Home » Archives » 29. September 2007
To be a journalist is to be a fearless and incisive "inquirer" that dares to "chronicle" history without fear or favor;

To be a journalist is to act like a "tribune" that essays the truthful "journal" of every story of our "times", big or small, front page or inside page, "BIG NEWS" or even the last story before the closing credits roll;

To be a journalist is to hold a "mirror" in front of you to regularly and faithfully check the convictions and principles of what a "free press" truly stands for;

To be a journalist is to sometimes embrace your own celebrity and be a "star" that sets and upholds the "standards" of what the Filipinos of " today " are fighting for;

Ang maging mamamahayag ay tulad ng isang "bulgar" na pahina na hindi puwedeng maging sisidlan ng anumang pagbaluktot sa katotohanan, bagkus siya pa ngang lagusan upang ito ay mai-"bandera" at mai-"balita" ang mga kuwentong dapat na marining at ma-"tiktikan."

Ang maging mamamahayag ay ang pagsisiguro ng pananatili at pagsulong ng isang "malaya" at walang kinikilingang pag-"PAPATROL" , sa bawat araw, "24-0ras" dahil ang bawat kuwento ay kailangang pulsuhan, may buhay, tila isang "NEWSBEAT" na kailangang ma-"CAPTURED" dahil walang take two sa isang breaking news, walang cut, walang re-take;

Ang maging mamamahayag ay maging "SAKSI" sa "SENTRO" ng bawat pahina ng kasaysayan upang ito ang mai-"BANDILA" sa sambayanan;

Ang maging mamamahayag ay DAPAT laging sa NGALAN NG KATOTOHANAN AT TUNAY NA PAGLILINGKOD.




Sharing Time with La Salle Dasma Broad-Comm students

September 29, 2007

 

 

A journalist is always as good as his/her last story. But while that maybe true. There are stories that leave a mark. There are stories that define a career.

In my case, it would be the stories that I covered from the area of Moslem Mindanao.

Last weekend, I was invited to share my story as a journalist covering the so called conflict areas in Southern Philippines before an audience of Broadcast-Communications students of De La Salle Dasmariñas in Cavite. It was the class handled by Jun del Rosario, a former colleague from the ABS-CBN news and current affairs department. Jun right now is a board member of the Provincial Government of Cavite, one of those that got the highest votes in the last May 2007 elections but he still makes sure that he has time to teach.

Noon pa naman—desk officer pa lang namin siya sa ABS-CBN—-isa na sa mga pinagkakaabalahan ni Jun ay ang magturo sa mga aspiring journalist at media practitioners. Kahit gaano karami ang assignment niyan, hindi iiwan ang pagtuturo. Siguro bukod sa enriching—tingin ko—sikreto ni Jun sa pagpapanatili ng kanyang youthful looks! (Bolahin ba ang deskman!)

Pero bago ako nagsalita—si Mandy Francisco muna. You remember him? Sa mga kabataan ngayon–medyo mukhang hindi na—pero guys–orig TV Patrol Reporter yan after 1986 EDSA. Ang ganda ng boses at batikan sa police reports at naging desk officer din namin.

Hay naku—ang original plan was for me to speak first before Mandy F. kaso po—may isang emergency ever na dapat akong asikasuhin very early in the morning ha kaya hindi muna ako nakapunta sa Dasmariñas, Cavite.

So mabuti na lamang—hindi masyadong mahilig magsalita si Mandy F.—kinaya niya ang 3 hours straight lecture! Bitin pa yun ha! (Joke lang Mandy –muah!)

At ang isa sa tinalakay niya ay tungkol sa epekto sa pamamahayag ngayon ng isa nang ganap na batas na Human Security Act of 2007 na kilala rin sa tawag na Anti-Terrorism Law. At isa sa mga sinabi ni Mandy F.—-kung hihimayin ang bagong batas—hindi na basta na lamang makakapanayam ng isang reporter ang sinumang rebelde—at binigay niyang halimbawa si Ka Roger Rosal! (Hi Tang! –miss you po! —naku arlyn–pa-hi-hi ka pa kay Ka Roger—eh may Anti-Terror Law na nga!!!—ano ka ba?-he-he!)

