Home » Post Item » Atty. Persida Acosta — as the next Comelec Chairperson, bakit nga ba hindi?
To be a journalist is to be a fearless and incisive "inquirer" that dares to "chronicle" history without fear or favor;

To be a journalist is to act like a "tribune" that essays the truthful "journal" of every story of our "times", big or small, front page or inside page, "BIG NEWS" or even the last story before the closing credits roll;

To be a journalist is to hold a "mirror" in front of you to regularly and faithfully check the convictions and principles of what a "free press" truly stands for;

To be a journalist is to sometimes embrace your own celebrity and be a "star" that sets and upholds the "standards" of what the Filipinos of " today " are fighting for;

Ang maging mamamahayag ay tulad ng isang "bulgar" na pahina na hindi puwedeng maging sisidlan ng anumang pagbaluktot sa katotohanan, bagkus siya pa ngang lagusan upang ito ay mai-"bandera" at mai-"balita" ang mga kuwentong dapat na marining at ma-"tiktikan."

Ang maging mamamahayag ay ang pagsisiguro ng pananatili at pagsulong ng isang "malaya" at walang kinikilingang pag-"PAPATROL" , sa bawat araw, "24-0ras" dahil ang bawat kuwento ay kailangang pulsuhan, may buhay, tila isang "NEWSBEAT" na kailangang ma-"CAPTURED" dahil walang take two sa isang breaking news, walang cut, walang re-take;

Ang maging mamamahayag ay maging "SAKSI" sa "SENTRO" ng bawat pahina ng kasaysayan upang ito ang mai-"BANDILA" sa sambayanan;

Ang maging mamamahayag ay DAPAT laging sa NGALAN NG KATOTOHANAN AT TUNAY NA PAGLILINGKOD.




Atty. Persida Acosta — as the next Comelec Chairperson, bakit nga ba hindi?

November 1, 2007

 

 

 

The week after the absolute pardon given by President Gloria Macapagal-Arroyo to former President Joseph Estrada, Malacañang released a list of possible candidates for the vacant positions in the Commission on Elections—the position of the Chairman included.

Karamihan sa mga pangalang naroon ay mga personalidad sa kampo ng oposisyon tulad nina dating senador Atty. Rene Saguisag at Congressman Rufus Rodriguez.

Naniniwala ako sa kakayanan at integridad ng dalawa, pero ang pagkakasama ng pangalan nila sa listahan, possible candidates lang naman, ay may bahid na naman ng duda. Ano ito? Political accomodation? Part ng healing process sa pulitika?

Nothing wrong with accomodation, certainly nothing wrong with pursuing a genuine reconciliation between the so called EDSA 1, 2 and 3 factions but the task of bringing back the integrity of the poll body is another thing.

To accomodate the need to bring back the integrity of the commission, the president, if I may suggest, need not look far.

May mga naitalaga sa kanyang pamahalaan, sa hindi mga gaanong kontrobersiyal na puwesto na nagpapamalas ng tunay na serbisyo publiko.

I am not making an endorcement. Hindi naman ako pakikinggan, he-he! Blog ko naman ito—puwes—ilagay ang palagay.

Kahapon—nalaman ko, by accident, naging bahagi lang ng kuwentuhan, na si Atty. Persida Acosta pala na pinuno ng Public Attorney's Office o PAO ay isa sa mga napipisil na irekomenda ng PPCRV o ng Philippine Pastoral Council for Responsible Voting na pinamumunuan ni Henrietta de Villa.

Oo nga naman!!!

Bakit hindi?

As head of PAO in the last seven years, Acosta has a proven track record of really professionalizing the office assigned to her. Sa kanyang termino nabuo ang tinatawag na PAO Law na naglalayong mas palakasin ang ahensiya na ang isa sa mga tampok na proyekto ay ang pagtataas ng allowance ng bawat PAO lawyer na katumbas ng kanilang basic monthly salary bilang mga civil servants.

Ibang kuwento pa ang sa wakas ay ginawa niyang paglilibot sa mga kulungan, sa mga provincial at regional jails na ang layunin ay matulungan nang libre ang mga nakapiit na dapat nang mapalaya.

