To be a journalist is to act like a "tribune" that essays the truthful "journal" of every story of our "times", big or small, front page or inside page, "BIG NEWS" or even the last story before the closing credits roll;
To be a journalist is to hold a "mirror" in front of you to regularly and faithfully check the convictions and principles of what a "free press" truly stands for;
To be a journalist is to sometimes embrace your own celebrity and be a "star" that sets and upholds the "standards" of what the Filipinos of " today " are fighting for;
Ang maging mamamahayag ay tulad ng isang "bulgar" na pahina na hindi puwedeng maging sisidlan ng anumang pagbaluktot sa katotohanan, bagkus siya pa ngang lagusan upang ito ay mai-"bandera" at mai-"balita" ang mga kuwentong dapat na marining at ma-"tiktikan."
Ang maging mamamahayag ay ang pagsisiguro ng pananatili at pagsulong ng isang "malaya" at walang kinikilingang pag-"PAPATROL" , sa bawat araw, "24-0ras" dahil ang bawat kuwento ay kailangang pulsuhan, may buhay, tila isang "NEWSBEAT" na kailangang ma-"CAPTURED" dahil walang take two sa isang breaking news, walang cut, walang re-take;
Ang maging mamamahayag ay maging "SAKSI" sa "SENTRO" ng bawat pahina ng kasaysayan upang ito ang mai-"BANDILA" sa sambayanan;
Ang maging mamamahayag ay DAPAT laging sa NGALAN NG KATOTOHANAN AT TUNAY NA PAGLILINGKOD.
Tara na–punta uli tayo ng malls…
October 29, 2007
Slowly, people are going back to the malls.
Terorismo man o industrial accident ang totoong kuwento sa naganap na pagsabog sa Glorietta 2 na kumitil ng 11 buhay at sumugat sa mahigit isandaang katao—ang pinakamabisang pananggalang pa rin ay ang huwag panaigin ang takot.
Fear could kill anyone. Kapag naunahan ka nito—talo ka. Hindi masamang matakot. May buting idinudulot ang takot—pero hindi sa mga bagay na ganito.
By all means let us all go back to the malls. Si Henry Sy man o ang mga Ayala ang may-ari nito. Mga Gokongwei man o mga Araneta. Let's go troop to the malls. Kahit wala kang sapat an perang pang-shopping, punta ka lang sa mall, matagal naman nang uso sa atin ang window shopping di ba?
Malling is big business in the Philippines. Kahit mahirap na bansa tayo, ibang kuwento ang negosyo ng malling dito. Marami kasi, patok nga. Tinatangkilik.
Bakit nga ba?
Well—-ang mall kasi ngayon ay may may iba nang dimensiyon. Hindi lang siya basta shopping o eating.
Malls are are also places for recreation, relaxation, doing business and even learning.
May mga clinic na rin sa malls!
Lahat actually puwede nang matagpuan sa malls.
It's a way of life for Pinoys.
Last night, I met some friends at Trinoma. Manipis pa ang mallers kumpara sa mga nakaraan, bago ang pagsabog sa Glorietta 2. Pero masarap na tignan na bumabalik na naman ang mga tao sa malls. Hindi lang isa, o mga nag-de-date, magkakabarkada.
Sa restaurant na kinainan namin, ilang pamilya ang nakita ko na nagsasalu-salo. Panahon ng sem-break kaya kung wala lang agam-agam na naiwan ang nangyari sa Glorietta blast—-am sure—mas makapal ang tao sa mall at baka punong-puno ang restaurant na ito na popular sa kanilang Chinese cuisine at very affordable prices.
May tawanan, may seryosong pag-uusap, mayroon ding tahimik na pagsasama-sama sa isang sulok lang, na tila ba ang mensaheng ipinaaabot ay tama na ang sila ay magkakasama. Naroon na ang kaligayahan, kasi buo sila.
Natakot ba ang mga Pinoys sa malls after Glorietta blast?
Nope! hindi ang mga bagay na ganito ang magpapasira sa dibdib ng Pinoy. Iba ang tapang natin.
Aksidente, akto ng terorismo, scenario para sa pulitika—whatever!!!!
Got to go—bukas–may appointment na naman ako sa isang mall. May isang OFW na nangangailangan ng tulong at doon kami magkikita.
Abangan ang kuwentong uwi niya mula sa Jordan. (wakas)








