To be a journalist is to act like a "tribune" that essays the truthful "journal" of every story of our "times", big or small, front page or inside page, "BIG NEWS" or even the last story before the closing credits roll;
To be a journalist is to hold a "mirror" in front of you to regularly and faithfully check the convictions and principles of what a "free press" truly stands for;
To be a journalist is to sometimes embrace your own celebrity and be a "star" that sets and upholds the "standards" of what the Filipinos of " today " are fighting for;
Ang maging mamamahayag ay tulad ng isang "bulgar" na pahina na hindi puwedeng maging sisidlan ng anumang pagbaluktot sa katotohanan, bagkus siya pa ngang lagusan upang ito ay mai-"bandera" at mai-"balita" ang mga kuwentong dapat na marining at ma-"tiktikan."
Ang maging mamamahayag ay ang pagsisiguro ng pananatili at pagsulong ng isang "malaya" at walang kinikilingang pag-"PAPATROL" , sa bawat araw, "24-0ras" dahil ang bawat kuwento ay kailangang pulsuhan, may buhay, tila isang "NEWSBEAT" na kailangang ma-"CAPTURED" dahil walang take two sa isang breaking news, walang cut, walang re-take;
Ang maging mamamahayag ay maging "SAKSI" sa "SENTRO" ng bawat pahina ng kasaysayan upang ito ang mai-"BANDILA" sa sambayanan;
Ang maging mamamahayag ay DAPAT laging sa NGALAN NG KATOTOHANAN AT TUNAY NA PAGLILINGKOD.
Sugat sa Media
November 30, 2007November 29, 2007 was another historic day in the contemporary story of Philippine politics, one that is rich with stories of coup d' etats and mutiny—let us qualify that—of failed coups and mutinies.
I was among the members of the media who covered the most recent ones namely the July 2003 Oakwood Mutiny, the 2006 February Stand-Off at the Marine Headquarters in Fort Bonifacio, and — now this one now known as the Manila Peninsula Take Over.
Ang lahat ng tatlong insidente o yugtong ito sa kasaysayan ng kaligaligang pampulitika sa bansa–may mga pagkakahalintulad na marka-marka ng kapusukan, pagkukumahog, pagkalugmok, galit, at desperasyon—sa panig ng mga naglunsad nito. Marka naman ng tila katatagan, kabilisan at katapan, sa panig ng mga otoridad na gumupo dito.
Pero may kakaibang marka ang nangyari kahapon.
Kasama sa mga disturbing images na nakita ng buong mundo ay ang mga kagawad ng media na isinasakay sa isang pampasaherong bus at tila naka-posas ang kamay gamit ang isang plastic na panali, tire-up ang tawag dun, ginagamit sa pagseselyado ng mga bahage sa cargo sa paliparan para hindi basta makalag.
Hindi ito aktuwal na posas ngunit ganun na rin ang larawang naipakita nito.
Mahalagang maunwaan kung bakit naroon ang media.
May pumutok kasing kakaiba. Out of the ordinary. Hindi lang basta ordinaryong hearing pagdinig sa Makati Regional Trial Court ang nangyari. Nag-walk-out sina senador Antonio Trillanes IV at Brig. General Danny LIm at tuloy-tuloy na naglakad patungo sa direksiyon ng Makati Avenue hanggang sa umabot sa sapilitang pagpasok sa the Manila Peninsula.
Idagdag pa na habang naglalakad—-nagsimula nang bumuka ang bibig ni Trillanes na ang mga pinagsasabi ay makakapukaw talaga ng sinumang media, beterano man o hindi—-eto na raw huling pagkakataon na raw, panahon na raw, magkakaisa na ang lahat, people power na raw etcetera, etcetera at idagdag mo pa na katabi niya si Danny Lim—kung baga sa isang pelikula, aba, mga mare at pare to borrow the line of Mareng Winny and Pareng Oca na namimiss ko na ang show—eh casting coup ito!
At ang supporting roles pa naman–mga armadong escorts ng mga ito na ni hindi pumalag nang basta na lamang mag-walk out ang dalawa mula sa korte na ni hindi nilingon ang hukom na nagpapabalik sa kanila. Di ba nga–minsan nang nangyari, remember Gringo Honasan na nayakag ang mga SWAG niyang bantay noon na–bakit ninyo ako babantayan, takas na lang tayo! Ganun!
Di ba–kahat ng sangkap ng isang malinamnam na putahe ng isang balita ay naroon kaya who can resist that?
Kaya kung di man kumalas na ang mga naunang grupo ng media sa tabi nina Trillanes at Lim—abah, do not blame them. Ganun talaga ang laro ng industriyang ito, unahan! Nauna na sila, kakalas pa ba?
Noong isa-isa silang isinasakay sa bus, nang makita ako ng ilan sa mga kasama sa hanapbuhay na isinasakay sa bus na naka-gapos ang kamay—sumigaw ang ilan sa kanila, "Arlyn, we need lawyers, tawag ka." "Arlyn tignan mo pinosasan kami." "Arlyn, di kami pumayag na posasan kami lahat." "Arlyn sundan mo kami sa Bicutan, doon daw kami dadalhin."
It was sight that is hard to erase. Nakakalungkot. Nakakapanlumo. At oo–nakakagalit. Tama ang National Union of Journalist of the Philippines na isa sa kagyat na naglabas ng istorya. "Media is not the enemy."
Tama rin si Charie Villa, head ng News Gathering Team ng ABS-CBN na nagsabing, "We were just doing our jobs."
May I also add—hindi naroon ang media dahil naniniwala sila kay Trillanes. Sa tingin ko nga, kung puwede lang nilang batukan ito sa kapangasahan at kapusukan (na naman!) ay ginawa na ng ilan sa kanila. Mutiny nang mutiny, hindi naman pala prepared, ganun, kainis din kung tutuusin di ba? Anim na oras ang itinagal. Nababawasan ang oras — mas matagal ang Oakwood record nito…inabot ng magdamag.
Sabi ng isang kaibigan kong sundalo, opisyal, –"bakit big deal yung pagposas sa mga media, eh kailangang i-process lang sila talaga."
Big deal dahil nandoon ang media to cover, to tell the story, to report blow by blow the breaking and the unfolding of the events.
Kung wala ang media doon—baka nga mas naging madugo. Ang totoo—walang napaulat na casualty sa nangyari kahapon—maliban lang sa isang unrecorded one pero nakunan ng isang bystander sa isang cellphone nya na naku—sana—wag ilabas sa YOU TUBE. Ako po ang casualty…na noong unang bugso ng pag-atake ng mga tropa ng AFP-NCRCOM—ang mga pulis na kakuwentuhan namin sa kahabaan ng Ayala, abah eh, itunulak ako padapa. Hindi dahil type niya akong itulak. Nagulat marahil at to be fair, nais lang akong protektahan sampu ng iba pang kalapit niyang kagawad ng media na naroon. "DAPA! DAPA!" sigaw ng pulis na di ko na nakuha ang pangalan.
Eh — naka-power dressing ako dahil galing sa isang affair bago napatakbo sa Makati, medyo madali akong natulak kasi nga naka-heels ako—so dapa—kaysa sa mukha ang tumama sa kalsada, eh tuhod na lang! So dalawalng tuhod ko—may sugat. Yun lang ang alam kong insidente ng casualty sa nangyari kahapon, pisikal na sugat.
Pero may isang mas may masakit na sugat na naiwan sa insidente kahapon. Yung hindi kayang gamutin ng betadine o itago ng plaster kaya.
Eto yung sugat sa propesyon ng pamamahayag.
Sa panahon ng krisis—may kanya-kanyang papel ang bawat sektor, pulis, militar, sibilyan, media.
Hindi ko sinasabing walang pagkakamali ang media o na lahat na lamang ng lahat ng gustong gawin ng media ay dapat na tanggapin na bahagi ng karapatan nito. There is such a word as abuse.
What I am saying is, media should never be questioned for reporting, simply reporting.
Kung mawawala ito—paano na?
Ang tipo ng responde sa panahon ng krisis ang isa sa barometro ng maayos na sistema ng demokrasya, yung talagang working democracy.
Kung hindi nauna ang media sa Peninsula—mas madali sanang na-control ng pulis at ng militar ang sitwasyon. Pero yun ang kuwento eh, nauna ang media na naka-amoy and some officers of the Philippine National Police (PNP), General Avelino Razon, amongst them, was caught saying on record that "somehow there was a failure of intelligence".
Somehow…tumbukin na natin. Nalusutan sila ng grupo ni Trillanes!
Pero ang kabilang istorya naman ay ang mabilis at maagap nilang pag-responde. Anim na oras na stand-off, record na yun…it shows decisiveness and will power to be who they are, people in authority.
Ang hindi lang tama sa timpla eh yung isama mo sa collateral casualty ang mga mamamahayag dahil lamang sa hindi ka nakatitiyak kung ano talaga ang nangyari.
O dahil sa napikon ka at nalusutan ka.
Madaling makita kung sino ang players doon sa anim na oras na stand-off. Pero ang kaladkarin pati ang media—hindi tama.
Madali silang bumawi—-napakawalan kaagad bago mag-hatinggabi—pero naroon na ang sugat. Sabi ko nga–eto yung tipo ng sugat na may marka talaga—isang sugat na hindi makakalimutan at malinaw kung sino ang gumawa ng sugat na ito.