May mga kaso kasi sa mga piitan at alam ko ito bilang mamamahayag na nakagawa na ng istorya sa maraming kulungan sa bansa, na ilang taon nang nakakulong—wala pa palang pormal na naisasampang kaso.

The move to give free legal assistance to detainees and inmates is part of the government's effort to decongest the already crowded municipal, city, provincial and regional jails. Pero more than the move to decongest, ang hakbang na ito ay isa ring hakbang na mabigyan na ng hustisya ang mga dapat na makatamo nito.

Paano kung ikaw ay napagbintangan ng isang krimen ngunit wala ka palang kasalanan, wala pang kaso laban s iyo, pero naikulong ka na, at ang masakit pa, parang walang gustong ilabas ka ng kulungan, hindi ka naman makatakas, dahil mas maraming totoong kuwento ng takas, na " in  aid of something"–lalo na sa mga piitan sa bansa.

Hindi natakot si Atty. Acosta na kontrahin minsan ang opinyon ng administrasyon sa Death Penalty na naging daan ng abolisyon nito. A clear demonstration of independece to the appointing power.

Hindi rin natakot si Atty. Acosta na tulungan ang mga dating sundalo na nakulong sa MUNTI dahil sa kaso ng Ninoy Aquino-Rolando Galman case.

May isa pang malaking kaso na hindi natatakot na harapin si Atty. Acosta at dahil sa pangako ko sa kanyang ititikom ko muna ang bibig ko dito, sana ay ako nga ang maka-ISKUP nito at maisulat sa The Philippine Daily Inquirer na nakatitiyak akong hindi matatakot o matitinag na ilabas ang anggulong ito sa isang kontrobersiyal na kuwento ng isang krimen na hanggang ngayon ay sumisigaw ng katarungan.

I have seen COMELEC when the likes of the late Atty. Haydee Yorac was there and I miss those days. Ang sarap i-cover ng Comelec—hindi kasi sila ang nasa sentro ng kontrobersiya noong mga panahong iyon–kundi ang nsa sentro ng kontrobersiya ay ang mga kaso at personalidad na hindi nila inurungang siyasatin at papanagutin.

Ipinikit ko sumandali ang aking mata, I do believe in the power of visualization and the power of positive thinking.

Sa pagpikit ko, nakita ko ang isang bagong simula para sa Comelec—at nakita ko na isang Atty. Persida Acosta ang nakaupo sa en banc ng Comelec sa Intramuros, isang pinuno ng Comelec na alam kong gagawin ang lahat maibalik lamang ang tiwala ng taongbayan sa proseso ng eleksiyon at demokrasya sa kabuuan.

Hindi ito PR, hindi ito endorsement—blog ko ito–kaya please—pagbigyan akong magbigay ng suporta sa mga taong karapat-dapat. (wakas)

 

 


Posted by pagesbyarlyndelacruz at 2:56 pm | permalink

Previous Comments

BAKIT TSONG DI KA MAG IMESTIGA SINO SI ATTY. ACOSTA? WALA ITONG PUSO SA MGA PAO LAWYERS AT STAFF, PARANG MGA BASURA TURING NYA SA AMIN AT NAMAMAHIYA, NANINIGAW KALA MO ANGEL SA MEDIA. MATAKAW SA PUBLICITY LALO NA SA AQUINO-GALMAN CASE. PALITAN YAN

Posted by NONOY at January 16, 2008, 3:57 pm

i disagree sa yo “NONOY”. I’m a PAO lawyer assigned in the central office and i know for a fact how gud a person is ATTY. ACOSTA.u r making an allegation, which as a lawyer, u should know that u have the burden ofr proving.

If our Chief (as what we called atty. ACOSTA) is indeed heartless, why on earth would she still bother to keep a vigilant eye on the full implementation of the PAO law? Sino ba makikinabang sa PAO law na yun? D ba mga PAO lawyers and staff?

Atty. Acosta is a very reasonable person, very motherly, very kindhearted and very STRICT but on reasonable grounds.

Tao lang siya na marunong magalit kapag me staff at me pao lawyer na nagkakamali.

