To be a journalist is to act like a "tribune" that essays the truthful "journal" of every story of our "times", big or small, front page or inside page, "BIG NEWS" or even the last story before the closing credits roll;
To be a journalist is to hold a "mirror" in front of you to regularly and faithfully check the convictions and principles of what a "free press" truly stands for;
To be a journalist is to sometimes embrace your own celebrity and be a "star" that sets and upholds the "standards" of what the Filipinos of " today " are fighting for;
Ang maging mamamahayag ay tulad ng isang "bulgar" na pahina na hindi puwedeng maging sisidlan ng anumang pagbaluktot sa katotohanan, bagkus siya pa ngang lagusan upang ito ay mai-"bandera" at mai-"balita" ang mga kuwentong dapat na marining at ma-"tiktikan."
Ang maging mamamahayag ay ang pagsisiguro ng pananatili at pagsulong ng isang "malaya" at walang kinikilingang pag-"PAPATROL" , sa bawat araw, "24-0ras" dahil ang bawat kuwento ay kailangang pulsuhan, may buhay, tila isang "NEWSBEAT" na kailangang ma-"CAPTURED" dahil walang take two sa isang breaking news, walang cut, walang re-take;
Ang maging mamamahayag ay maging "SAKSI" sa "SENTRO" ng bawat pahina ng kasaysayan upang ito ang mai-"BANDILA" sa sambayanan;
Ang maging mamamahayag ay DAPAT laging sa NGALAN NG KATOTOHANAN AT TUNAY NA PAGLILINGKOD.
Calamares — IS IN! … AS IN!
October 6, 2007
Minsan nadaanan ko na ang isang kariton na pinagkakaguluhan ng mga estudyante malapit sa paradahan ng tricycle malapit sa place namin. Yung street na maliit na paglabas mo—Central Avenue na at malapit na sa New Era University.
Akala ko fishball yung pinagkakaguluhan nila. Hindi pala! Iba ang amoy—-yung amoy na mukhang masarap. Pero deadma muna, hindi muna kaya ako nakiusyoso.
Hanggang sa nakita ko uli sa isang kanto….at sa isa pa…at sa isa pa uli.
Ano ba itong pinagkakaguluhan na ito?
Hanggang sa hindi na ako nakatiis—-pasimple—tumingin ang lola ninyo—ah pusit pala—CALAMARES!
Still—I resisted buying. Hindi dahil sa maarte ako sa street food—ang katotohanan—suki ako ng fishball doon sa may UP malapit sa Bahay ng Alumni, kahit itanong ninyo pa!!
Hindi naman sa hindi pa ako nakakatikim ng calamares—naman—-paborito ko kaya yun! Pero you normally order it sa mga restaurants — at ang mahal pa nga di ba? At ang sauce o dip —minsan—-fancy ang preparation ng chef.
Sa Fridays nga—isa yan sa mga lagi kong order na appetizer.
Pero calamares in the streets? Parang kakaibang experience kung doon ka bibili at kung doon ako kakain.
The opportunity came when one night after work—napadaan ako sa apartment cum salon ni Peter malapit sa New Era—as in halos ilang hakbang lang. Abah—may bagong pinagkakaguluhan doon ang mga estudyante.
At alam ninyo ba kung ano ang bumungad sa akin?
Si Peter—hayun—nakiuso na rin—nagtitinda ng rin ng calamares.
Sabi sa akin ni Peter, "Chuba, kumain ka na nitong calamares, hay naku—masarap at talagang pinagkakaguluhan, nakita mo naman!"
So—naki-gulo din ako sa mga estudyante at nakitusok ng calamares na bagong luto ni Peter. It's still the same calamares I know pero ang kaibahan nga lang—crispy ang pagkaka-fry ni Peter—at mura siya! P3.00 per piece—kaya nga unahan na lang sa malaking hiwa. At suka ang sawsawan—yung maraming bawang!!!
Huwag na pong itanong kung nakailang piraso ako. Promise—-marami!
Minsan—naging uso ang tokneneng—o yung one-day chick na nakaprito din.
There was even a period na halos lahat ng kanto ay may shawarma, hindi ba?
Now—it's pusit-calamares—that is so in!
May karibal na naman ang kariton ng fish ball!
Pero ang tanong ay kung hanggang kailan magtatagal ang bagong usong pagkain na ito sa lansangan ng masang Pilipino. (wakas)
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.