Nanonood pa naman ang buong mundo. Akala pa naman ng maraming bansa, ganap na malaya ang ating pamamahayag.
Nakita tuloy nila ang mukha nito, raw, unedited pa. Ang bagay na itinatanggi—sumambulat. Sino ngayon ang mas napahiya?
Nasugatan ang media sa insidenteng ito—pero kaya niya itong indahin dahil ito ang sugat na mas magpapalakas sa kanya. Ito yung tipo ng sugat na mas masakit ang epekto sa gumawa nito. Yung sugat na taglay ng may gawa nito—nagnanaknak—ang baho. Amoy ninyo? (wakas)
(wakas)
Standing tall in Iraq are Filipinos!
November 27, 2007
Before I tell this story, one that I know and one that I am proud to share, I will make assumptions first.
Una—na inaasahan ko na marami ang makaka-identify sa kuwentong ito lalo na sa mga milyun-milyong Filipino na may kaanak na nagtatrabaho sa ibang bansa, silang mga anak na may ama o ina na OFW, silang mga asawa, na may kabiyak na napawalay dahil sa paghahanap-buhay sa ibang bansa, isang kapatid na ang kuya o ate ay nasa ibang bansa, maitaguyod lamang siya sa kanyang pag-aaral, sa mga ina o ama na nangungulila sa kanilang anak na ilang taon ng hindi nayayakap man lang.
Second assumption: that without any need for an explanation, you will understand why this story is faceless. Lalong alam ninyo na kung bakit—hindi ko siya puwedeng pangalanan.
Ang katotohanan ay isa lamang siya sa maraming Filipino na nasa lugar na kung saan–sa araw-araw–ang mga simpleng bagay na kanilang ginagawa ay nakakatulong sa isang malaki at malawak na gawain.
Third assumption—that one day—we will all want to know him and others like him, for they are Filipinos who make us all proud in the little and big things that they do in a country struggling to find its own destiny.
On with the story?…Yes…here it goes…
Kuwento ng isang kaibigan, kuwento ng isang anak, kuwento ng isang kapatid, kuwento ng isang ama…
Isang araw, isang pagkakataon ang dumating na nang hawakan niya sa kanyang palad ay marami ang nagtanong ng bakit? Bakit doon? Hindi mo ba mahal ang sarili mo? Bakit sa dinami-dami ng mapupuntahan—doon ka sa lugar na iyon magtatrabaho?
May dahilan kung bakit ganun ang reaksiyon. May dahilan kung bakit ganun ang agam-agam ng mga nakaalam kung saan ang kanyang direksiyon.
Ang lugar lamang naman na kanyang pupuntahan ay lugar na ordinaryo ang road at suicdide bombing, isang lugar na may umiiral pa rin na maalab na sectarian violence sa kabila ng ilang taon na rin namang pananatili doon ng US led-allied forces. Oo—ang pinuntahan niya ay ang bansang Iraq.
There is a popular term for the kind of job that they do in Iraq. Nabasa na natin ito, narinig na natin ito–mga mersenaryo, —nasa negosyo daw ng digmaan, at mga trabahador ng mga naglalakihang security and contracting companies sa Iraq na tulad ng Black Waters.
Mersenaryo–yun ang tawag sa mga gawaing nasa ganito o nasa industriyang ganito ng mga mismong nasa loob ng bansang nagpasimuno ng pagpasok na ito sa bansang Iraq. War on Iraq or Invasion on Iraq—ibang kuwento pa yan….hanggang ngayon—paksa ng debate sa maraming bahagi ng daigdig.
It was a US tag on private security personnels in Iraq—but for the other nationalities that work for these companies as security specialists—a different story is aching to be revealed.
Paano mo tatawaging mersenaryo ang mga ama, anak o kapatid na sumabak sa isang estrangherong lugar upang makatulong sa kani-kanilang mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas? Paano mo tatawaging mersenaryo ang mga kapwa mo Filipino na nakasuong sa panganib ang buhay nang walang sapat na katiyakan o blanket ng kaligtasan na tulad ng mayroon ang mga tropang Amerikano na kanilang inaalalayan, binabantayan, inaayudahan?
O sige na, tawagin ninyo na silang mersenaryo hanggang gusto ninyo—pero tulad din sila ng ibang mga ordinaryong OFW na tinulak ng pagkakataon na humanap ng pagkakataon at oportunidad sa ibang bansa—kahit pa nga sa bansang tulad ng Iraq na hanggang ngayon ay nasa mabuway na kalagayan pa rin lalo na pagdating sa aspeto ng seguridad.
Kung naniniwala kayo na kahit saan dalhin ang Pinoy—lalabas at lalabas ang kagalingan nito–lalo na siguro sa lugar na tulad ng Iraq na may kaguluhan. Sa gitna ng isang tensiyon, isang simpleng pagpapaliwanagan na hindi nagkakaliwanagan, ang biro ng isang Pinoy ay maaaring makapagdulot ng pagkalma ng sitwasyon.
Di ba tayo nga lang marahil ang lahi na nasa gitna na ng matinding sakuna o panganib, nakakatawa pa? Nakakapagbiro pa?
Sa lugar na tulad ng Iraq—madali ang malungkot, madali ang mangulila—lalo pa sa pagsapit ng mga espesyal na okasyon—tulad halimbawa ng kaarawan ng isang mahal sa buhay…o ng mismong kanyang kaarawan…kung puwede lang na lumipad—at sa isang iglap ay nasa piling na ng kanyang mga anak at mga mahal sa buhay.
Kung puwede nga lamang…
But he knew that when he and others like him trekked the road and path to Iraq—what follows is a form of sacrifice that will test a person's true worth.
Nasa Iraq sila dahil sa may mga umaasa sa kanila.
Nasa Iraq sila dahil sa may mga pangarap silang nais na tuparin, hawakan, ariin at pagyabungin.
For now—we may talk about their stories in whispers, and refuse to even acknowledge the kind of contribution that they do in the long and tedious task of rebuilding of Iraq.
Pero isang araw—malalantad din ang kanilang kuwento. Isang kuwento na hitik ng pakikipag-kapwa tao, ng kagalingan at ng pagsasakripisyo.
Sige ibulong muna natin…na sa lugar na tulad ng Iraq—may mga Pilipinong nagbibigay ng karangalan sa ating lahi, may mga Pilipinong puwede nating ipagmalaki, may mga Pilipinong lumalaban at ipinakikita kung paano ang lumaban ng may dignidad at katapatan.
In Iraq–Filipinos stand tall.
Isang araw—isisigaw natin yan ng buong pagmamalaki.
Sa ngayon–hayaan ninyo munang aking ibulong, kilala ko ang isa sa kanila at ikinararangal ko ang makilala siya.
(wakas)
Ang musmos na si Rap-Rap at si MANAY LOLIT SOLIS
November 25, 2007
May mga kaibigan at kakilala ako ngayon na nagugulat kapag nalaman na marami akong kaibigan sa mundo ng showbiz dito sa Pinas.
Hindi naman sa dahil sa sa tingin niya ay wala akong dugong "showbiz" (he-he!) Nabibigla lang sila dahil talagang kilala ko, not in a showbiz way but in a personal way—as in kilala talaga dahil nakasama.
Iba naman ang daigdig ng news and public affairs sa entertainment pero nagsasalubong din ang mundong ito kaya I know many personalities sa mundo ng entertainment, at isa sa kanila si Manay Lolit Solis.
You could say that I have known Manay Lolit for nearly two decades now. When I was starting as a Jr. reporter for DZBB of GMA-7 then, I also did other jobs for shows produced by the network. Karaketan ang tawag namin doon, at isa sa mga kinarir ko ring raket ay ang maging isa sa mga nasa likod ng Eye to Eye ng yumao ng si Inday Badiday. Dun ko nakasalamuha si Manay Lolit na noon ay may sariling TV show sa IBC-13 na ang pangalan ay SCOOP.
Through the years I would every now and then bumped into her and we would exchange the obligatory "Hi" and "Hello" or "What's Up?" with matching beso-beso.
She calls me Arlyn of course but still remembers the name that I used during my maiden year in broadcasting, my nickname from high school, Nyls,( Nyls dela Cruz, Bisig 15, DZBB) and sometimes calls me by that nickname.
Pero sa halos mag-da-dalawang dekada ko na siyang kakilala–maliban sa lahat ng alam ng publiko sa kanya, lalo na sa mga eskandalo, intriga o away na kanyang pinasukan, napasukan at kinasasangkutan hanggang sa ngayon ay hindi ko masasabing kakilang-kakilala ko na si Manay Lolit—yung bang pagkakakilala na kilala talaga.
But lately, very recently, I can say that I am beginning to know the real Manay Lolit and knowing the real Manay Lolit is a fascination in itself. Ganun pala siya, kaya pala kahit na parang minsan, ang projection ay dapat na siyang kasuklaman, marami pa rin ang nagmamahal at nagtatanggol sa kanya. Iba pala siya sa malapitan at sa mga pagkakataong, hindi siya ang guererang si Manay Lolit.