I dont like to state the obvious coz we are siblings in the legal profession, that is assuming, you are indeed a lawyer.

pero kung lawyer wanna-be ka lng, my advice is for you to watch your language before you point an accusatory finger to a noble lady.

gusto mo ng investigation? sige, i challenge you. feel free to visit us or our Chief at our Office in the LRA compound, DOJ bldg, at East Avenue Quezon City.

Posted by baby at June 23, 2008, 11:37 am

BABY, You’re right.

NONOY, kung maninira ka lang ng tao. Siguraduhin mo na tama at totoo. Okay?

Posted by pinky at January 16, 2009, 7:37 pm

kung sino ka man nonoy, sabihin mo iyan sa harap mismo ng chief ng PAO. hindi ung tumitira ka ng patalikod. okay? isa ka siguro sa mga dinisiplina dahil sa pangongotong sa mga mahihirap na clients? ano?

Posted by valentine at January 16, 2009, 7:40 pm

pwede ko po ba malaman kung paano ko mako contact si atty. persida acosta kasi gusto ko lang ihingi ng tulong ang pinsan ko na niloko ng isang tao.

Posted by alan at March 20, 2009, 12:53 pm

Good day!
meron po bang nakakaalam ng contact number or office address ni Atty Acosta?
thanks much!

-jaz-

Posted by jaz at May 14, 2009, 12:55 pm

alan, punta ka sa PAO sa NIA ROAD corner east Ave. QC . aNG ALAM ko dun office ni Atty.

Posted by paul at May 14, 2009, 7:39 pm

Good day!!!!

gs2 ko lang po sna mlman ang ofis and contact no. ni atty. acosta. gs2 ko lng po sna humingi ng tulong s knya. alm ko kc n mrmi n cya natulungan.

Posted by mitch at June 16, 2009, 11:31 am

TO : ATTY. ACOSTA
Ako po si Mary Ann Diaz from Cainta Rizal, brother ko po si Mark Diaz na isa sa mga pasahero ng lumubog na barko na MV PRINCESS OF THE STAR last year. Nakita ko po ang brother ko sa Albay. After po makita ang brother ko ay na interview po ako ng TV PATROL pati na din si James Go, na representative ng Sulpicio Lines. Nangako po siya na tutulungan kami sa lahat ng gasatos para mauwi namin ang brother ko. Pero inabot na kami ng gabi ay wala pa rin ang dumarating na tulong na sinasabi nila ng Mayor ng Pasacao. At may mga masasama pa po sinabi sa kin ang Mayor na yun. Kaya ako na po gumawa ng paraan para mauwi ang brother ko. Dahil sa takot ni James Go na magpa media ako ay nangako siya sa kin thru text na tutulungan nya ako para makapag claim sa Sulpicio including Insurance, gastos sa pag uwi ng bro. ko at pati na din ang mga gamit niya. Pero nung time na pagpunta namin sa Sulpicio Line ay pinagtataguan pa kami ng mga tao dun at sinabi na Insurance lang ang babayaran sa min at hindi natupad ang mga ipinangako sa kin ni James Go. Gaya po ng ibang kapamilya ng mga biktima sa trahedyang iyon, nais po namin mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng bro. ko pati pa ang ibang pasahero na hanggang ngayon ay wala pang hustisya. Isang taon na po ang nakakaraan , parang ibinaon na lang sa limot ang masaklap na trahedyang pangyayari na yun,sa 800 katao na nakasakay sa barko ng Sulpicio. Wala pa din kaming hustisya na nakukuha. Marami na pong kasong gaya nito na napabayaan na, parang nabalewala na lang at patuloy pa din nagpapayaman ang may sala a nag pamilya ng mga biktima ay patuloy na nagluluksa at humihingi ng katarungan..Nais ko po sana sampu ng aking pamilya na humingi ng tulong sa inyo para mapursige po namin ang kaso na ito at kung may laban po ba kami sa kaso na ito? May mga ebidensya po akong maipapakita at maibibigay sa kapabayaan na ginawa nila sa min..Maraming Salamat po at umaasa po kami sa inyong reply…GOD BLESS US ALL…

Posted by MARY ANN DIAZ at June 22, 2009, 11:05 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment