To be a journalist is to act like a "tribune" that essays the truthful "journal" of every story of our "times", big or small, front page or inside page, "BIG NEWS" or even the last story before the closing credits roll;
To be a journalist is to hold a "mirror" in front of you to regularly and faithfully check the convictions and principles of what a "free press" truly stands for;
To be a journalist is to sometimes embrace your own celebrity and be a "star" that sets and upholds the "standards" of what the Filipinos of " today " are fighting for;
Ang maging mamamahayag ay tulad ng isang "bulgar" na pahina na hindi puwedeng maging sisidlan ng anumang pagbaluktot sa katotohanan, bagkus siya pa ngang lagusan upang ito ay mai-"bandera" at mai-"balita" ang mga kuwentong dapat na marining at ma-"tiktikan."
Ang maging mamamahayag ay ang pagsisiguro ng pananatili at pagsulong ng isang "malaya" at walang kinikilingang pag-"PAPATROL" , sa bawat araw, "24-0ras" dahil ang bawat kuwento ay kailangang pulsuhan, may buhay, tila isang "NEWSBEAT" na kailangang ma-"CAPTURED" dahil walang take two sa isang breaking news, walang cut, walang re-take;
Ang maging mamamahayag ay maging "SAKSI" sa "SENTRO" ng bawat pahina ng kasaysayan upang ito ang mai-"BANDILA" sa sambayanan;
Ang maging mamamahayag ay DAPAT laging sa NGALAN NG KATOTOHANAN AT TUNAY NA PAGLILINGKOD.
May Rivera directs NEWSBEAT on Net-25
October 30, 2007
May always has this strong presence everywhere she goes. Malakas ang dating. Oo mas malakas pa ang dating kaysa sa akin. Yung tipong nasa signal number 4 ako, siya hurricane na. Ganun!!!
Inborn yata.
Pero aminin, minsan hindi bagay sa sitwasyon ang kalakasan ng personalidad and I mean that for the both of us. Lalo pa kapag may mga nasa paligid mo na idol yata si Pong. Remember Pong, the pagong of Batibot? He-he!
Tapos yung tipong busy pero—-nakaupo lang pala, pretending to be busy lang? Na maghapon na pero pagon air—butas pa rin ang ibang rundowns? My oh my? He-he! Tamaan ang dapat tamaan.
But yes—finally–nailagay si May sa isang tasking na bagay na bagay sa kanyang personalidad.
I recommended her to this position some years back, either this kako or sa marketing kasi alam ninyo bang kahit ano puwedeng gawing mabenta ni May? As in–inborn din ang sales and marketing skills. It took years bago siya nailagay sa puwestong ito at alam kong not because of my recommendation anymore but just the same I am so happy that my wish as an anchor/journalist was finally granted.
Ano ba yun wish na yun?
Yun yung mag-direk ng newscast ang isang marunong sa news, isang dating reporter na nakalibot na sa beat para yung on air look, yung mga last minute on air details like maling spelling and all—masasalo kasi hindi lang technical at look ang iintindihin ng director.
Dapat trabaho ng producer but that's another story. The last time I received a compliment about the content of the newscast, was from someone who works for Radyo ng Bayan—who told me na lately malaki raw ang naitutulong ng minitoring nila sa news namin dahil halos ng news sa Malakanyang kuha namin at naihahabol nila sa news nila, para din daw kaming sila, Radyo ng Bayan.
It was supposed to be a compliment, but I did not see it that way. Sinagot ko na lang ng katotohanan—I do not produce it anymore. I gave it up last February of this year. It's a choice and I do not wish to elaborate coz I could really be very blunt.
Pero now that May is on board directing the newscast—hmmm….things are beginning to look brigther.
Naiintindihan niya na when an anchor/journalist makes an or-air correction or edits the spiels on air—it was not meant to step on someone but to at least make sense—on air. Yung hindi magsisimula sa bagaman ang lead…get it?
Isa pa yung may reaction lead na pero wala pa yung story itself? Ano nga yung the other day—ang story yung pagdawit kay FG sa ZTE pero ang lead—hindi dumalo ang mga cabinet members na lead na weeks before pa?
It's not the management, it's just one person…hmm I mean two, a tandem and another one who would always say, "okey yan."
Ang isa ko pang wish…more like a prayer, mailagay na ang isa pang hasa nang reporter sa pag-po-produce ng newscast. Sana—Weng dela Fuente na is assigned to produce it. Promise.
