Home » Post Item » Pinakbet o pakbet man ang tamang tawag, this ulam is still my BET!
To be a journalist is to be a fearless and incisive "inquirer" that dares to "chronicle" history without fear or favor;

To be a journalist is to act like a "tribune" that essays the truthful "journal" of every story of our "times", big or small, front page or inside page, "BIG NEWS" or even the last story before the closing credits roll;

To be a journalist is to hold a "mirror" in front of you to regularly and faithfully check the convictions and principles of what a "free press" truly stands for;

To be a journalist is to sometimes embrace your own celebrity and be a "star" that sets and upholds the "standards" of what the Filipinos of " today " are fighting for;

Ang maging mamamahayag ay tulad ng isang "bulgar" na pahina na hindi puwedeng maging sisidlan ng anumang pagbaluktot sa katotohanan, bagkus siya pa ngang lagusan upang ito ay mai-"bandera" at mai-"balita" ang mga kuwentong dapat na marining at ma-"tiktikan."

Ang maging mamamahayag ay ang pagsisiguro ng pananatili at pagsulong ng isang "malaya" at walang kinikilingang pag-"PAPATROL" , sa bawat araw, "24-0ras" dahil ang bawat kuwento ay kailangang pulsuhan, may buhay, tila isang "NEWSBEAT" na kailangang ma-"CAPTURED" dahil walang take two sa isang breaking news, walang cut, walang re-take;

Ang maging mamamahayag ay maging "SAKSI" sa "SENTRO" ng bawat pahina ng kasaysayan upang ito ang mai-"BANDILA" sa sambayanan;

Ang maging mamamahayag ay DAPAT laging sa NGALAN NG KATOTOHANAN AT TUNAY NA PAGLILINGKOD.




Pinakbet o pakbet man ang tamang tawag, this ulam is still my BET!

November 8, 2007

   

 Yes, I DID IT AGAIN!

Sa dami ng masasarap na putahe sa restaurant na kinainan ng two new mother and daughter team na friends ko, pinakbet ( o pakbet nga!) na naman ang inorder ko.

Kung sa iba , ang safe na order from the menu ay pansit o kaya ay spaghetti, lalo na kung medyo masasalimuot ang pamagat ng menu (pamagat daw o!)—in my case, kumplikado man o hindi ang nasa menu—-ewan ko ba, lagi at laging lalabas sa bibig ko—-ang bilis pa ng mata—automatic—sa vegetable menu—TING! — ayun meron…"Ako pakbet!"

At dahil new friends nga ang kasama ko, akala nila—-gusto ko lang i-try that night, coz ang comment nila — "tama para may gulay tayo."

What they did not but am sure they will eventually find out, is that, this woman of 37 years is so addicted to pakbet na sa bahay nga—ang dayalog ng mga kasama sa bahay, "pakbet na naman ang ulam?"

May automatic sagot din naman ako—"Kaunti lang ang niluto ko, para sa akin lang, yung may gusto lang na makikain ang kumain."

Nope–it's not an everyday dish naman po. Hmm….sige—sabihin na lang natin na sa loob ng isang linggo, hindi puwedeng makalampas na di ako kakain ng pakbet kaya on this particular night out with new pals—muli ay nagpakabusog ako sa ulam na hinding-hindi ko tatanggihan, saan mang dako ng kapuluan ko masumpungan.

There are many ways of cooking pakbet, pero ang isa sa pinaka-matinding istilo ng pagluluto ko nito ay nakita ko sa bahay na kinalakihan noon ni dating pangulo Ferdinand Edralin Marcos sa Batac, Ilocos Norte noong 1994, noong ibinurol ang naka-wax na labi ng dating strongman at halos hindi mabilang ang dami ng tao sa lansangan ng Laoag at mga kalapit na bayan na tulad nga ng Batac.

I was there of course to cover the story and all the side stories. Nakisakay ako sa rented coaster noon ng mga miyembro at opisyal ng mga sundalong tapat sa dating pangulo, katulad ni Gen. Zumel. Then Captain Dani Lim, now a general but detained in Camp Capinpin in Tanay, Rizal, was also among the passengers of that coaster that traveled for 14 long hours from Manila to Ilocos Norte for the historic coming home of the remains of Macoy.

Sa 14 hours na iyon–hinayaan kong madiskubre nila ang aking talento sa pag-awit at aminin man o hindi ngayon ng kaibigang Dani Lim—I gave them a very heartfelt and sincere rendition, a cappela of their theme song "IF WE HOLD ON TOGETHER".

Pero bago mauwi sa kuwento ng aking singing career ang piyesang ito—-balik na agad sa aking pakbet for all seasons.

Sa lumang bahay ng angkan ng mga Marcos sa Batac kami nagpalipas ng gabi. Marami ring kuwarto doon pero hindi kasing dami ng kuwarto sa main house ng pamilya mismo ni Macoy (First Lady IRM at mga anak).

Dahil sa a. namamahay; b. namamangha sa bahay; c. excited sa coverage at d. all of the above—hindi ako nakatulog ng mahabang oras at maagang nagising. (answer: d.)

Sa aga ng gising ko, nabungaran ko ang kay-aga pa lamang ay napaka-abala nang kusina ng mga kamag-anak ni FM. ( sa mga bagong henerasyon na makakabasa nito, hindi po FM station, FM as in Ferdinand Marcos, isa sa tawag din kay Macoy).