Recently, lagi kaming nagkikita , in fact nakaka-ilang Saturdays na sa isang parlor, no–hindi na parlor ang tawag, that's so 70s and 80s pa—sa isang salon, Salon de Execelente to be exact, sa Timog Avenue sa Quezon City, malapit lamang sa GMA-7 at nasa tapat ng Caltex/Chevron Gasoline Station. Pareho namin kasing ex-deal ang Salon de Execelente. Marami pang ibang TV personalities na doon nagpapa-make up, kasi sinundan ang mga make-up artists na dating nasa isang kalapit at sikat ding salon sa Timog kaya maraming mga artista, TV hosts at anchors na tulad ko na doon na nagpapa-make-up.
In my case, first time ko na nag-ex-deal, ako lamang ang nagma-make-up dati sa sarili ko at sa tingin ko naman ay maayos akong mag-make-up, kaya lang, ano naman ang masama kung magpaka-celebrity ako sa idad kong ito–he-he! Eh sa natutong maglagi sa salon sa idad na 37 eh, Isa yata yun sa sinyales na — hay naku, sabi nga ni Mayor Alfredo Lim, "Tatanda din kayo!"
Now back to Manay Lolit…(pansin ninyo, ang dami kong detour? he-he!)..and this little boy called Rap-Rap na napakalambing po talaga at hindi mahiyain.
At Salon de Excelente, Manay Lolit is at home, so at home that she allows her guards down. At iyon ay hindi dahil sa mga nakasanayan na niyang kasama sa salon tulad ni Wendy na siyang nag-me-make-up sa kanya at ng iba pang nag-fo-foot spa at manicure sa kanya, kundi dahil sa isang batang paslit, si Rap-Rap nga, na sa tingin ko ay nakabulabog na muli ng maternal instinct ni Manay Lolit..
It was what you may call a delightful distraction that Manay Lolit welcomes.
Anong klaseng pagkabulabog ba?
Ganito po lang naman.
Eksena: Nakaupo ang Manay, hinihilot ang kanyang paa, nilalagyan ng treatment ang kanyang buhok, the works…pero biglang tatayo dahil sa ang batang si Rap-Rap, itinuturo ang baso ng tubig at siya ang magbibigay nito, o kaya, nahulog sa sahig ang laman ng chichiria na kinakain nito, o kaya, babagsak ang bata na tipong inaantok, o kaya mabubungo ang upuan, pero tatayo naman ang bata na nakatawa na parang walang nangyari kahit na salamin na ang nabangga nito ay medyo masakit yung "blag!" na yun ha sa sahig.
Sasabihin ni Manay Lolit kay Rap-Rap–"sleep ka na Rap-Rap"; "Get your toys Rap-Rap"; "Do you want water Rap-Rap?" etcetera, etcetera, etcetera.
Sabi nga ni Wendy, "Hay naku, si Manay talaga ang yaya ni Rap-Rap!" na that particular Saturday ay sinagot naman ni Laurence ng ganito, "Hay naku, kapag nagpunta ako sa Singapore, si Manay Lolit ang magyayaya diyan pansamantala." Si Laurence po ay ang "ama" ni Rap-Rap, adopted niya ang bata at isa siyang magaling na make-up artist who does the on-cam look of one of the hosts of Star Talk na wala akong permisong sabihin kung sino kaya wag na mention.
Ibang kuwento din ang bonding ng mag-amang ito. Ang cute! Walang yaya ang bata, kahit saan siya magpunta at kahit gaano kataas o kasikat na tao ang seserbisyuhan niya as an artist, kasama sa pakete ang bitbit niya ang anak niyang si Rap-Rap.
Sa Salon de Excelente, extra special ang Sabado dahil sa batang si Rap-Rap pero most specially kay Manay Lolit.
Ganito sila mag-usap—sample lang ha! At may-edit akong portion kasi may kaso sila related to this, he-he, pero gets ninyo na ito. Sasabihin ni Manay Lolit…"I love…" tapos dudugtungan ni Rap-Rap ng "Manay Lolit!"
Tapos—"paglaki mo ano ang gusto mong maging?" Sasagot naman ang Rap-Rap, "_____" (opo edited na!)
Basta there's more to this exchange between Manay and the little boy na kasama sa dayalog ang name ng isa sa latest nemesis ni Manay na wag na nating mention, gets ninyo na yun. Isa sa dalawa, yung mas madaling banggitin ang pangalan!
Ilang Sabado pa lamang ang malapitan kong obserbasyon sa relasyon ni Manay Lolit at ni Rap-Rap pero sapat na iyon para masabi ko na sa likod ng katapangang ipinapakita ni Manay Lolit—nanatiling naroon ang isang bahagi ng kanyang pagkatao na hindi kayang buwagin ng kung anumang intriga o kontrobersiya.
Nanay si Manay Lolit, isang ina at ang dugong iyon ng isang ina, isang saglit lamang ay sumisigla, kapag nasusumpungan niya ang isang anak na tulad ng paslit na si Rap-Rap.
Yes, after nearly two decades, it's only lately that I have seen the real Manay Lolit, that side of her, not seen, and never exposed before the cameras. (end)
Basilan’s WAHAB AKBAR
November 23, 2007
Magpapauna na ako. Hindi ako magsasalita o magkukumento sa itinatakbo ng imbestigasyon sa naganap na pagsabog sa Batasan na ang natukoy na target, batay na rin sa imbestigasyon ay walang iba kundi si kinatawan Wahab Akbar.
O sige na nga—one liner lang na comment tungkol sa imbestigasyon: hindi bulag ang imbestigasyon sa kasong ito, may malinaw silang matutumbok sa kadulu-duluhan nito. O malinaw na ang one liner yan ha, stop na. Ayaw ko speculate o gawa kahit ng what may well be an intelligent guess, dahil di man ako taga-Basilan, eh halos yata pati kaliblibliban nito ay napuntahan ko na. Kabisado ang lugar, kabisado ang pulitika doon.
Kayang-kaya na ng mga imbestigador yan.
The intention of this recent entry sa espasyong ito ay magkuwento lamang ng isang personal na karanasan bilang mamamahayag kung paano ko nakilala si Wahab Akbar.
Sino nga ba si Wahab Akbar?
Akbar, former congressman, former governor, former preacher, former baker, former OFW, former Abu Sayyaf Commander, former MNLF….isa sa mga anak ng Lantawan Basilan na ni sa hinagap marahil ay hindi akalaing mararating niya ang kanyang narating sa daigdig ng lokal na pulitika, impluwensiya at kapangyarihan.
Rewind tayo, taong 1993, sa kabundukan ng Basilan nang marinig ko ang pangalang Wahab Akbar. Oo, marinig, at oo sa bundok, kasi nag-uusap ang mga guide namin noon ng cameraman kong si Ed de Guzman, ang pinakamatapang sa mga cameraman sa Singko—(Boys–wala nang aangal please, alam ninyo namang bias ako pagdating sa ating ed dg.)—nabanggit ang pangalang Wahab Akbar. Oo, din, ganun sila kaluwag sa pagbibitiw na lamang basta ng mga pangalan, marahil ay dahil sa unang karanasan para sa kanila ang makasalamuha ang media at unang karanasan din para sa amin, lalo na sa akin na makatapak sa kuta ng Abu Sayyaf.
Hindi ko agad naunawaan noon kung gaano kahalaga noon ang pangalan ni Wahab Akbar sa ASG lalo pa't ang nasa harapan ko noon ay dalawa sa mas unang sumikat na pangalan sa hanay ng Abu Sayyaf-ang original Amir/chieftain na si Ustadz Abdurajack Abubakar Janjalani at si Edwin Angeles alias Ibrahim Yakub. Sa dalawa, si Angeles ang mas makulay ang life dahil sa maraming kuwestiyon sa background nito. Kasama sa makulay na detalye ay ang love story nito lalo na sa huling naging asawa niya, si Yang na nakita din namin ni Ed de Guzman kung paano na-in-love ang dalawa.
Saka na ang kuwentong yan. Baka ma-pre-empt ko pa ang sarili kong libro on the ASG. (yes, I still have all the intentions of releasing it at naniniwala akong tama ang desisyon ko na huwag magmadali sa pagpapalabas nito.)
Asan na nga ba tayo? Ikambiyo ninyo nga ako…ah okey Wahab Akbar.
Naunawaan ko lamang kung sino si Wahab Akbar nang magsimula nang mag-open, mag-kuwento sa amin ang ilan sa mga ordinaryong miyembro ng ASG na karamihan ay mga bata. You can say that the ones we met in 1993 were young warriors who without question in their minds followed Abdurajack Janjalani and his concept of Jihad or Holy War.
Kasama sa rawness na sinasabi ko ay yung malayang pagpapahayag ng kanilang damdamin na walang excuses lalo na kapag usapin ng relihiyon ang pinaguusapan. To your face, walang busina, sasabihin sa iyo na "infidel" ka–na walang saysay ang iyong buhay dahil wala ka sa pinaniniwalaan nilang tunay na relihiyon. Kung raw sila at that time, ako din naman ay walang katakot-takot o pag-aalinlangang nararamdaman sa katawan kaya sagot naman ako ng sagot.