May isang magaling mag-market, may isang marunong maghimay ng istorya at palawakin pa ito—-hmm…better di ba?
Nothing personal. Really and honestly.
Now back to May—May Rivera, na am sure is missed so much by her colleagues sa beat lalo na sa senate media—salamat at hindi ka natakot na tanggapin ang isang bagong hamon sa iyo.
We support you and we thank the bosses , the real ones, (he-he!) for putting you there.
(wakas)
Tara na–punta uli tayo ng malls…
October 29, 2007
Slowly, people are going back to the malls.
Terorismo man o industrial accident ang totoong kuwento sa naganap na pagsabog sa Glorietta 2 na kumitil ng 11 buhay at sumugat sa mahigit isandaang katao—ang pinakamabisang pananggalang pa rin ay ang huwag panaigin ang takot.
Fear could kill anyone. Kapag naunahan ka nito—talo ka. Hindi masamang matakot. May buting idinudulot ang takot—pero hindi sa mga bagay na ganito.
By all means let us all go back to the malls. Si Henry Sy man o ang mga Ayala ang may-ari nito. Mga Gokongwei man o mga Araneta. Let's go troop to the malls. Kahit wala kang sapat an perang pang-shopping, punta ka lang sa mall, matagal naman nang uso sa atin ang window shopping di ba?
Malling is big business in the Philippines. Kahit mahirap na bansa tayo, ibang kuwento ang negosyo ng malling dito. Marami kasi, patok nga. Tinatangkilik.
Bakit nga ba?
Well—-ang mall kasi ngayon ay may may iba nang dimensiyon. Hindi lang siya basta shopping o eating.
Malls are are also places for recreation, relaxation, doing business and even learning.
May mga clinic na rin sa malls!
Lahat actually puwede nang matagpuan sa malls.
It's a way of life for Pinoys.
Last night, I met some friends at Trinoma. Manipis pa ang mallers kumpara sa mga nakaraan, bago ang pagsabog sa Glorietta 2. Pero masarap na tignan na bumabalik na naman ang mga tao sa malls. Hindi lang isa, o mga nag-de-date, magkakabarkada.
Sa restaurant na kinainan namin, ilang pamilya ang nakita ko na nagsasalu-salo. Panahon ng sem-break kaya kung wala lang agam-agam na naiwan ang nangyari sa Glorietta blast—-am sure—mas makapal ang tao sa mall at baka punong-puno ang restaurant na ito na popular sa kanilang Chinese cuisine at very affordable prices.
May tawanan, may seryosong pag-uusap, mayroon ding tahimik na pagsasama-sama sa isang sulok lang, na tila ba ang mensaheng ipinaaabot ay tama na ang sila ay magkakasama. Naroon na ang kaligayahan, kasi buo sila.
Natakot ba ang mga Pinoys sa malls after Glorietta blast?
Nope! hindi ang mga bagay na ganito ang magpapasira sa dibdib ng Pinoy. Iba ang tapang natin.
Aksidente, akto ng terorismo, scenario para sa pulitika—whatever!!!!
Got to go—bukas–may appointment na naman ako sa isang mall. May isang OFW na nangangailangan ng tulong at doon kami magkikita.
Abangan ang kuwentong uwi niya mula sa Jordan. (wakas)
ERAP COMES HOME TO SAN JUAN—A FREE MAN!
October 26, 2007
The decision of President Gloria Macapagal-Arroyo to grant former President Joseph Estrada an absolute pardon was not really unexpected.
It was a decision — PGMA is expected to do. What is unexpected however is the timing of the granting of the absolute pardon and the President exercising her power to grant an executive clemency.
Even ERAP did not see it coming this soon. His lawyers were expecting this to be granted–the soonest was December of this year.
Hindi halos nakatulog si Erap kagabi—kahit nga ala una na ng madaling araw—nakakasagot pa sa text message sa kanya ng media.
It was given at a time when the Arroyo Administration is faced again with another controversy, a bribery story right in the doors of the palace and a kickback allegation involving a contract with ZTE Corporation of China pointing to the president's husband as one of the main benefeciaries, as alleged by the son of one of the most influential political figure and power broker in the country, House Speaker Jose De Venecia.
Hindi pa kasama diyan ang isa pang insidente na yumanig sa lahat—literally—ang Glorieta 2 blast na as of this day, hindi pa conclusive kung industrial accident nga o akto ng terorismo.
It did not help that in the official announcement read by Press Secretary and Presidential Spokesperson Ignacio Bunye, it was mentioned that the president wanted to attain political reconciliation and stability.
