Home » Archives » 03. November 2007
To be a journalist is to be a fearless and incisive "inquirer" that dares to "chronicle" history without fear or favor;

To be a journalist is to act like a "tribune" that essays the truthful "journal" of every story of our "times", big or small, front page or inside page, "BIG NEWS" or even the last story before the closing credits roll;

To be a journalist is to hold a "mirror" in front of you to regularly and faithfully check the convictions and principles of what a "free press" truly stands for;

To be a journalist is to sometimes embrace your own celebrity and be a "star" that sets and upholds the "standards" of what the Filipinos of " today " are fighting for;

Ang maging mamamahayag ay tulad ng isang "bulgar" na pahina na hindi puwedeng maging sisidlan ng anumang pagbaluktot sa katotohanan, bagkus siya pa ngang lagusan upang ito ay mai-"bandera" at mai-"balita" ang mga kuwentong dapat na marining at ma-"tiktikan."

Ang maging mamamahayag ay ang pagsisiguro ng pananatili at pagsulong ng isang "malaya" at walang kinikilingang pag-"PAPATROL" , sa bawat araw, "24-0ras" dahil ang bawat kuwento ay kailangang pulsuhan, may buhay, tila isang "NEWSBEAT" na kailangang ma-"CAPTURED" dahil walang take two sa isang breaking news, walang cut, walang re-take;

Ang maging mamamahayag ay maging "SAKSI" sa "SENTRO" ng bawat pahina ng kasaysayan upang ito ang mai-"BANDILA" sa sambayanan;

Ang maging mamamahayag ay DAPAT laging sa NGALAN NG KATOTOHANAN AT TUNAY NA PAGLILINGKOD.




Almost 200 PINOYS in Jordan want to go home, care to help, anyone?

November 3, 2007

 

 

A fellow journalist who is no longer that active in the media was the one who connected me to Filipinos, mostly women, who are staying in the Philippine Consulate Office in Jordan. Actually the appropriate word here is overstaying.

I spoke to three of them on the phone, inlcuding the male Filipino guard assigned at the embassy and met one who managed to go back to the country—and confirmed to me the stories relayed to me on the cellphone. Stories of pain and sufferings and of the uncertainty of when they will be able to come back home to the Philippines and to their respective families. Ang sabi ng nakausap ko sa telepono, nasa 192 daw sila doon. Sabi naman ng nakausap ko sa isang food court sa isang mall sa Pasig, nasa 230 daw ang bilang ng mga Pilipino na nasa Consulate Office ng Jordan nang siya ay umalis.

Ang nakausap ko ay si Mary Anne Arellano Umoquit, 21 taong gulang at taga Buguey, Cagayan, isang Ilokana na sa unang paghaharap pa lamang namin ay madali ko nang nakita kung bakit nakatakas siya. Malakas ang personalidad, yung tipong hindi paaapi, hindi padedehado, lalaban at hahanapin ang kanyang kalayaan at kaligtasan.

September 10, 2007 siya nang dumating sa bansa mula sa Jordan.

Ang kuwento niya sa akin—-talagang hindi siya pumayag na wala siyang ebidensiya na siya ay minamaltrato ng kanyang amo. Kung dati rati ay natitiis niya na ikinukulong siya sa banyo at hindi pinapakain, nang huli daw siyang saktan nito, hindi siya nanlaban nang husto pero sinuguro na may pasang maiiwan sa kanyang katawan—saka siya tumakas, nag-"run-away" yun ang termino nilang mga Pinoy, mostly mga kababaihan na naglilingkod bilang domestic helpers sa mga bansa sa Gitnang Silangan, kasama na ang Jordan.

"Hay naku ma'am—-nang nag-hearing sa korte doon—ako ang pinaboran at ang amo ko ang nagbayad ng plane ticket ko pabalik sa Pilipinas, " kuwento pa ni Mary Anne.

But while she is now safe here in the Philippines and can just relax and start anew, Mary Anne is bothered by one glaring reality that she saw at the office of the Philippine Consulate in Jordan.

"Ma'am, kawawa sila dun, marami na ang may goiter dahil sa klase ng pagkain nila dun, minsan noodles na walang asin man lang, halos lampas sa 200, merong nabubuntis na dun, may taon na ang binilang na dun nag-stay sa consulate, parang preso na rin, dahil di rin naman makalabas, wala raw kasing pera para mapabalik sila sa Pilipinas, yung iba sila pa ang pinipilit na magbayad uli sa employer nila, hindi rin sila tinutulungan ng agency na kumuha sa kanila," tulog-tuloy na kuwento ni Mary Anne sa akin.