You see, I came to Mindanao, to areas in Moslem Mindanao to be exact without any prejudice to any ethnic group. Laking Gapo ako at kasasalta lang halos sa Kalakhang Maynila—mulala pa ika nga…tapos itinapon sa Mindanao. Hindi ko alam ang mga warning warning pa ng ilan na "you only trust a dead Moro" chuba ek. That explains why wala akong takot. Kung nakikipag-debate sila, sagot lang ako, straight din, which, to be fair, nirespeto naman nila at hindi naka-kahong basta na lamang nang-upat o nang-husga. Sa kanila ko rin maririnig kalaunan–"there's no compulsion in religion."
Sa unang pakikipagpalitan ko ng opinyon at saloobin sa relihiyon, kalayaan ng tao, kaligtasan ng kaluluwa etcetera - una kong narinig ang pangalan ni Wahab mula sa bibig ng mga kaharap kong regular na ASG members. Sa kanila ko nalaman na si Wahab pala ay preacher nila, na siyang nagturo sa kanila na ang jihad o porma ng jihad na kanilang isinusulong ay may batayan anila sa Quor'an. Bilang Ustadz ay preacher din si Abdurajack, ngunit doon pa lamang sa puntong iyon, ay nilinaw na sa akin ang malaking kaibahan ng dalawa. While both were preachers, only one is a real warrior. Warrior din si Akbar pero hindi pareho ng pagtingin sa pagka-mandirigma ni Abdurajack. Maybe because, kasama sa resume ni Abdurajack (resume? kaw talaga Arlyn) ang pakikipaglaban sa Afghanistan noong 1988.
But—sa pakikinig ko sa kanila, it does not mean that they look to Wahab less. Mas preacher lang ang tingin nila sa kanya kaysa sa isang warrior na sa tingin ko pa nga ay mas mataas kung ang pagbabatayan ay ang pahayag nila na ang ginagawa nila ay may kinalaman sa anila ay nakasaad na tungkulin nila sa kanilang relihiyon, ang Islam. In my reading then, mataas ang respeto ng ASG kay Wahab Akbar bilang isa sa umakit sa kanila na maging bahagi ng grupo.
I would eventually cover for two straight months the first wave of military operations against the ASG in Basilan in 1993 and in the process I heard the name of Wahab again. Maririnig ko ito mula sa mga marines na nagsabing, siya ang Commander na nanguna sa blocking force sa Lantawan at siyang naging dahilan kung bakit nakatakas ang main tropa ng ASG papuntang Patikul, Sulu, dun sa kampo naman ng isa sa orihinal na commanders ng ASG na si Radhulan Sahiron.
Matandain ako, special child, pasensiya na, walong buwan ako nang ipinanganak, pero true, natatandaan ko pa yung sabi ng isang marine na nakasama namin noon, (s an embedded journalist, oo naman—ipagyayabang namin ni Ed de Guzman, na bago pa nauso ang terminolihiyang iyan sa Iraq, nauna na kami—he-he–dun nga lang sa Basilan)–"Tropa ni Wahab Akbar ang nagbigay ng mga bangka sa grupong nakatakas mula sa Camp Al Madinah, hawak nun ang Lantawan, halos lahat kamag-anak niya."
Then after a year—I would finally meet Wahab Akbar, hindi sa Basilan kundi sa Patikul Sulu na. Yan ay noong hinarang kami, grupo ng media, sa Quezon beach na akala namin ay safe. Aba si Romy Guasis nga ng Abante ay gusto pang mag-swimming!
Hinarang kami ng grupo ng mga armado na halos mapuno ang daanan sa dami. Take note noong dumaan kami—papasok–wala sila doon–at may peace talks na noon, exploratory, at ang nadaanan namin maliban sa checkpoints ng marines, checkpoints na may nakalagay na MNLF checkpoints so since it was a Saturday, wala kaming magawa na mga media na na-assign sa Sulu from Mega Manila ika nga, ayun nag-hanap ng mga color stories—not realizing na soon–kami pala ang magiging color story!
Isa si Wahab sa humarang sa amin. Nang nilapitan kami ng grupo, isa-isa ko nang nakilala ang mga mukha, yun bang recognition na with excitement pa nga ang dating dahil second time ko sila nakita, from Madinah interview sa Basilan, then sa Patikul na. Sabi ko pa kay Ed de Guzman—"Ed, di ba sila yun?" Tahimik lang ang Ed. Hawak ang camera, nakaupo sa unahan ng pam-pasaherong jeep, katabi si Val Cuenca, cameraman noon ni Ceasar Soriano.
At dahil nagkakakatutukan na ng baril, nagagalit na yung may mga hawak na baril at bakit daw kami pumapasok sa area nila nang walang timbre o pahintulot—-namagitan ang isang konsehal na isa sa pakay namin sa Patikul, at nakipag-argue na wag kaming harangin dahil media kami…etcetera…Matapang ang konsehal at sinabi pa na tinanggap ang ASG sa Patikul kaya bilang konsehal ay huwag siyang ipahiya sa mga naghanap sa kanyang media at sabi pa, di naman daw namin alam na naroon ang ASG…so nang magpakita sila—from out of nowhere…ayun alam na namin, nalaman tuloy namin–ah nanun nga pala sila sa Patikul.
Mahabang argumento—-na pati ako–siyempre—mapapel—nakikisabat…"hi, hindi ninyo ako natatandaan, kami ni ED, kami yung nag-interview sa inyo sa Madinah, di ba ikaw si ganito, di ba ikaw si ganyan…."Ipinakita naman nilang nakilala nila ako, pero nakatutok pa rin ang baril nila. Ako naman, smile lang, di ko na-realize na baka ma-kalabit ang baril, at least, makalabit man at tamaan ako, naka-smile.
Ang totoo, ayaw ko lan magpahawa sa nerbiyos. Kasi kapag ako ang naunahan, naku, magpapa-eclipse ba ako? Baka mainis sila kapag ako ang nag-panic kasi iba ako, I mean iba ako kapag nag-panic. Parang taga-pulang bubong sa Mandaluyong.
Tensiyunado ang lahat eh. Si Sylvia Calderon nga—nawalan talaga ng boses pero makikita mo sa buka ng bibig niya na tinatawag niya si Romy at si Boyet Jadulco ng Abante din na bumalik na ng sasakyan. Kasi yung dalawa, akala nga BORACAY yung white sand sa Quezon Beach—abah, siyempre souvenir picture to the max ang dalaw, not realizing na ang mga iniwan nila sa loob ng jeep, eh tinututukan na ng baril.
To cut this side story—si Wahab ang nag-decide noon na —"sige palampasin na yang mga yan."
May isang side story pa. Filing ng story, si Ceasar, ang sabi sa desk niya noon sa ABS-CBN, he-he–bukingan time—na-hostage daw kami. Headline ng TV Patrol then. Ako nasa Singko pa noon, at di ako nagbubuhat ng bangko, nagpaka-honest ako sa report—naharang lang kami ng mga armadong lalaki na it turned out mga ASG pala, yung mga ASG na una naming nakapanayam ni Ed sa Basilan.
Sa diyaryo, may nag-pick p ng story ng ABS na as is, na-hostage kami, as reported by Ceasar, pero kami, lahat kami, ang isinulat o ibinalita, naharang kami.
Wahab's name, after that incident—natatak na sa utak ko. Sino kaya iyon sa ASG at bakit parang iginagalang nila in the same breath as Abdurajack? O kung di man ka-lebel, basta iginagalang? HMM…
Then all the answers will come in later, research, interviews, sources—siya pala an preacher ng ASG lalo na yung mga na-recruit sa community sa Barangay Tabuk sa Isabela proper sa Basilan.
Pero alam ninyo ba kung kailan ko uli makikita si Wahab? Abah, bibilang ng taon mula noong 1994 at this time—sa kapitolyo na po ng Basilan as Governor na ! Teka, ano ang nangyari? Bakit naging governor ang supposed to be ay hinahanap ng pamahalaan na isa sa naging utak ng pagkakatatag ng ASG?
Publicly, inaamin naman ni Wahab na isa siya sa nagtatag ng ASG at dati niyang kasama ang mga ito—pero nang makipaghiwalay siya–hindi totoong naglalaro siya sa dalawang bangka—Talagang humiwalay siya at talagang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan lalo na sa pagitan nila ni Abdurajack.
Nang magkita kami sa kapitolyo, andun pa si dating Pangulo Joseph Estrada na naanyayahan niya sa inagurasyon ng bagong Kapitolyo. Sabi niya sa akin, binati pa ako, "Arlyn, mabuti naman at nagkita tayong muli, welcome to Basilan again."
Ngiti na lang ang naisagot ko, kasi po, ehem, lunok, yung aide niya na nasa likod din ni Erap na am sure wala siyang ka-ideya-ideya, eh, ASG din kaya, I mean dating ASG din tulad ni Wahab.
So research, research, etcetera—malalaman ko na naging alyado na pala ng pamahalaan, ng intel community, through PNP si Wahab at may isang retired general na siyang direktang nagkumbinse sa kanya na lumaban ng gobernor sa Basilan. As governor—isa sa mga naging tampok na proyekto niya noon, lalo na noong unang taon ay yung preaching sa radyo, local, na naririnig din sa two-way radio sets na ang laman, pagbura sa interpretasyon ng ASG sa kung ano ang JIHAD o kung ano ang Holy War at kung ano ang kapayapaang mensahe ng Quor'an.