The President herself defended her decision—saying this is part of her promise, a legacy she wants to leave behind, that is to heal the wounds left behind by EDSA 1, EDSA 2 and EDSA 3.
Kahit ano pa raw ang batikos sa kanya—handa siya sa anumang ibabato sa kanya kaugnay ng desisyong ito.
Isa rin sa kunsiderasyon ayon sa pangulo—panahon na para makapiling ng dating pangulo na makasama niya ang kanyang maysakit na inang si Donya Mary Ejercito.
Kung personal na allies ang paguusapan—isa sa pinakamalapit sa kanya na direktang nasaktan sa desisyong ito ay si dating Ilocos Sur Governor Luis "CHAVIT" Singson. Bago pa dumating ang araw na ito—nagpahayag na si Chavit—hindi katanggap-tanggap para sa kanya at para aniya sa takbo ng hustisya sa bansa.
But the decision Mrs. Arroyo made only signifies one thing—she is ready to turn her back on one of her post potent political ally, the star witness on the plunder case against Estrada, the former Erap friend who talked of jueteng controversy that led to EDSA 2 and the assumption of Arroyo in power in 2001.
Again—it's the timing.
What's the rush?
Who is rushing?
What is happening behind the scene?
May sagot sa mga tanong na ito.
But in the meantime—a son comes home today to be with his ailing mother.
Sa lahat ng batikos kay ERAP, may isang hindi puwedeng ipukol sa kanya.
Walang makakakuwestiyon sa pagmamahal at dedikasyong inilaan niya sa kanyang inang si Donya Mary Ejercito.
(wakas)
Dangal ng PINOY, tatanggapin ba nating wala na?
October 18, 2007
This is a timely topic. Umamin man o hindi ang Palasyo ng Malakanyang na may nangyari ngang bigayan ng pera sa mga dumalong lokal na opisyal, mga mambabatas at mga local executives.
For one—I know the answer. Ako nagsulat ng tungkol sa tatlong iba pang gobernador na umamin na nakatanggap din sila. Actually, yung dalawa lang, yung ikatlo—na-text lang ng kapwa gobernador. "Bakit ka umalis—may ibinigay na P500,000.00?"
I did not name the three governors in the article that I wrote for the Philippine Daily Inquirer. In due time—I am hoping that they too will come out in the open. Alang-alang sa isang sa tingin ko ay mas malaking paksang nabuksan: ang dangal ng Pinoy.
Wala na nga ba? Sabsaban na ba tayo? Putikan? Banana Republic?
Ako hindi papayag. Anuman ang ipakitang kagarapalan at kamalian ng mga taong dapat ay ehemplo ng tamang asal sa panunungkulan at pagdedesisyon—hindi ako papayag na wala nang dangal ang Filipino.
Let us prove that they are the exemption and that what rules is the fact that majority still have their dignity and values intact—holding and protecting it sacred in their hearts and minds.
Last week—I met this couple and their children. Sa kalsada kami nagkakilala.
Sa kalsada kasi ang buhay nila—puwede na ring sabihin na naroon din ang bahay nila.
Isang kariton lang kasi ang bahay nila. Lahat ng kanilang kayamanan—matatagpuan sa karitong iyon.
Sandali lang kaming nagkausap—pero itong si Michael—ang ama ng tahanang ito sa lansangan—sa mansiyong nakakubli sa isang kariton–nag-iwan ng isang panghabambuhay na impresyong tunay na tumatak.
I do not need to be with them for an entire 24-hours to be able to see that what they have is a very difficult life. Poverty is written in this family's daily struggle.
Sila yung mahirap pa sa mahirap.
Pero nakuha nila ang pansin ko—hindi lang dahil sa kariton—o sa mga anak nilang nakasakay sa ibabaw nito.
They got my attention because of the unmistakable happiness that they have as a family
Lumalaban ang pamilya ni Michael. Nagtatrabaho, nagbabanat ng buto, hindi bumibitiw sa pag-asa, at di ko man naririnig—alam kong nagpapasalamat na sila ay may pagkakataon pang makita ang susunod na umaga na magkakasama. Buo, isang pamilya.
Maraming Pinoy ang tulad ng pamilya ni Michael, may dangal, may paninindigan, makakaharap kahit kanino, walang dapat na ikahiya.
They can all reason out that there was nothing wrong with what took place inside Malacanan that Thursday morning.
They can deny it for eternity.
But let us not all allow them to make a conclusion that Filipinos have lost our self-worth, dignity and values.