Anyways—so ang next question—-sa tila poster girl ngayon ng pagsasalita sa kung may chilling effect ba o wala sa media ang batas na ito sa terorismo—-ang tulad ko bang ang hilig lang naman mamasyal sa mga rebel camps, left, right o left o kahit ano pa—-eh maglalakas loob pang pumunta sa mga ganoong lugar?

Yes. Bakit naman hindi. Tunay naman akong malakas ang loob. Hindi merch plug lang ng isang network! he-he!

But–may isang big BUT po ito.

Bago pa ang Human Security Act na yan na naisabatas—may isa akong bagong desisyon sa aking karera.

Kahit po mukhang 20 something pa lang ang feeling ko—he-he—ang totoo ay magdadalawang dekada na ako sa industriya ng pamamahayag.

A redirection, not a reinvention is in order.

Gusto ko nang magsaliksik ng balita na hindi lang basta iskup ang marka. Paumanhin po—malakas lang ang bagyo—done that—many times! I have nothing to prove in that department. Wala naman sigurong papalag kung iskup lang naman ang paguusapan. But as a journalist—I reached a point of my career that I wanted to do more. (Teka—parang commercial ng Centrum yun ah–)

Maraming mga istorya na nagdaan na basta na lamang natapos—–dahil nakikipaghabulan sa isa na namang malaking istorya. I am referring to the deadline orientation of the daily news grind.

Ang totoo — maraming mga kuwento na hindi naman talaga nahihimay. Nahahalukay lamang kapag may gusto ng live coverage halimbawa sa senado o sa kongreso in aid of whatever chuba—-pero—yung talagang babalatan mo ang kuwento—-yung lahat ng anggulo—minus the motives, the plots, the tempo set by spin masters, —-hindi naman talaga nahahalukay.

The reality is—-mabilis ang salansan ng mga balita. At hindi naman ito sinasadya sa kadalasang pagkakataon. Ito lang talaga ang kalakaran. Karera nga eh. Nagmamadaling mga balita!

Bumalik man ako sa lugar na tulad ng Sulu—na sa katunayan ay nagawa ko na last August 29 ng taong kasalukuyan—-may iba na akong gustong gawing balita. Ayaw ko nang magbilang ng kung ilan ang namatay na sundalo o kung ilan ang napugutan ng ulo o kung may bago na namang kidnap victim etcetera, etcereta.

I want to look for other stories. Those that inspire. Those that motivate. Those that would facilitate a different sense of pride to the people in the so called conflict areas.

Hindi dahil sa may Human Security Act of 2007 na umiiral sa ngayon. Ito ay dahil sa nakita ko na—matagal na ang lahat ng dapat kong makita. Sa katunayan—hindi lang basta nakita—naranasan ko pa!

If there will be a chance to interview a new rebel figure again—as a journalist who is known for chasing stories like this one—-my heart will race, my pulse will explode in anticipation—-dugong-dugo lang po eh. Noon nga–pati sa panaginip—-naghahabol pa rin ako ng balita—ganun ako ka-in sa aking gawain bilang mamamahayag.

But journalism is not just about scoops and exclusives. It's also more about stories that speak of the entire story.

Hindi lang yung marahas. Hindi lang yung sensational. Hindi lang yung matapang. Hindi lang yung giyera.

It's a choice.

Pero alam ninyo—sa tingin ko ay alam ninyo rin. Hindi rin ako makakatiis kung sakaling nandiyan na talaga ang pagkakataon at wala nang ibang kukuha pa—–someone has to do it.

But for now—my — baka may gusto munang iba na gumawa. Pahinga muna ang lolah. Kasi busy sa mga anakis! Super demanding po kasi—he-he—di ako takot sa Human Security Act—ang totoo—takot ako sa mga anak ko.

I made a promise. Hindi na mauulit na malagay sa alanganin ang buhay ko dahil lamang sa paghahabol ng balita at pangigigil na mauna sa pagkuha ng balitang iyon.

Sorry—-it's not the Anti-Terror Law—but the promise I gave to two precious angels here on earth. (end)

 

 

 

 

 

 

Posted by pagesbyarlyndelacruz at 9:10 am | permalink | comments[1]