Na-cover ko pa siya minsan sa mismong booth nito sa Capitol na ganun ang kanyang ginagawa–preaching and at the same time, crushing the fundamental beliefs of the ASG which he himself helped built.
Hindi dito nagtatapos ang kuwento, hindi sa basta preaching lang.
Pero puwede bang mambitin…antok na me…may pictorial pa bukas nang maaga….(pictorial ka diyan…inaantok ka lang talaga!!!!)
Promise—part II tomorrow.
Pero let me give a teaser….by this question: Gaano nga ba kalalim ang alitang namuo sa pagitan ni Wahab at ng mga dating kasamahan sa ASG?
Bukas na po. ZZZZZZ….
P.S. Alas nuwebe pasado ng umaga ko start pero iniwan at binalikan lang maghahating-gabi na kaya inantok…(mag-explain ba?)
(wakas)
Gas Explosion, YES!!! but the question is, was it accidental or intentional?
November 12, 2007
At this stage—almost a month after the incident, there was no doubt that what took place was a gas explosion. But there remains a hanging question raised not by critics but by a police officer, a chemist, and one of the technical support experts from the police involved in the investigation of the October 19-Glorieta blast. That question, was the gas explosion accidental or intentional?
Ang source ay ayaw magpapangalan hindi sa kung anupaman kundi dahil lamang sa may isa kasing designated na spokesperson sa insidenteng ito, and hepe ng PNP-National Capital Region na nakausap ko rin ng hiwalay kaugnay ng itinatakbo na ng imbestigasyon sa Glorieta 2-Blast, si Police Director Geri Barias. Pero siya ay isang chemist na pumasok sa pagka-pulis at may ranggong major na matagal nang naaasahan ng PNP sa pagbibigay ng teknikal na paliwanag at perpektiba sa mga kasong tulad ng ganito.
Kung mapapansin ay bagaman laging sinasabi ng PNP na tiyak na sila na ito ay gas explosion, ngunit naroon ang kakabit na pahayag na hindi pa rin isinasara ang lahat ng anggulo, kasama na ang anggulong ito ay sinadya o posibleng terror attack kaya na ibang uri. Sabagay, ang isang terror attack naman ay hindi lamang nakakulong sa paggamit ng mga IED o Improvised explosive devices. Puwedeng ang isang akto ng terorismo ay gawin sa pamamagitan ng pananamantala o pagbulabog sa isang sistema kaya ng seguridad o sa kasong ito, ng istraktura ng bentilasyon ng isang sikat na mall. Bibigyang diin ko ang salitang "puwede"—hindi ito ang nangyari, malinaw?
Now, why did the police officer I spoke with in person raised that question: if it's a gas explosion, was it accidental or intentional?
It was raised not to cast doubt on the initial reports released to the media. Sa pakikinig ko sa kanya, wala akong nakitang ibang motibo, maliban sa — kailangang hanapan ng sagot ang tanong na ito para magkaroon ng tinatawag na "conclusive findings."
Saka ko na bibigyan ng malawig na paliwanag—pero isa na siguro ako sa mga nais na malinawan talaga sa kung ano ba ang tunay na nangyari, o huwag na nating sabihing tunay na nangyari, kundi maaaring pinakamalapit na nangyari sa Glorieta noong hapong iyon ng ika-19 ng Oktubre. Sabihin na lang natin na—ako ang napiling pagsabihan ng isang "witness" na nagsasabing, sinadya ang nangyari sa Glorieta.
I did not release the interview not because I was influenced by anything or cowed by someone or even swayed to another perspective. I simply wanted to see the full picture first — if that is indeed possible.
Kahit pa on record at on tape ang panayam, face not covered on TV–may mga dahilan ako kung bakit hindi ko lubusang mapakawalan ang panayam na hawak ko. Gusto ko munang maunawaan kung ano talaga ang oryentasyon ng source na ito na alam kong may ugnayan sa iba't ibang grupo na kung tutuusin ay hindi dapat na magkakaugnay?
Kaya sa isang tao na very concerned sa story na ito–maybe to give credibility to his earlier pronouncement on media, I stress, we have different intentions. Mine is to simply find out what really happened. It's the credibility of the story and not the the credibility of any person.
But kung anuman ang tinutumbok mong anggulo—go on lang Sir—baka matumbok ninyo nga. In the meantime, I shall continue my investigative work as a journalist.
Now back to the question—was it accidental or intentional?the gas explosion?
This officer, again, I stress, educated as a chemist tells me that one test will determine whether it was accidental or intentional. The test he told me is called 'IMPURITY PROFILING". Padaliin na lang natin ang explanation dito.
Kung pareho ang profile ng diesel gas na nasa 4th floor at sa storage sa basement ng Glorieta 2—walang dahilan para maghinala na ito ay sinadya ayon sa chemist ng PNP na nakausap ko. Ngunit kung —KUNG—may makikita na kaibahan sa profile—a slight difference in profile of the diesel fuel–maybe enough to suspect or at least pursue further investigation as to the possibility that it may have been contaminated.
Kapag sinabing na-contaminate—ibig sabihin noon—yun posibilidad na may hinalong kemikal dito na puwedeng nag-trigger ng explosion.
The said impurity text will be completed by Friday according to my source.
But there is another angle here na kung walang makikitang kontaminasyon sa purity ng diesel fuel–ay malakas — ayon sa chemist ng PNP. Ito yung problema sa bentilasyon. "Diesel fuel alone can explode—depende sa kundisyon ng bentilasyon," yun ang isa sa sinabi niya sa akin.
Ang bawat diesel kasi na ginagamit sa mga istrakturang komersiyal na tulad ng malls ay may dapat na temperatura at bentilasyon na sinusunod. The Ayala Land Corporation in their earlier media statement also disclosed that they do regular maintenance of the wastes stored sa basement, kasama na ang treatment, 2-3 times a week, which according to my source is ideal. Pero ang tanong niya sa mga imbestigastor on site—-"kumusta ang log-book? nakita na ba? Ano ang komparison ng ideal treatment ng wastes stored sa actual practice?"
But in the course of the interview, there are other disturbing revelations from my source within the PNP that to me are disturbing and may affect the final result of the investigation.
Di ba sabi ng PNP—wait na lang nila ang final lab test?
Eh eto naman ang sabi sa akin ng isa sa may direktang kinalaman sa lab testing na ginagawa sa mga metals at iba pang parts at equipment sa basement na maaaring magbigay ng ideya kung ano ang nangyari talaga sa Glorieta 2 noong October 19–like the very crucual part na na-kuha–the submersible pump—paano i-tetest ang ang mga metals kung walang metal scanner ang crime lab? NGEK! One more time with feelings now—-NGEK!!!!!
At eto pa, say ng source, "we have the capability, but the question is do we have the capacity?"
Kasi po—sa dami ng dapat na isailalim sa test—-ay iisa lang pala ang equipment na gagamitin dito na nagkataon din po na iisa lang sa buong PNP–nationwide. Again—-NATIONWIDE!
Ito yung tinatawag na GCMS o gas chromatography mass spectrometry na ang nasa crime lab ngayon ay 90s model pa—na kung tutuusin sa inusad na ng forensic science—ay luma na, old model baga!
Magkano ba ito?Nasa P7-million pesos…wala bang budget? Meron! Pero meron bang alokasyon para dito? Wala.
Wala—so far. May makaisip kaya?
Aksidente o sinadya—what happened in Glorieta is close to a bio-chemical attack according to my source. Ang nakakapanlumo pa aniya, kung talagang hihimayin, while there is a task force created, wala namang expertise talaga sa ganitong uri ng atake, arson investigators ang nandoon sa blast site—ni air sampling nga , hindi nagawa on the first day, na dapat ginawa ng isang eksperto from DENR..pero teka, kailan nga dumating ang DENR expert to get air sample sa blast o explosion site?—Ah—kahapon lang pala, November 13.
It's a wake up call says my source—and I agree—accidental or not, –the kind of response on this kind of incident must be reviewed thoroughly.
Dahil oo nga—what if it was really a bio-chemical attack? — handa ba talaga ang response system ng pamahalaan?
In the meantime—we wait for the result of the impurity profile sa diesel na ginagamit sa mall ng Glorieta.(wakas)
Pinakbet o pakbet man ang tamang tawag, this ulam is still my BET!
November 8, 2007Yes, I DID IT AGAIN!
Sa dami ng masasarap na putahe sa restaurant na kinainan ng two new mother and daughter team na friends ko, pinakbet ( o pakbet nga!) na naman ang inorder ko.
Kung sa iba , ang safe na order from the menu ay pansit o kaya ay spaghetti, lalo na kung medyo masasalimuot ang pamagat ng menu (pamagat daw o!)—in my case, kumplikado man o hindi ang nasa menu—-ewan ko ba, lagi at laging lalabas sa bibig ko—-ang bilis pa ng mata—automatic—sa vegetable menu—TING! — ayun meron…"Ako pakbet!"
At dahil new friends nga ang kasama ko, akala nila—-gusto ko lang i-try that night, coz ang comment nila — "tama para may gulay tayo."
What they did not but am sure they will eventually find out, is that, this woman of 37 years is so addicted to pakbet na sa bahay nga—ang dayalog ng mga kasama sa bahay, "pakbet na naman ang ulam?"
