To be a journalist is to act like a "tribune" that essays the truthful "journal" of every story of our "times", big or small, front page or inside page, "BIG NEWS" or even the last story before the closing credits roll;
To be a journalist is to hold a "mirror" in front of you to regularly and faithfully check the convictions and principles of what a "free press" truly stands for;
To be a journalist is to sometimes embrace your own celebrity and be a "star" that sets and upholds the "standards" of what the Filipinos of " today " are fighting for;
Ang maging mamamahayag ay tulad ng isang "bulgar" na pahina na hindi puwedeng maging sisidlan ng anumang pagbaluktot sa katotohanan, bagkus siya pa ngang lagusan upang ito ay mai-"bandera" at mai-"balita" ang mga kuwentong dapat na marining at ma-"tiktikan."
Ang maging mamamahayag ay ang pagsisiguro ng pananatili at pagsulong ng isang "malaya" at walang kinikilingang pag-"PAPATROL" , sa bawat araw, "24-0ras" dahil ang bawat kuwento ay kailangang pulsuhan, may buhay, tila isang "NEWSBEAT" na kailangang ma-"CAPTURED" dahil walang take two sa isang breaking news, walang cut, walang re-take;
Ang maging mamamahayag ay maging "SAKSI" sa "SENTRO" ng bawat pahina ng kasaysayan upang ito ang mai-"BANDILA" sa sambayanan;
Ang maging mamamahayag ay DAPAT laging sa NGALAN NG KATOTOHANAN AT TUNAY NA PAGLILINGKOD.
Basilan’s WAHAB AKBAR
November 23, 2007
Magpapauna na ako. Hindi ako magsasalita o magkukumento sa itinatakbo ng imbestigasyon sa naganap na pagsabog sa Batasan na ang natukoy na target, batay na rin sa imbestigasyon ay walang iba kundi si kinatawan Wahab Akbar.
O sige na nga—one liner lang na comment tungkol sa imbestigasyon: hindi bulag ang imbestigasyon sa kasong ito, may malinaw silang matutumbok sa kadulu-duluhan nito. O malinaw na ang one liner yan ha, stop na. Ayaw ko speculate o gawa kahit ng what may well be an intelligent guess, dahil di man ako taga-Basilan, eh halos yata pati kaliblibliban nito ay napuntahan ko na. Kabisado ang lugar, kabisado ang pulitika doon.
Kayang-kaya na ng mga imbestigador yan.
The intention of this recent entry sa espasyong ito ay magkuwento lamang ng isang personal na karanasan bilang mamamahayag kung paano ko nakilala si Wahab Akbar.
Sino nga ba si Wahab Akbar?
Akbar, former congressman, former governor, former preacher, former baker, former OFW, former Abu Sayyaf Commander, former MNLF….isa sa mga anak ng Lantawan Basilan na ni sa hinagap marahil ay hindi akalaing mararating niya ang kanyang narating sa daigdig ng lokal na pulitika, impluwensiya at kapangyarihan.
Rewind tayo, taong 1993, sa kabundukan ng Basilan nang marinig ko ang pangalang Wahab Akbar. Oo, marinig, at oo sa bundok, kasi nag-uusap ang mga guide namin noon ng cameraman kong si Ed de Guzman, ang pinakamatapang sa mga cameraman sa Singko—(Boys–wala nang aangal please, alam ninyo namang bias ako pagdating sa ating ed dg.)—nabanggit ang pangalang Wahab Akbar. Oo, din, ganun sila kaluwag sa pagbibitiw na lamang basta ng mga pangalan, marahil ay dahil sa unang karanasan para sa kanila ang makasalamuha ang media at unang karanasan din para sa amin, lalo na sa akin na makatapak sa kuta ng Abu Sayyaf.
Hindi ko agad naunawaan noon kung gaano kahalaga noon ang pangalan ni Wahab Akbar sa ASG lalo pa't ang nasa harapan ko noon ay dalawa sa mas unang sumikat na pangalan sa hanay ng Abu Sayyaf-ang original Amir/chieftain na si Ustadz Abdurajack Abubakar Janjalani at si Edwin Angeles alias Ibrahim Yakub. Sa dalawa, si Angeles ang mas makulay ang life dahil sa maraming kuwestiyon sa background nito. Kasama sa makulay na detalye ay ang love story nito lalo na sa huling naging asawa niya, si Yang na nakita din namin ni Ed de Guzman kung paano na-in-love ang dalawa.
Saka na ang kuwentong yan. Baka ma-pre-empt ko pa ang sarili kong libro on the ASG. (yes, I still have all the intentions of releasing it at naniniwala akong tama ang desisyon ko na huwag magmadali sa pagpapalabas nito.)
Asan na nga ba tayo? Ikambiyo ninyo nga ako…ah okey Wahab Akbar.
Naunawaan ko lamang kung sino si Wahab Akbar nang magsimula nang mag-open, mag-kuwento sa amin ang ilan sa mga ordinaryong miyembro ng ASG na karamihan ay mga bata. You can say that the ones we met in 1993 were young warriors who without question in their minds followed Abdurajack Janjalani and his concept of Jihad or Holy War.
Kasama sa rawness na sinasabi ko ay yung malayang pagpapahayag ng kanilang damdamin na walang excuses lalo na kapag usapin ng relihiyon ang pinaguusapan. To your face, walang busina, sasabihin sa iyo na "infidel" ka–na walang saysay ang iyong buhay dahil wala ka sa pinaniniwalaan nilang tunay na relihiyon. Kung raw sila at that time, ako din naman ay walang katakot-takot o pag-aalinlangang nararamdaman sa katawan kaya sagot naman ako ng sagot.
You see, I came to Mindanao, to areas in Moslem Mindanao to be exact without any prejudice to any ethnic group. Laking Gapo ako at kasasalta lang halos sa Kalakhang Maynila—mulala pa ika nga…tapos itinapon sa Mindanao. Hindi ko alam ang mga warning warning pa ng ilan na "you only trust a dead Moro" chuba ek. That explains why wala akong takot. Kung nakikipag-debate sila, sagot lang ako, straight din, which, to be fair, nirespeto naman nila at hindi naka-kahong basta na lamang nang-upat o nang-husga. Sa kanila ko rin maririnig kalaunan–"there's no compulsion in religion."
Sa unang pakikipagpalitan ko ng opinyon at saloobin sa relihiyon, kalayaan ng tao, kaligtasan ng kaluluwa etcetera - una kong narinig ang pangalan ni Wahab mula sa bibig ng mga kaharap kong regular na ASG members. Sa kanila ko nalaman na si Wahab pala ay preacher nila, na siyang nagturo sa kanila na ang jihad o porma ng jihad na kanilang isinusulong ay may batayan anila sa Quor'an. Bilang Ustadz ay preacher din si Abdurajack, ngunit doon pa lamang sa puntong iyon, ay nilinaw na sa akin ang malaking kaibahan ng dalawa. While both were preachers, only one is a real warrior. Warrior din si Akbar pero hindi pareho ng pagtingin sa pagka-mandirigma ni Abdurajack. Maybe because, kasama sa resume ni Abdurajack (resume? kaw talaga Arlyn) ang pakikipaglaban sa Afghanistan noong 1988.
But—sa pakikinig ko sa kanila, it does not mean that they look to Wahab less. Mas preacher lang ang tingin nila sa kanya kaysa sa isang warrior na sa tingin ko pa nga ay mas mataas kung ang pagbabatayan ay ang pahayag nila na ang ginagawa nila ay may kinalaman sa anila ay nakasaad na tungkulin nila sa kanilang relihiyon, ang Islam. In my reading then, mataas ang respeto ng ASG kay Wahab Akbar bilang isa sa umakit sa kanila na maging bahagi ng grupo.
I would eventually cover for two straight months the first wave of military operations against the ASG in Basilan in 1993 and in the process I heard the name of Wahab again. Maririnig ko ito mula sa mga marines na nagsabing, siya ang Commander na nanguna sa blocking force sa Lantawan at siyang naging dahilan kung bakit nakatakas ang main tropa ng ASG papuntang Patikul, Sulu, dun sa kampo naman ng isa sa orihinal na commanders ng ASG na si Radhulan Sahiron.
Matandain ako, special child, pasensiya na, walong buwan ako nang ipinanganak, pero true, natatandaan ko pa yung sabi ng isang marine na nakasama namin noon, (s an embedded journalist, oo naman—ipagyayabang namin ni Ed de Guzman, na bago pa nauso ang terminolihiyang iyan sa Iraq, nauna na kami—he-he–dun nga lang sa Basilan)–"Tropa ni Wahab Akbar ang nagbigay ng mga bangka sa grupong nakatakas mula sa Camp Al Madinah, hawak nun ang Lantawan, halos lahat kamag-anak niya."
Then after a year—I would finally meet Wahab Akbar, hindi sa Basilan kundi sa Patikul Sulu na. Yan ay noong hinarang kami, grupo ng media, sa Quezon beach na akala namin ay safe. Aba si Romy Guasis nga ng Abante ay gusto pang mag-swimming!
Hinarang kami ng grupo ng mga armado na halos mapuno ang daanan sa dami. Take note noong dumaan kami—papasok–wala sila doon–at may peace talks na noon, exploratory, at ang nadaanan namin maliban sa checkpoints ng marines, checkpoints na may nakalagay na MNLF checkpoints so since it was a Saturday, wala kaming magawa na mga media na na-assign sa Sulu from Mega Manila ika nga, ayun nag-hanap ng mga color stories—not realizing na soon–kami pala ang magiging color story!
Isa si Wahab sa humarang sa amin. Nang nilapitan kami ng grupo, isa-isa ko nang nakilala ang mga mukha, yun bang recognition na with excitement pa nga ang dating dahil second time ko sila nakita, from Madinah interview sa Basilan, then sa Patikul na. Sabi ko pa kay Ed de Guzman—"Ed, di ba sila yun?" Tahimik lang ang Ed. Hawak ang camera, nakaupo sa unahan ng pam-pasaherong jeep, katabi si Val Cuenca, cameraman noon ni Ceasar Soriano.
At dahil nagkakakatutukan na ng baril, nagagalit na yung may mga hawak na baril at bakit daw kami pumapasok sa area nila nang walang timbre o pahintulot—-namagitan ang isang konsehal na isa sa pakay namin sa Patikul, at nakipag-argue na wag kaming harangin dahil media kami…etcetera…Matapang ang konsehal at sinabi pa na tinanggap ang ASG sa Patikul kaya bilang konsehal ay huwag siyang ipahiya sa mga naghanap sa kanyang media at sabi pa, di naman daw namin alam na naroon ang ASG…so nang magpakita sila—from out of nowhere…ayun alam na namin, nalaman tuloy namin–ah nanun nga pala sila sa Patikul.
Mahabang argumento—-na pati ako–siyempre—mapapel—nakikisabat…"hi, hindi ninyo ako natatandaan, kami ni ED, kami yung nag-interview sa inyo sa Madinah, di ba ikaw si ganito, di ba ikaw si ganyan…."Ipinakita naman nilang nakilala nila ako, pero nakatutok pa rin ang baril nila. Ako naman, smile lang, di ko na-realize na baka ma-kalabit ang baril, at least, makalabit man at tamaan ako, naka-smile.
Ang totoo, ayaw ko lan magpahawa sa nerbiyos. Kasi kapag ako ang naunahan, naku, magpapa-eclipse ba ako? Baka mainis sila kapag ako ang nag-panic kasi iba ako, I mean iba ako kapag nag-panic. Parang taga-pulang bubong sa Mandaluyong.
Tensiyunado ang lahat eh. Si Sylvia Calderon nga—nawalan talaga ng boses pero makikita mo sa buka ng bibig niya na tinatawag niya si Romy at si Boyet Jadulco ng Abante din na bumalik na ng sasakyan. Kasi yung dalawa, akala nga BORACAY yung white sand sa Quezon Beach—abah, siyempre souvenir picture to the max ang dalaw, not realizing na ang mga iniwan nila sa loob ng jeep, eh tinututukan na ng baril.