Hindi totoo yun. Marangal ang PINOY.
Sila lang yun—mga bulok na itlog na isang araw—tiyak na maitatapon din dahil sa masangsang na amoy.
At hindi nila kinakatawan ang mas nakararaming PINOY. (wakas)
The reluctant child wonder turns 7 years old today!
October 12, 2007
Every child is a wonder. Lahat ng supling ay kaloob ng Diyos—ipinagkatiwala sa ating mga magulang—sa ating mga ina para sila ay alagaan, mahalin at palakihing alam ang tama at mali—at higit sa lahat—alam kung paano makitungo sa bawat tao at sa bawat sitwasyon sa buhay sa anumang panahon ng kanyang buhay.
They may be our kids—but they are not really ours. Alam na natin iyon. No need to elaborate.
Well—my youngest—Dominique turns 7 years old today.
Year of the Dragon siya ipinanganak—2000—at ang lagi niyang tinatanong sa akin ay kung bakit daw ba Dominique ang ipinangalan ko sa kanya. Pangalan daw ng lalake.
Pero mabuti na lamang—-at naging sikat na rin ang pangalan ng anak ni Gretchen at naging active sa school nila si former senator Nikky Coseteng, na parehong ang pangalan din ay Dominique. Sabi ko sa kanya—the name actually means from God.
Kasi—ang original ko sanang ipapangalan sa kanya—-dalawa rin katulad ng sa ate niya—Katrina Greta—yung Greta from Greta Garbo—at sa kanya sana—Sophia Louise na ang Sophia galing naman sa Sophia Loren na another Holywood greats like Garbo. Kaso at that time—mayroong isang shortlived career ng isang aspiring sexy star na kasama ng isang nawala din naman agad na girl group ala Viva Hot Babes na ang pangalan sa screen ay Sophia Louise kaya—–hindi ko na itinuloy kasi baka matukso ang anak ko.
At that time—Olympics—may isang magaling na gymnast from the US na ang pangalan ay Dominique—so doon ko naisip na magandang name ito for her–and so she was named Dominique.
Ang nickname—is Nica—na siya rin ang nag-adlib—"Ah alam ko na ma—nica kasi MA-NI-CA—MANICA–gets ninyo?"
Maraming adlib yan na baka pati si Jose ng Eat Bulaga ay maubusan ng ibabato o isasagot.
Sa aming tahanan—she serves as the equalizer—-the blender—the tuner—-the mixer—lahat na—rolled into one.
Mahal na mahal namin siya at alam kong alam yun ng aming bunso.
Yesterday—-she treated her classmates sa lunch blowout para sa birthday niya and it was interesting to note and see for myself that my kid is getting along well with her classmates, boys man o girls!
Sweet at walang kaaway and doing just fine in her academic performance sa school.
Hindi siya yung tipo na mahilig sa extra-curricular—not yet at this stage—at ayokong pilitin. It will come.
Pero kapag kami-kami lang—she is the total performer! The female Gary V! of her generation.
Sa ngayon—-kami munang mga nagmamahal sa kanya — ang kanyang pamilya—at lahat ng members ng extended family niya—kasama na ang lahat ng friends ng mama niya ang bumabati sa kanya ng maligayang kaarawan.
Dominique—salamat sa pagdating mo sa buhay namin—-naging mas makulay ito at mas kapanapanabik ang bawat sandali.
I love you anak. (wakas)
Calamares — IS IN! … AS IN!
October 6, 2007
Minsan nadaanan ko na ang isang kariton na pinagkakaguluhan ng mga estudyante malapit sa paradahan ng tricycle malapit sa place namin. Yung street na maliit na paglabas mo—Central Avenue na at malapit na sa New Era University.
Akala ko fishball yung pinagkakaguluhan nila. Hindi pala! Iba ang amoy—-yung amoy na mukhang masarap. Pero deadma muna, hindi muna kaya ako nakiusyoso.
Hanggang sa nakita ko uli sa isang kanto….at sa isa pa…at sa isa pa uli.
Ano ba itong pinagkakaguluhan na ito?
Hanggang sa hindi na ako nakatiis—-pasimple—tumingin ang lola ninyo—ah pusit pala—CALAMARES!
Still—I resisted buying. Hindi dahil sa maarte ako sa street food—ang katotohanan—suki ako ng fishball doon sa may UP malapit sa Bahay ng Alumni, kahit itanong ninyo pa!!