May automatic sagot din naman ako—"Kaunti lang ang niluto ko, para sa akin lang, yung may gusto lang na makikain ang kumain."
Nope–it's not an everyday dish naman po. Hmm….sige—sabihin na lang natin na sa loob ng isang linggo, hindi puwedeng makalampas na di ako kakain ng pakbet kaya on this particular night out with new pals—muli ay nagpakabusog ako sa ulam na hinding-hindi ko tatanggihan, saan mang dako ng kapuluan ko masumpungan.
There are many ways of cooking pakbet, pero ang isa sa pinaka-matinding istilo ng pagluluto ko nito ay nakita ko sa bahay na kinalakihan noon ni dating pangulo Ferdinand Edralin Marcos sa Batac, Ilocos Norte noong 1994, noong ibinurol ang naka-wax na labi ng dating strongman at halos hindi mabilang ang dami ng tao sa lansangan ng Laoag at mga kalapit na bayan na tulad nga ng Batac.
I was there of course to cover the story and all the side stories. Nakisakay ako sa rented coaster noon ng mga miyembro at opisyal ng mga sundalong tapat sa dating pangulo, katulad ni Gen. Zumel. Then Captain Dani Lim, now a general but detained in Camp Capinpin in Tanay, Rizal, was also among the passengers of that coaster that traveled for 14 long hours from Manila to Ilocos Norte for the historic coming home of the remains of Macoy.
Sa 14 hours na iyon–hinayaan kong madiskubre nila ang aking talento sa pag-awit at aminin man o hindi ngayon ng kaibigang Dani Lim—I gave them a very heartfelt and sincere rendition, a cappela of their theme song "IF WE HOLD ON TOGETHER".
Pero bago mauwi sa kuwento ng aking singing career ang piyesang ito—-balik na agad sa aking pakbet for all seasons.
Sa lumang bahay ng angkan ng mga Marcos sa Batac kami nagpalipas ng gabi. Marami ring kuwarto doon pero hindi kasing dami ng kuwarto sa main house ng pamilya mismo ni Macoy (First Lady IRM at mga anak).
Dahil sa a. namamahay; b. namamangha sa bahay; c. excited sa coverage at d. all of the above—hindi ako nakatulog ng mahabang oras at maagang nagising. (answer: d.)
Sa aga ng gising ko, nabungaran ko ang kay-aga pa lamang ay napaka-abala nang kusina ng mga kamag-anak ni FM. ( sa mga bagong henerasyon na makakabasa nito, hindi po FM station, FM as in Ferdinand Marcos, isa sa tawag din kay Macoy).
Sa kusina—isa sa mga putaheng inihahanda, bukod pa sa longganisang Batac na sabi nila ay mas masarap ang timpla sa Longganisang Vigan na mas popular ( na mukhang totoo nga after I tasted it) …walang iba kundi—-surprise pa ba?—pakbet po!
Doon ko nakita yung version ng pakbet na may halong tomato sauce, kaunti lang naman, bukod pa sa mismong pulang-pulang kamatis, opo, eto yung version na ginigisa—pero hindi lutong-luto ang gulay ha na ang isa sa sahog na minsan wala sa ibang version ng pakbet ay yung bunga ng malunggay.
"Bagnet" ang kasamang panangkap dito na sa mga hindi pa nakakalam kung ano yung bagnet—parang lechon kawali lang ito na super natimpla na.
Sabi sa akin ng isang "manang" na nagluluto, yun daw ang paborito ni FM, yung ganung luto, pero minsan daw, yung basta pakukuluan na lang at kakatas ang sariling sabaw ng gulay–at instead of bagoong alamang, bagoong isda ang gagamitin. No, iba pa ito sa bulang-lang ha, na bagoong isda din ang gamit.
Yung ganitong luto ng pakbet—up to Northern Part pa ng Zambales na halos kadikit na ng Pangasinan, ganito ang istilo ng luto na minsan ko na ring nakita sa bahay ng mga Felarca, (Felma, a good friend and classmate sa kolehiyo) sa bayan ng San Felipe.
Siyempre—dahil paborito ko nga ang pakbet—sa halos lahat ng restaurant na may mga putahe ng lutong Pilipino talaga, aba—puwede ko nang i-rate ang sa panlasa ko ay okey na timpla ng pakbet, kaya lang kung sa malamang ay pasalamatan at kunin pa akong endorsers ng ilang restaurant na puwede kong banggitin, sa malamang din ay baka awayin pa ako ng mga puwede kong sabihin na, wag po dun, di luto ang sitaw—di maganda ang bagoong na ginamit—ganun….kaya hmm..wag na lang.
Pero—sige hihirit ako ng isang rekomedasyon sa mga makakabasa nito na mahilig din sa pakbet (Marami kaya tayo?)—-try yung pakbet sa Aristocrat, Max's at sa Seaside sa Macapagal Boulevard. Hindi rin magpapahuli ang pakbet na luto sa QC Sports Club! As in!
Kung ano ang nagawa ng pakbet sa kalusugan ko at katinuan ko–(may ganun?)—malamang sa hindi ay positibo naman!
Isipin ninyo na lang, pareho kami ni Macoy na mahilig sa Pakbet—-di kaya maging presidente din ako? (Presidente ng mga nangangarap ng gising, puwede pa!!!)
Sa gitna ng nandudumilat na katotohanan—-ang pakbet ay isang putahe na puwedeng kainin ng mga lumalabang pamilyang Pinoy and by lumalaban, I simply mean, yung mga kumakayod talaga, e.g. driver ng pedicab, barker ng sasakyan, the likes…na hindi gaanong kamahalan.
Huwag nang mangatwiran—may mga nakasupot na sangkap na ng gulay sa bengketa na puwedeng mabili sa halagang P20.00 lang na kung sa bandang gabi ka na bibili—say mga 9pm, kung ikaw ay MMDA traffic enforcer kaya na papauwi na sa iyong bahay, linawin mo lang na hindi ka manghuhuli ka—at baka magtakbuhan pa ang mga vendors na yan—you can buy that supot sangkap pang–pakbet , (sosyal, ganun?) — for P10 pesos pa nga!
O huwag ma-tempt na hingin na lang sa vendor—-tulungan lang–may sikmura ding kumakalam yan at iba pang tinutustusan.
Back to pakbet at baka mapunta pa kung saan (mahilig sa detour ang lolah!)—-yung kinain ko that night—obvious ba na nasarapan ako?
Kung di ba naman—bibigyan ko ba naman ng starring role yun dito sa espasyong ito na pina-high tech lang na version ng diary, na dati for my eyes only, at sarili ko lang kausap ko, now—for everyone who cares to view na?
Hindi libre yang pakbet na yan. May pay yan.Nasaparan lang talaga ako at muli, naalala, (parang malilimutan ko naman) na ang pakbet ay isa sa mga ulam, putahe at pantawid gutom na nakasama ko na noon at hanggang sa ngayon….at habang ako ay nabubuhay. (Kasal? Ganun?)
REY MERCARAL: the first one to play Abu Sabaya on a docu-film aired on US primetime!
November 4, 2007
Finding the one to play the role of Abu Sabaya for the documentary STALKING JIHAD was very crucial.
Kailangan—matindi ang gaganap dito, yung kayang ma-isabuhay ang karakter ni Sabaya sa pinakamalapit na atake, yung natural, yung parang talagang nabuhay si Sabaya.
Of course—ako na ang magpapauna—there will always be those who will raise the most important question left unanswered up to this day: Kung patay si Sabaya, asan ang bangkay? bakit walang lumutang sa tubig?bakit shades lang ang naiwan? at of all his personal belongings, bakit ang shades ang na-recover? Para symbolic?
Saka na ang sagot sa mga tanong na yan.
This piece is about finding the one to portray the role of Sabaya, at least doon sa naging papel niya sa abduction ng American couple and New Tribes Missionary na sina Martin and Gracia Burnham.
Hindi ko akalain—hindi pala isang estranghero ang kailangan kong hanapin para sa papel ni Sabaya.
Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, bumulaga sa akin ang gaganap na Sabaya, na hindi ko rin inaasahan ay may karanasan naman pala sa akting sa entablado at sa pagganap sa drama sa radyo.
It was a brief meeting at a mall, a chance meeting, — literal na halos magkabungguan kami. Oo–marami pa ang tao sa malls sa mga panahong nagkita kami.
Ang tinutukoy ko ay si Rey Mercaral, Sr. Reporter ng RMN-DZXL-Manila at naka-beat sa Malakanyang.
Sandaling tsikahan at parang biglang may sumampal sa akin (yes, ganun ako kapag tinutubuan ng ideya, yung parang sinuntok, may pagka-biyolente ako pagdating sa sarili ko–he-he!)—eto, eto sa harapan ko ang puwedeng gumanap na Sabaya, no introductions needed, no briefing needed on who Sabaya is, ano ang hinihingi ng karakter etcetera, etcetera.
Kilala niya si Sabaya, suki ng RMN—halos dun lagi umeere!
When I asked him, out of the blue and right that very minute if he could play the role of Sabaya for a documentary for the History Channel, Rey thought I was pulling his leg. "Okey ka lang, ako papapel na Sabaya?", tanong pa niya sa akin.
Tapping my acknowledged convincing powers, (he-he!) which at that particular situation, only about 30% was used, i was able to get an affirmative answer from Rey. 'O sige, ilang araw ba yang shooting na yan, at saka ipagpaalam mo ako kay Buddy Oberas, para di ako absent, leave lang."
Buddy was his immediate boss at that time sa News, di ako updated kung nagbago na dahil may panibagong management team sa RMN ngayon.
Ni hindi ko na rin kinailangan pang i-brief si Rey kung ano ang costumes na kailangan niyang dalhin para sa pagganap ng papel ng isa sa pinaka-infamous leader ng Abu Sayyaf. Nang nasa set na—eto kasi yung tipo ng documentary na walang dialogue, setting at situation lang, explain lang ng direktor ang sitwasyon, tapos huhugot ka na sa sarili mong akting, lalong perfect—-Rey became Sabaya.
Of course—nalagyan din ng dialogue kahit papaano–kaya nga ako nandun—kasi bahagi ng papel ko yun bilang Philippine producer/fixer for Wild Eyes Productions na siyang kinumisyon ng The History Channel to do this documentary for them.
Ang goal ko ay gumawa ng sarili at hiwalay na bersiyon ng kuwentong ito na sa Filipino at siyempre maghahanap uli ako ng papapel na Sabaya.
But sa tingin ninyo—maghahanap pa ba ako?
I already discovered a natural actor in the person of a competent journalist, Rey Mercaral—and if I will be able to pull the resources for a local production, then he too will essay the role of Sabaya, assuming he will say yes, again.
Sana…sana…kasi di ko na ma-imagine si Sabaya being played by someone else…although, alam din ni Rey ito, alisan lang ng bigoto ang isang senator-politician, kamukha din niya si Sabaya.
Kaya lang baka di feel na pumapel na kontrabida—sayang—yung pinsan pa naman niyang actor na aspiring politician–type na pumapel na Khadaffy Janjalani.
Well…
Ang alam ko—Rey portrayed the role of Sabaya with flying colors—-kaya nga gusto kong makita ng mga manonood sa Pilipinas ang Stalking Jihad nang sila na ang humusga.
A gifted actor is finally discovered! Mother Lily—baka gusto mong ma-meet si Rey Mercaral—ako manager, he-he! (wakas)
Almost 200 PINOYS in Jordan want to go home, care to help, anyone?
November 3, 2007
A fellow journalist who is no longer that active in the media was the one who connected me to Filipinos, mostly women, who are staying in the Philippine Consulate Office in Jordan. Actually the appropriate word here is overstaying.
I spoke to three of them on the phone, inlcuding the male Filipino guard assigned at the embassy and met one who managed to go back to the country—and confirmed to me the stories relayed to me on the cellphone. Stories of pain and sufferings and of the uncertainty of when they will be able to come back home to the Philippines and to their respective families. Ang sabi ng nakausap ko sa telepono, nasa 192 daw sila doon. Sabi naman ng nakausap ko sa isang food court sa isang mall sa Pasig, nasa 230 daw ang bilang ng mga Pilipino na nasa Consulate Office ng Jordan nang siya ay umalis.
Ang nakausap ko ay si Mary Anne Arellano Umoquit, 21 taong gulang at taga Buguey, Cagayan, isang Ilokana na sa unang paghaharap pa lamang namin ay madali ko nang nakita kung bakit nakatakas siya. Malakas ang personalidad, yung tipong hindi paaapi, hindi padedehado, lalaban at hahanapin ang kanyang kalayaan at kaligtasan.
September 10, 2007 siya nang dumating sa bansa mula sa Jordan.
Ang kuwento niya sa akin—-talagang hindi siya pumayag na wala siyang ebidensiya na siya ay minamaltrato ng kanyang amo. Kung dati rati ay natitiis niya na ikinukulong siya sa banyo at hindi pinapakain, nang huli daw siyang saktan nito, hindi siya nanlaban nang husto pero sinuguro na may pasang maiiwan sa kanyang katawan—saka siya tumakas, nag-"run-away" yun ang termino nilang mga Pinoy, mostly mga kababaihan na naglilingkod bilang domestic helpers sa mga bansa sa Gitnang Silangan, kasama na ang Jordan.
"Hay naku ma'am—-nang nag-hearing sa korte doon—ako ang pinaboran at ang amo ko ang nagbayad ng plane ticket ko pabalik sa Pilipinas, " kuwento pa ni Mary Anne.
But while she is now safe here in the Philippines and can just relax and start anew, Mary Anne is bothered by one glaring reality that she saw at the office of the Philippine Consulate in Jordan.
"Ma'am, kawawa sila dun, marami na ang may goiter dahil sa klase ng pagkain nila dun, minsan noodles na walang asin man lang, halos lampas sa 200, merong nabubuntis na dun, may taon na ang binilang na dun nag-stay sa consulate, parang preso na rin, dahil di rin naman makalabas, wala raw kasing pera para mapabalik sila sa Pilipinas, yung iba sila pa ang pinipilit na magbayad uli sa employer nila, hindi rin sila tinutulungan ng agency na kumuha sa kanila," tulog-tuloy na kuwento ni Mary Anne sa akin.
The story that Mary Anne told me is not the first one told about the sad state of many Filipinos forced to leave their love ones to work miles away from home to earn enough money to support their love ones back here in the Philippines.
Mary Anne by the way is just earning $150-dollars a month as domestic helper. She signed for a $200 a month salary in her contract but in reality, she only gets $150.
Hindi rin ito ang unang pagkakataon na makakarinig tayo ng mga kuwento ng mga OFW na nasadlak na sa mga consulate office na tulad nang nasa Jordan. Tumakbo dila doon para sila ay matulungan, ngunit ang umiiral na sistema sa malayong tanggapan na kumakatawan sa Pamahalaan ng Pilipinas ang masakit man aminin ay tila lalo pang nagpapahirap sa kanila.
Pero — kailangan bang magka-giyera tulad nang nangyari sa Lebanon para maiuwi sila dito nang maramihan? Magawa na may eroplano na ginastusan ng Pamahalaan para sila ay makauwi sa Pilipinas?
Oo—karamihan sa kanila—sabihin na nating 90% ay maaaring illegal workers, mga biktima ng illegal recruitment, minsan, hindi naman mga bulag na biktima, kundi pikit-matang hinahayaan sila ay maging biktima, kapit sa patalim sa kasabihan nga nating mga Pilipino–makalaban lang sa buhay, may kitain langm maabot lang ang kanilang mga pangarap.
You know why?
Ang kasagutan kasi sa pangarap na iyon ay mahirap na matanaw sa loob ng bansang kanilang sinilangan.
Si Mary Anne—nang kausap ko ay sinabing, yung kapatid daw ng kasintahan niya ay nakakulong sa Kuwait, DH din daw, biktima ng pagmamaltrato pero tila ang nakampihan daw ay yung employer. Inisa-isa pa ni Mary Anne ang iba pang kuwento ng kanyang mga nakasama sa consulate ng Jordan—sabi niya–kung puwede lang daw na isama niyang lahat ang mga iyon pauwi.
Pero alam ninyo ba kung ano ang nagmarkang salita sa akin ni Mary Anne nang kami ay maghiwalay noong hapon na siya ay makausap ko?
Sa kabila ng mapait na karanasan niya sa Jordan—-tama kayo—-nagbabalak na naman siyang umalis ng bansa at muling makipagsapalaran bilang domestic helper pa rin. Sa pagkakataong ito—isang trabaho bilang DH sa Hongkong ang kanyang sinisipat.
"Hindi naman siguro mahirap maging DH sa Hongkong at saka maraming Pilipino dun, di ba ma'am?" tanong pa niya sa akin na tila nais na segundahan ko ang plano niya na sige Mary Anne, mag-aplay ka uli bilang DH sa Hongkong.
But the truth is, I wanted to tell her not to pursue her plan. I want to tell her to just continue her studies and go back to Cagayan.
Pero—alam ko rin ang katotohanan.
May mga kapatid at magulang na umaasa sa kanya.
"Walang trabaho sa probinsiya ma'am, maliit naman kung dito sa Maynila ako magtatrabaho, wala akong maipapadala sa mga magulang ko," pagbibigay katwiran ni Mary Anne na tila nabasa ang nais kong ipahiwatig ngunit hindi masambit.
Naghiwalay kami na ang pangako ko ay gagawin ang aking makakaya upang matulungan ang mga kapwa niya OFW na nagnanais nang makauwi sa bansa.
Isang tao ang nasa isip ko, na sa katunayan, natawagan ko na at ang paunang sabi sa akin ay , "mahirap kasing makauwi ang mga iyan dahil mga illegal workers."
Pero hindi naman ako nawalan ng pag-asa. Magkikita kami sa kanyang tanggapan—mas mailalahad ko nang buo ang kuwentong naiparating sa akin. And maybe, just maybe, he will use his position, power and influence to help those OFWs in Jordan, those that wanted to go home but do not have the means.
Hanggang dun ang maipapangako ko sa kanya—sabi ko kay Mary Anne at umaasam ako na may makabuluhang hakbang na mangyari dito.
Sana—kapag nakauwi na sila sa bansa, hindi na nila naisin pang umalis muli at makipagsapalaran sa isang estrangherong bansa na gaya ng Jordan.