To cut this side story—si Wahab ang nag-decide noon na —"sige palampasin na yang mga yan."
May isang side story pa. Filing ng story, si Ceasar, ang sabi sa desk niya noon sa ABS-CBN, he-he–bukingan time—na-hostage daw kami. Headline ng TV Patrol then. Ako nasa Singko pa noon, at di ako nagbubuhat ng bangko, nagpaka-honest ako sa report—naharang lang kami ng mga armadong lalaki na it turned out mga ASG pala, yung mga ASG na una naming nakapanayam ni Ed sa Basilan.
Sa diyaryo, may nag-pick p ng story ng ABS na as is, na-hostage kami, as reported by Ceasar, pero kami, lahat kami, ang isinulat o ibinalita, naharang kami.
Wahab's name, after that incident—natatak na sa utak ko. Sino kaya iyon sa ASG at bakit parang iginagalang nila in the same breath as Abdurajack? O kung di man ka-lebel, basta iginagalang? HMM…
Then all the answers will come in later, research, interviews, sources—siya pala an preacher ng ASG lalo na yung mga na-recruit sa community sa Barangay Tabuk sa Isabela proper sa Basilan.
Pero alam ninyo ba kung kailan ko uli makikita si Wahab? Abah, bibilang ng taon mula noong 1994 at this time—sa kapitolyo na po ng Basilan as Governor na ! Teka, ano ang nangyari? Bakit naging governor ang supposed to be ay hinahanap ng pamahalaan na isa sa naging utak ng pagkakatatag ng ASG?
Publicly, inaamin naman ni Wahab na isa siya sa nagtatag ng ASG at dati niyang kasama ang mga ito—pero nang makipaghiwalay siya–hindi totoong naglalaro siya sa dalawang bangka—Talagang humiwalay siya at talagang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan lalo na sa pagitan nila ni Abdurajack.
Nang magkita kami sa kapitolyo, andun pa si dating Pangulo Joseph Estrada na naanyayahan niya sa inagurasyon ng bagong Kapitolyo. Sabi niya sa akin, binati pa ako, "Arlyn, mabuti naman at nagkita tayong muli, welcome to Basilan again."
Ngiti na lang ang naisagot ko, kasi po, ehem, lunok, yung aide niya na nasa likod din ni Erap na am sure wala siyang ka-ideya-ideya, eh, ASG din kaya, I mean dating ASG din tulad ni Wahab.
So research, research, etcetera—malalaman ko na naging alyado na pala ng pamahalaan, ng intel community, through PNP si Wahab at may isang retired general na siyang direktang nagkumbinse sa kanya na lumaban ng gobernor sa Basilan. As governor—isa sa mga naging tampok na proyekto niya noon, lalo na noong unang taon ay yung preaching sa radyo, local, na naririnig din sa two-way radio sets na ang laman, pagbura sa interpretasyon ng ASG sa kung ano ang JIHAD o kung ano ang Holy War at kung ano ang kapayapaang mensahe ng Quor'an.
Na-cover ko pa siya minsan sa mismong booth nito sa Capitol na ganun ang kanyang ginagawa–preaching and at the same time, crushing the fundamental beliefs of the ASG which he himself helped built.
Hindi dito nagtatapos ang kuwento, hindi sa basta preaching lang.
Pero puwede bang mambitin…antok na me…may pictorial pa bukas nang maaga….(pictorial ka diyan…inaantok ka lang talaga!!!!)
Promise—part II tomorrow.
Pero let me give a teaser….by this question: Gaano nga ba kalalim ang alitang namuo sa pagitan ni Wahab at ng mga dating kasamahan sa ASG?
Bukas na po. ZZZZZZ….
P.S. Alas nuwebe pasado ng umaga ko start pero iniwan at binalikan lang maghahating-gabi na kaya inantok…(mag-explain ba?)
(wakas)
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.