The story that Mary Anne told me is not the first one told about the sad state of many Filipinos forced to leave their love ones to work miles away from home to earn enough money to support their love ones back here in the Philippines.

Mary Anne by the way is just earning $150-dollars a month as domestic helper. She signed for a $200 a month salary in her contract but in reality, she only gets $150.

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na makakarinig tayo ng mga kuwento ng mga OFW na nasadlak na sa mga consulate office na tulad nang nasa Jordan.  Tumakbo dila doon para sila ay matulungan, ngunit ang umiiral na sistema sa malayong tanggapan na kumakatawan sa Pamahalaan ng Pilipinas ang masakit man aminin ay tila lalo pang nagpapahirap sa kanila.

Pero — kailangan bang magka-giyera tulad nang nangyari sa Lebanon para maiuwi sila dito nang maramihan? Magawa na may eroplano na ginastusan ng Pamahalaan para sila ay makauwi sa Pilipinas?

Oo—karamihan sa kanila—sabihin na nating 90% ay maaaring illegal workers, mga biktima ng illegal recruitment, minsan, hindi naman mga bulag na biktima, kundi pikit-matang hinahayaan sila ay maging biktima, kapit sa patalim sa kasabihan nga nating mga Pilipino–makalaban lang sa buhay, may kitain langm maabot lang ang kanilang mga pangarap.

You know why?

Ang kasagutan kasi sa pangarap na iyon ay mahirap na matanaw sa loob ng bansang kanilang sinilangan.

Si Mary Anne—nang kausap ko ay sinabing, yung kapatid daw ng kasintahan niya ay nakakulong sa Kuwait, DH din daw, biktima ng pagmamaltrato pero tila ang nakampihan daw ay yung employer. Inisa-isa pa ni Mary Anne ang iba pang kuwento ng kanyang mga nakasama sa consulate ng Jordan—sabi niya–kung puwede lang daw na isama niyang lahat ang mga iyon pauwi.

Pero alam ninyo ba kung ano ang nagmarkang salita sa akin ni Mary Anne nang kami ay maghiwalay noong hapon na siya ay makausap ko?

Sa kabila ng mapait na karanasan niya sa Jordan—-tama kayo—-nagbabalak na naman siyang umalis ng bansa at muling makipagsapalaran bilang domestic helper pa rin. Sa pagkakataong ito—isang trabaho bilang DH sa Hongkong ang kanyang sinisipat.

"Hindi naman siguro mahirap maging DH sa Hongkong at saka maraming Pilipino dun, di ba ma'am?" tanong pa niya sa akin na tila nais na segundahan ko ang plano niya na sige Mary Anne, mag-aplay ka uli bilang DH sa Hongkong.

But the truth is, I wanted to tell her not to pursue her plan. I want to tell her to just continue her studies and go back to Cagayan.

Pero—alam ko rin ang katotohanan.

May mga kapatid at magulang na umaasa sa kanya.

"Walang trabaho sa probinsiya ma'am, maliit naman kung dito sa Maynila ako magtatrabaho, wala akong maipapadala sa mga magulang ko," pagbibigay katwiran ni Mary Anne na tila nabasa ang nais kong ipahiwatig ngunit hindi masambit.

Naghiwalay kami na ang pangako ko ay gagawin ang aking makakaya upang matulungan ang mga kapwa niya OFW na nagnanais nang makauwi sa bansa.

Isang tao ang nasa isip ko, na sa katunayan, natawagan ko na at ang paunang sabi sa akin ay , "mahirap kasing makauwi ang mga iyan dahil mga illegal workers."

Pero hindi naman ako nawalan ng pag-asa. Magkikita kami sa kanyang tanggapan—mas mailalahad ko nang buo ang kuwentong naiparating sa akin. And maybe, just maybe, he will use his position, power and influence to help those OFWs in Jordan, those that wanted to go home but do not have the means.

Hanggang dun ang maipapangako ko sa kanya—sabi ko kay Mary Anne at umaasam ako na may makabuluhang hakbang na mangyari dito.

Sana—kapag nakauwi na sila sa bansa, hindi na nila naisin pang umalis muli at makipagsapalaran sa isang estrangherong bansa na gaya ng Jordan.

Pero alam ko naman ang totoo. Paki-sampal nga ako please….for I am only dreaming. (wakas)

 

Posted by pagesbyarlyndelacruz at 10:54 pm | permalink | Add comment