Pero alam ko naman ang totoo. Paki-sampal nga ako please….for I am only dreaming. (wakas)
Have you seen Stalking Jihad on YOU TUBE?
November 2, 2007Stalking Jihad is the documentary made for television by Wild Eyes Production for the History Channel in the United States.
Dito sa Pilipinas ginawa ang karamihan sa mga interview na naroon, mga key players and resource persons sa documentary written and narrated by Mark Bowden.
Why is that so? It's because the documentary is about the manhunt and military operation on the rescue of the American couple Martin and Gracia Burnham and in the process, the neutralization of one of the key leaders of the Abu Sayyaf Group, Aldam Tilao alias Abu Sabaya.
Dito din sa Pilipinas ang setting ng shooting ng recreation scenes doon. Recreation scenes are also referred to as re-enactment scenes.
Isa ako sa resource persons sa docu na yan na nang i-shoot dito ang recreation scenes—ako na rin ang kinuha nilang Philippine Producer/Fixer. Ang panget pakinggan ng salitang fixer dito sa atin pero ang ibig sabihin lamang nito ay isang coordinator ng main production company na makakatuwang nila sa pagbuo ng dokumentaryo dito.
The job entails coordination, seeking permits for shooting, arranging interviews, scouting and auditioning for talents/actors and actresses etcetera, etcetera.
Malaking bahagi din ng naging papel ko as Philippine Producer ng Stalking Jihad ay ang on-the spot input on how the scenes were staged dahil ako rin yung totoong reporter na naka-exclusive nito sa totoong buhay. On the set, tawag nila sa akin—Assistant Direk na rin.
Pero — those 4 very tiring, stressful but very fulfilling days in Ternate and Subic — ang tawag ko sa sarili ko, aliping sagigilid, kunwari bosing lang, he-he!
To tell you frankly, I have not seen it in full—just a glimpse — kasi dial up pa rin ang lolah ninyo at kabagalan galore ang downloading nito. Opo–kukuha naman ng broadband—tao lang, 'sensiya na, dami lang ginagawa, alipin nga, remember?
Hintayin ko na lang yung kopya straight from Ryan, ang producer from the Wild Eyes Production Team.
Sa credits ng Stalking Jihad—kakaunti lang ang mga pangalan na mababasa dun—kasi ang explanation ni Ryan—maiksi lang talaga alloted time nila sa CBB, kaya para mailagay ang iba—-pati daw name niya inalis na niya. Wow!, sakripisyo ang lolo! Kakabilib!
So sa lahat ng nakatuwang ko sa produksiyong ito, lalo na sa grupo ni Wanda Lomibao—-let me inform everyone that I am coordinating an exclusive viewing dito sa Pilipinas as promised.
I am also coordinating with a major network, local, kung interested silang ipalabas ito dito. The move is coordinated with Wild Eyes through Ryan who in turn is coordinating it with The History Channel.
Sana umabot ang mga pagbibitiw ng desisyon in time before the anniversary of the Philippine Marines on November 9 na bida sa docu na ito. Am sure the Philippine Army will have a different comment—pero again, wala kaming kinalaman sa content, kaming lahat na naging bahagi ng lokal na produksiyon…hmmm mabuti na ang malinaw.
I will also use this space and te upcoming magazine to tell other behind the scenes stories na hindi ma-accomodate dun sa Stalking JIhad na wala naman tayo lahat kontrol on the final output.
I was told by those who saw it that it was something that we can all be proud of.
Si Rey Mercaral of RMN who played Abu Sabaya got feedback from his relatives in the US that it was well received.
For all my friends in the US who e-mailed me about Stalking Jihad and who enjoyed and felt proud seeing it—salamat, maraming salamat.
Sana — makita rin ito rito sa Pilipinas at hindi sa YOU Tube lang, although, nothing wrong with that, iba lang kasi kung isang local RP network din ang mag-ere nito.
My views on the docu?Hmmmm….idol ko si Mark Bowden, pero iba pa rin ang pagsusulat ng isang nakatingin mula sa labas kaysa sa mismong nakakita at nakaranas ng kuwentong ito.
The docu tells much—but not everything. Siguro—-ako talaga ang dapat na magkuwento sa kabuuan. he-he! (wakas)
Atty. Persida Acosta — as the next Comelec Chairperson, bakit nga ba hindi?
November 1, 2007
The week after the absolute pardon given by President Gloria Macapagal-Arroyo to former President Joseph Estrada, Malacañang released a list of possible candidates for the vacant positions in the Commission on Elections—the position of the Chairman included.
Karamihan sa mga pangalang naroon ay mga personalidad sa kampo ng oposisyon tulad nina dating senador Atty. Rene Saguisag at Congressman Rufus Rodriguez.
Naniniwala ako sa kakayanan at integridad ng dalawa, pero ang pagkakasama ng pangalan nila sa listahan, possible candidates lang naman, ay may bahid na naman ng duda. Ano ito? Political accomodation? Part ng healing process sa pulitika?
Nothing wrong with accomodation, certainly nothing wrong with pursuing a genuine reconciliation between the so called EDSA 1, 2 and 3 factions but the task of bringing back the integrity of the poll body is another thing.
To accomodate the need to bring back the integrity of the commission, the president, if I may suggest, need not look far.
May mga naitalaga sa kanyang pamahalaan, sa hindi mga gaanong kontrobersiyal na puwesto na nagpapamalas ng tunay na serbisyo publiko.
I am not making an endorcement. Hindi naman ako pakikinggan, he-he! Blog ko naman ito—puwes—ilagay ang palagay.
Kahapon—nalaman ko, by accident, naging bahagi lang ng kuwentuhan, na si Atty. Persida Acosta pala na pinuno ng Public Attorney's Office o PAO ay isa sa mga napipisil na irekomenda ng PPCRV o ng Philippine Pastoral Council for Responsible Voting na pinamumunuan ni Henrietta de Villa.
Oo nga naman!!!
Bakit hindi?
As head of PAO in the last seven years, Acosta has a proven track record of really professionalizing the office assigned to her. Sa kanyang termino nabuo ang tinatawag na PAO Law na naglalayong mas palakasin ang ahensiya na ang isa sa mga tampok na proyekto ay ang pagtataas ng allowance ng bawat PAO lawyer na katumbas ng kanilang basic monthly salary bilang mga civil servants.
Ibang kuwento pa ang sa wakas ay ginawa niyang paglilibot sa mga kulungan, sa mga provincial at regional jails na ang layunin ay matulungan nang libre ang mga nakapiit na dapat nang mapalaya.
May mga kaso kasi sa mga piitan at alam ko ito bilang mamamahayag na nakagawa na ng istorya sa maraming kulungan sa bansa, na ilang taon nang nakakulong—wala pa palang pormal na naisasampang kaso.
The move to give free legal assistance to detainees and inmates is part of the government's effort to decongest the already crowded municipal, city, provincial and regional jails. Pero more than the move to decongest, ang hakbang na ito ay isa ring hakbang na mabigyan na ng hustisya ang mga dapat na makatamo nito.
Paano kung ikaw ay napagbintangan ng isang krimen ngunit wala ka palang kasalanan, wala pang kaso laban s iyo, pero naikulong ka na, at ang masakit pa, parang walang gustong ilabas ka ng kulungan, hindi ka naman makatakas, dahil mas maraming totoong kuwento ng takas, na " in aid of something"–lalo na sa mga piitan sa bansa.
Hindi natakot si Atty. Acosta na kontrahin minsan ang opinyon ng administrasyon sa Death Penalty na naging daan ng abolisyon nito. A clear demonstration of independece to the appointing power.
Hindi rin natakot si Atty. Acosta na tulungan ang mga dating sundalo na nakulong sa MUNTI dahil sa kaso ng Ninoy Aquino-Rolando Galman case.
May isa pang malaking kaso na hindi natatakot na harapin si Atty. Acosta at dahil sa pangako ko sa kanyang ititikom ko muna ang bibig ko dito, sana ay ako nga ang maka-ISKUP nito at maisulat sa The Philippine Daily Inquirer na nakatitiyak akong hindi matatakot o matitinag na ilabas ang anggulong ito sa isang kontrobersiyal na kuwento ng isang krimen na hanggang ngayon ay sumisigaw ng katarungan.
I have seen COMELEC when the likes of the late Atty. Haydee Yorac was there and I miss those days. Ang sarap i-cover ng Comelec—hindi kasi sila ang nasa sentro ng kontrobersiya noong mga panahong iyon–kundi ang nsa sentro ng kontrobersiya ay ang mga kaso at personalidad na hindi nila inurungang siyasatin at papanagutin.
Ipinikit ko sumandali ang aking mata, I do believe in the power of visualization and the power of positive thinking.
Sa pagpikit ko, nakita ko ang isang bagong simula para sa Comelec—at nakita ko na isang Atty. Persida Acosta ang nakaupo sa en banc ng Comelec sa Intramuros, isang pinuno ng Comelec na alam kong gagawin ang lahat maibalik lamang ang tiwala ng taongbayan sa proseso ng eleksiyon at demokrasya sa kabuuan.
Hindi ito PR, hindi ito endorsement—blog ko ito–kaya please—pagbigyan akong magbigay ng suporta sa mga taong karapat-dapat. (wakas)