Hindi naman sa hindi pa ako nakakatikim ng calamares—naman—-paborito ko kaya yun! Pero you normally order it sa mga restaurants — at ang mahal pa nga di ba? At ang sauce o dip —minsan—-fancy ang preparation ng chef.
Sa Fridays nga—isa yan sa mga lagi kong order na appetizer.
Pero calamares in the streets? Parang kakaibang experience kung doon ka bibili at kung doon ako kakain.
The opportunity came when one night after work—napadaan ako sa apartment cum salon ni Peter malapit sa New Era—as in halos ilang hakbang lang. Abah—may bagong pinagkakaguluhan doon ang mga estudyante.
At alam ninyo ba kung ano ang bumungad sa akin?
Si Peter—hayun—nakiuso na rin—nagtitinda ng rin ng calamares.
Sabi sa akin ni Peter, "Chuba, kumain ka na nitong calamares, hay naku—masarap at talagang pinagkakaguluhan, nakita mo naman!"
So—naki-gulo din ako sa mga estudyante at nakitusok ng calamares na bagong luto ni Peter. It's still the same calamares I know pero ang kaibahan nga lang—crispy ang pagkaka-fry ni Peter—at mura siya! P3.00 per piece—kaya nga unahan na lang sa malaking hiwa. At suka ang sawsawan—yung maraming bawang!!!
Huwag na pong itanong kung nakailang piraso ako. Promise—-marami!
Minsan—naging uso ang tokneneng—o yung one-day chick na nakaprito din.
There was even a period na halos lahat ng kanto ay may shawarma, hindi ba?
Now—it's pusit-calamares—that is so in!
May karibal na naman ang kariton ng fish ball!
Pero ang tanong ay kung hanggang kailan magtatagal ang bagong usong pagkain na ito sa lansangan ng masang Pilipino. (wakas)
5,4,3,2,1…ready na si ANNE!
October 5, 2007After Arlette left us as floor director, (well not really for she remains number one in our hearts), finding a replacement was apparently a big deal.
Ang daming na-assign from the other office pero isa ang naging isang permanenteng mukha. Nagtagal dahil siguro si May ang nag-brief sa kanya at hindi inunahan ng kung anong wala namang basehang pananakot like–hay naku—mahirap mag-FD diyan—-lalo na kapag si Chuba ang nagpo-produce.
Madali niyang naintindihan na hindi personal ang galit. Well it's not even galit. It's just a normal reaction of someone or anyone who grew up in the industry. Like ang hirap sigurong matuwa kung ang ipapabasa sa iyong script goes like this—sinertipikahang urget ni pangulong arroyo ang isang urgent bill. Si Anne nabasa sa prompter at ask—"sino nagsulat niyan?" (Siyempre edit on air, for after all, Onin and I, are not mere newsreaders, we are journalists who can produce newscast.)
Preno na…..hanggang diyan na lang ang kuwento baka kung saan pa mapunta. This is not about someone else, but about Anne.
Sa madaling salita—hindi nagkatotoo ang lahat ng mga banta sa kanya. Ito ay dahil sa madali namang makita na nakakaunawa siya sa produksiyon at maging sa takbo ng pagbabalita kaya nga napansin DIN niya ang sample line na iyon ( hay naku–baka ma-elaborate mo pa–tama na sabi). We instantly hit it off. Kaming tatlo at importante iyon sa daily operation on air.
Pero eto talaga ang kuwento—bago mag-on-air—halos kasabay naming maghanda si Anne and by that I mean—-pati sa pagpapaganda.
She will not sit in that chair alloted for the floor director if she is not well-groomed. As in–minsan nga—mas maganda pa yata ang pagkakaplantsa ng buhok niya kaysa sa akin. Ha-ha! At may make-up din—and can go on air anytime—kung itatakda ng pagkakataon.
Minsan nga kapag nagsasabi siyang "Ready…5,4, 3, 2,1…" feeling namin ni Onin sa kanya ang focus ng camera kasi naka-ready rin siya, proper posture pa ha!
Coming to the studio everyday, Mondays to Fridays, except on weekends, is extra special because of people like her who not only delivers what is expected of them but also go the extra mile by really communicating and understanding the meaning of every word and of every gesture.
Marunong tumanggap ng puna dahil nauunawaan niya. ( O ayan—parang may iba ka na namang gustong sabihin , preno na nga!)
Well…Anne is a welcome replacement for Arlette who is just in the other studio assigned to another show.
Mahal namin si Arlette.
Mahal na rin namin si Anne. (wakas)








