSI" sa "SENTRO" ng bawat pahina ng kasaysayan upang ito ang mai-"BANDILA" sa sambayanan;

Ang maging mamamahayag ay DAPAT laging sa NGALAN NG KATOTOHANAN AT TUNAY NA PAGLILINGKOD.




Paano nga ba babaguhin ang imahe ng Sulu?

September 1, 2007

  

 

Kamu kabataan, ayaw mapapatuhan

Misan mabinsana, Inginhawa baran

Hangad sin Maksud, Subay baugbugan

Dumawhat Kamahardikaan!

—ANG MGA LINYANG NASA UNAHAN AY CHORUS NG ISANG AWITING TAUSUG NA NATUTUNAN KO. It's a song about the search and the struggle for self-determination, freedom and independence.

It was a song composed at the height of the seccessionist rebellion in Sulu, Basilan and Tawi-Tawi including Central Mindanao.

Kuwento ng taong nagturo sa akin noon, ang mga bata noong early 70s, sila yun noon, tinuruan na ng kantang ito. Una kong narinig ang kanta nang i-play ang isang old footage ng isang pagtitipon ng mga miyebro ng Bangsamor Army ng Moro National Liberation Front o MNLF.

More than 30-years after that song was first heard in the jungles of Indanan, Sulu—the meaning of the song still holds true for many Taosugs, MNLF or not.

Pero alam ninyo bang outside of the Peace Agreement na inaasahan nilang sana ay lulutas ng kanilang mga socio-economic and political problems, may mga inisyatiba ngayong puwedeng ituring na kakaiba sa lugar na tulad ng Sulu?

Like—the idea of finding a new inspiration, something to believe on, something to follow, something to move them–something to cheer them on and make them believe that they can still turn this war-torn province into a progressive and developed Islamic community in Southern Philippines.

Hindi ko pa masabi kung may kahihinatnan ang biglang paglalapit ng ideya ng isang kilala kong magaling magbigay ng inspirasyon bilang leader, dahil minsan ay naging cheerleader, at ng isang may kakaibang pagnanasa ngayon na magbago ang imahe ng Sulu na lugar ng digmaan, kaligaligan at kahirapan. I am referring to the meeting and constant communication now of Senator Richard "Dick" Gordon and Sulu Governor Abdusakur Tan.

Kung inspiration factor lang—-puwedeng matulungan ni Senator Dick si Gov. Sakur. Ang AIM HIGH OLONGAPO KAYA, puwedeng maging slogan din ng Sulu, AIM HIGH LUPAHSUG—-puwede kaya? Umubra kaya?

But is it just a mere problem of redirecting or putting a different image of Sulu? Ganun lang ba ang problemang ito?

HINDI ang madaling sagot sa tanong na ito. Pero ika nga, malay natin—sa tagal na parang wala nang puwede pang magbago o makatulong sa kalagayan ng Sulu at sa mamamayan nito—baka nga ang susi nasa bagong inspirasyon? Nasa bagong paniniwalaan?

Inspirasyon para sa isang bagong direksiyon na puwedeng magsimula sa isa o dalawang SLOGAN na magpapaalala sa mga Taosug kung sino at ano sila.

Hihimayin ko ito sa mga susunod na araw.

Oo–ngapala—-nakabalik na ako sa Sulu–limang taon mula noong 2002, mula noong araw na tumalilis ako paalis ng paliparan ng Jolo. But that is another story…(wakas)

Posted by pagesbyarlyndelacruz at 11:44 pm | permalink | Add comment