Sa kusina—isa sa mga putaheng inihahanda, bukod pa sa longganisang Batac na sabi nila ay mas masarap ang timpla sa Longganisang Vigan na mas popular ( na mukhang totoo nga after I tasted it) …walang iba kundi—-surprise pa ba?—pakbet po!

Doon ko nakita yung version ng pakbet na may halong tomato sauce, kaunti lang naman, bukod pa sa mismong pulang-pulang kamatis, opo, eto yung version na ginigisa—pero hindi lutong-luto ang gulay ha na ang isa sa sahog na minsan wala sa ibang version ng pakbet ay yung bunga ng malunggay.

"Bagnet" ang kasamang panangkap dito na sa mga hindi pa nakakalam kung ano yung bagnet—parang lechon kawali lang ito na super natimpla na.

Sabi sa akin ng isang "manang" na nagluluto, yun daw ang paborito ni FM, yung ganung luto, pero minsan daw, yung basta pakukuluan na lang at kakatas ang sariling sabaw ng gulay–at instead of bagoong alamang, bagoong isda ang gagamitin. No, iba pa ito sa bulang-lang ha, na bagoong isda din ang gamit.

Yung ganitong luto ng pakbet—up to Northern Part pa ng Zambales na halos kadikit na ng Pangasinan, ganito ang istilo ng luto na minsan ko na ring nakita sa bahay ng mga Felarca, (Felma, a good friend and classmate sa kolehiyo) sa bayan ng San Felipe.

Siyempre—dahil paborito ko nga ang pakbet—sa halos lahat ng restaurant na may mga putahe ng lutong Pilipino talaga, aba—puwede ko nang i-rate ang sa panlasa ko ay okey na timpla ng pakbet, kaya lang kung sa malamang ay pasalamatan at kunin pa akong endorsers ng ilang restaurant na puwede kong banggitin, sa malamang din ay baka awayin pa ako ng mga puwede kong sabihin na, wag po dun, di luto ang sitaw—di maganda ang bagoong na ginamit—ganun….kaya hmm..wag na lang.

Pero—sige hihirit ako ng isang rekomedasyon sa mga makakabasa nito na mahilig din sa pakbet (Marami kaya tayo?)—-try yung pakbet sa Aristocrat, Max's at sa Seaside sa Macapagal Boulevard. Hindi rin magpapahuli ang pakbet na luto sa QC Sports Club! As in!

Kung ano ang nagawa ng pakbet sa kalusugan ko at katinuan ko–(may ganun?)—malamang sa hindi ay positibo naman!

Isipin ninyo na lang, pareho kami ni Macoy na mahilig sa Pakbet—-di kaya maging presidente din ako? (Presidente ng mga nangangarap ng gising, puwede pa!!!) 

Sa gitna ng nandudumilat na katotohanan—-ang pakbet ay isang putahe na puwedeng kainin ng mga lumalabang pamilyang Pinoy and by lumalaban, I simply mean, yung mga kumakayod talaga, e.g. driver ng pedicab, barker ng sasakyan, the likes…na hindi gaanong kamahalan.

Huwag nang mangatwiran—may mga nakasupot na sangkap na ng gulay sa bengketa na puwedeng mabili sa halagang P20.00 lang na kung sa bandang gabi ka na bibili—say mga 9pm, kung ikaw ay MMDA traffic enforcer kaya na papauwi na sa iyong bahay, linawin mo lang na hindi ka manghuhuli ka—at baka magtakbuhan pa ang mga vendors na yan—you can buy that supot sangkap pang–pakbet , (sosyal, ganun?) — for P10 pesos pa nga!

O huwag ma-tempt na hingin na lang sa vendor—-tulungan lang–may sikmura ding kumakalam yan at iba pang tinutustusan.

Back to pakbet at baka mapunta pa kung saan (mahilig sa detour ang lolah!)—-yung kinain ko that night—obvious ba na nasarapan ako?

Kung di ba naman—bibigyan ko ba naman ng starring role yun dito sa espasyong ito na pina-high tech lang na version ng diary, na dati for my eyes only, at sarili ko lang kausap ko, now—for everyone who cares to view na?

Hindi libre yang pakbet na yan. May pay yan.Nasaparan lang talaga ako at muli, naalala, (parang malilimutan ko naman) na ang pakbet ay isa sa mga ulam, putahe at pantawid gutom na nakasama ko na noon at hanggang sa ngayon….at habang ako ay nabubuhay. (Kasal? Ganun?)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

  

 

 

 

 

 

 


Posted by pagesbyarlyndelacruz at 11:22 am | permalink

Previous Comments

sana marami pa kayon mapasaya d2, gusto ko na madagdagan ang kaalaman ko tungol sa tawag ng ibat iba.

Posted by jina at December 1, 2007, 6:06 am

Hello Tita Noel po Matias ba! hehehe extra pla c Felma jan sa kwento mo erratum lang taga san narciso cla..hehehe..nga pala d2 ako sa Qatar now nagbubunot ng buhok kya naubos na..musta kna? Alam ko sikat kna..hehehe

Posted by Noel at June 30, 2008, 9:47 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment