Home » Archives » 18. October 2007
To be a journalist is to be a fearless and incisive "inquirer" that dares to "chronicle" history without fear or favor;

To be a journalist is to act like a "tribune" that essays the truthful "journal" of every story of our "times", big or small, front page or inside page, "BIG NEWS" or even the last story before the closing credits roll;

To be a journalist is to hold a "mirror" in front of you to regularly and faithfully check the convictions and principles of what a "free press" truly stands for;

To be a journalist is to sometimes embrace your own celebrity and be a "star" that sets and upholds the "standards" of what the Filipinos of " today " are fighting for;

Ang maging mamamahayag ay tulad ng isang "bulgar" na pahina na hindi puwedeng maging sisidlan ng anumang pagbaluktot sa katotohanan, bagkus siya pa ngang lagusan upang ito ay mai-"bandera" at mai-"balita" ang mga kuwentong dapat na marining at ma-"tiktikan."

Ang maging mamamahayag ay ang pagsisiguro ng pananatili at pagsulong ng isang "malaya" at walang kinikilingang pag-"PAPATROL" , sa bawat araw, "24-0ras" dahil ang bawat kuwento ay kailangang pulsuhan, may buhay, tila isang "NEWSBEAT" na kailangang ma-"CAPTURED" dahil walang take two sa isang breaking news, walang cut, walang re-take;

Ang maging mamamahayag ay maging "SAKSI" sa "SENTRO" ng bawat pahina ng kasaysayan upang ito ang mai-"BANDILA" sa sambayanan;

Ang maging mamamahayag ay DAPAT laging sa NGALAN NG KATOTOHANAN AT TUNAY NA PAGLILINGKOD.




Dangal ng PINOY, tatanggapin ba nating wala na?

October 18, 2007

 

 

 

 

 

This is a timely topic. Umamin man o hindi ang Palasyo ng Malakanyang na may nangyari ngang bigayan ng pera sa mga dumalong lokal na opisyal, mga mambabatas at mga local executives.

For one—I know the answer. Ako nagsulat ng tungkol sa tatlong iba pang gobernador na umamin na nakatanggap din sila. Actually, yung dalawa lang, yung ikatlo—na-text lang ng kapwa gobernador. "Bakit ka umalis—may ibinigay na P500,000.00?"

I did not name the three governors in the article that I wrote for the Philippine Daily Inquirer. In due time—I am hoping that they too will come out in the open. Alang-alang sa isang sa tingin ko ay mas malaking paksang nabuksan: ang dangal ng Pinoy.

Wala na nga ba? Sabsaban na ba tayo? Putikan? Banana Republic?

Ako hindi papayag. Anuman ang ipakitang kagarapalan at kamalian ng mga taong dapat ay ehemplo ng tamang asal sa panunungkulan at pagdedesisyon—hindi ako papayag na wala nang dangal ang Filipino.

Let us prove that they are the exemption and that what rules is the fact that majority still have their dignity and values intact—holding and protecting it sacred in their hearts and minds.

Last week—I met this couple and their children. Sa kalsada kami nagkakilala.

Sa kalsada kasi ang buhay nila—puwede na ring sabihin na naroon din ang bahay nila.

Isang kariton lang kasi ang bahay nila. Lahat ng kanilang kayamanan—matatagpuan sa karitong iyon.

Sandali lang kaming nagkausap—pero itong si Michael—ang ama ng tahanang ito sa lansangan—sa mansiyong nakakubli sa isang kariton–nag-iwan ng isang panghabambuhay na impresyong tunay na tumatak.

I do not need to be with them for an entire 24-hours to be able to see that what they have is a very difficult life. Poverty is written in this family's daily struggle.

Sila yung mahirap pa sa mahirap.

Pero nakuha nila ang pansin ko—hindi lang dahil sa kariton—o sa mga anak nilang nakasakay sa ibabaw nito.

They got my attention because of the unmistakable happiness that they have as a family

Lumalaban ang pamilya ni Michael. Nagtatrabaho, nagbabanat ng buto, hindi bumibitiw sa pag-asa, at di ko man naririnig—alam kong nagpapasalamat na sila ay may pagkakataon pang makita ang susunod na umaga na magkakasama. Buo, isang pamilya.

Maraming Pinoy ang tulad ng pamilya ni Michael, may dangal, may paninindigan, makakaharap kahit kanino, walang dapat na ikahiya.

They can all reason out that there was nothing wrong with what took place inside Malacanan that Thursday morning.

They can deny it for eternity.

But let us not all allow them to make a conclusion that Filipinos have lost our self-worth, dignity and values.

Hindi totoo yun. Marangal ang PINOY.

Sila lang yun—mga bulok na itlog na isang araw—tiyak na maitatapon din dahil sa masangsang na amoy.

At hindi nila kinakatawan ang mas nakararaming PINOY. (wakas) 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Posted by pagesbyarlyndelacruz at 11:34 am | permalink | Add comment