Home » Post Item » Ang Nagiisang Ka Totoy Talastas
To be a journalist is to be a fearless and incisive "inquirer" that dares to "chronicle" history without fear or favor;

To be a journalist is to act like a "tribune" that essays the truthful "journal" of every story of our "times", big or small, front page or inside page, "BIG NEWS" or even the last story before the closing credits roll;

To be a journalist is to hold a "mirror" in front of you to regularly and faithfully check the convictions and principles of what a "free press" truly stands for;

To be a journalist is to sometimes embrace your own celebrity and be a "star" that sets and upholds the "standards" of what the Filipinos of " today " are fighting for;

Ang maging mamamahayag ay tulad ng isang "bulgar" na pahina na hindi puwedeng maging sisidlan ng anumang pagbaluktot sa katotohanan, bagkus siya pa ngang lagusan upang ito ay mai-"bandera" at mai-"balita" ang mga kuwentong dapat na marining at ma-"tiktikan."

Ang maging mamamahayag ay ang pagsisiguro ng pananatili at pagsulong ng isang "malaya" at walang kinikilingang pag-"PAPATROL" , sa bawat araw, "24-0ras" dahil ang bawat kuwento ay kailangang pulsuhan, may buhay, tila isang "NEWSBEAT" na kailangang ma-"CAPTURED" dahil walang take two sa isang breaking news, walang cut, walang re-take;

Ang maging mamamahayag ay maging "SAKSI" sa "SENTRO" ng bawat pahina ng kasaysayan upang ito ang mai-"BANDILA" sa sambayanan;

Ang maging mamamahayag ay DAPAT laging sa NGALAN NG KATOTOHANAN AT TUNAY NA PAGLILINGKOD.




Ang Nagiisang Ka Totoy Talastas

September 26, 2007

 

 

  

 

Ka Totoy Talastas is a class and a legend of his own. He may not have been associated with the major AM radio stations but through the years he developed a loyal following of his own making him one of the most respected and listened to radio brodcaster in the history of AM radio.

Liwanagin Natin sa istasyong DZEC ng Eagle Broadcasting Company ang programang naging tatak ng kanyang karera sa daigdig ng radyo na markado ng intro song na "Hello Dolly." Parang walang kuneksiyon—"Hello Dolly" at Liwanagin Natin na kalimitan ay pulitika ang tema ng pagpapaliwanag at talakayang ibinibigay ni Ka Totoy. Ang totoo—personal ang dahilan para kay Ka Totoy kung bakit "Hello Dolly" ang theme song ng kanyang programa.

May anak si Ka Totoy na Dolly ang pangalan—at sa lahat ng mga anak nito–ito aniya ang pinakamalapit sa kanya at siya ring nanirahan sa ibang bansa sa bahagi ng Yuropa kaya upang laging maalala ang anak ay ito ang napili niyang theme song ng kanyang programang Liwanagin Natin.

Sa kabila ng idad niyang 70-plus—yes—-hindi sigurado—basta 70-plus—dahil ayaw sabihin ang tunay na idad–he-he—-ang Ka Totoy ay may magaling at napakatalas na memorya. 

He reads a lot!

Lalo na yung mga court cases, decisions of the Supreme Court na kapag naihalo na niya ang isang paliwanag na legal sa isang usapin—-ang dating ay tila isa siyang abogado na alam na alam ang pasikot-sikot ng batas. Yung retentive memory niya ay isa sa plus factor ng kanyang pagiging komentarista.

But more than his commentaries on the air—-Ka Totoy's life is filled with stories that when told would definitely create probably a rewriting or maybe just a reinterpretation of some of the pages of the country's recent history.

Narinig na namin ang mga kuwentong ito. Kami nina Shay, Lhet, Ning-Ning, B-2, Onin, Weng, May, Mavic—marami pang iba na nagkaroon ng priblehiyong mabahaginan ng mga kuwentong ito. 

Puwede kong ikuwento kung tutuusin, ngunit ang karapatan ay tanging na kay Ka Totoy lamang.

Lagi niyang sinasabi sa akin kapag iminumungkahi ko sa kanya na magsulat siya ng libro: 'Darating tayo diyan, darating tayo diyan."

Maghihintay ang inyong mga tagasubaybay Ka Totoy—dahil alam naming kayo lamang ang tanging makapaglalahad ng mga kuwentong ito. (wakas) 

 

 

 

 

 

 


Posted by pagesbyarlyndelacruz at 3:56 pm | permalink

Previous Comments

mabuhay ang nag iisang dekano ng komentaristang pilipino! tnx ms arlyn

Posted by edgar at September 28, 2007, 1:32 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment