Home » Archives » 27. November 2007
To be a journalist is to be a fearless and incisive "inquirer" that dares to "chronicle" history without fear or favor;

To be a journalist is to act like a "tribune" that essays the truthful "journal" of every story of our "times", big or small, front page or inside page, "BIG NEWS" or even the last story before the closing credits roll;

To be a journalist is to hold a "mirror" in front of you to regularly and faithfully check the convictions and principles of what a "free press" truly stands for;

To be a journalist is to sometimes embrace your own celebrity and be a "star" that sets and upholds the "standards" of what the Filipinos of " today " are fighting for;

Ang maging mamamahayag ay tulad ng isang "bulgar" na pahina na hindi puwedeng maging sisidlan ng anumang pagbaluktot sa katotohanan, bagkus siya pa ngang lagusan upang ito ay mai-"bandera" at mai-"balita" ang mga kuwentong dapat na marining at ma-"tiktikan."

Ang maging mamamahayag ay ang pagsisiguro ng pananatili at pagsulong ng isang "malaya" at walang kinikilingang pag-"PAPATROL" , sa bawat araw, "24-0ras" dahil ang bawat kuwento ay kailangang pulsuhan, may buhay, tila isang "NEWSBEAT" na kailangang ma-"CAPTURED" dahil walang take two sa isang breaking news, walang cut, walang re-take;

Ang maging mamamahayag ay maging "SAKSI" sa "SENTRO" ng bawat pahina ng kasaysayan upang ito ang mai-"BANDILA" sa sambayanan;

Ang maging mamamahayag ay DAPAT laging sa NGALAN NG KATOTOHANAN AT TUNAY NA PAGLILINGKOD.




Standing tall in Iraq are Filipinos!

November 27, 2007

  

 

Before I tell this story, one that I know and one that I am proud to share, I will make assumptions first.

Una—na inaasahan ko na marami ang makaka-identify sa kuwentong ito lalo na sa mga milyun-milyong Filipino na may kaanak na nagtatrabaho sa ibang bansa, silang mga anak na may ama o ina na OFW, silang mga asawa,  na may kabiyak na napawalay dahil sa paghahanap-buhay sa ibang bansa, isang kapatid na ang kuya o ate ay nasa ibang bansa, maitaguyod lamang siya sa kanyang pag-aaral, sa mga ina o ama na nangungulila sa kanilang anak na ilang taon ng hindi nayayakap man lang.

Second assumption: that without any need for an explanation, you will understand why this story is faceless. Lalong alam ninyo na kung bakit—hindi ko siya puwedeng pangalanan.

Ang katotohanan ay isa lamang siya sa maraming Filipino na nasa lugar na kung saan–sa araw-araw–ang mga simpleng bagay na kanilang ginagawa ay nakakatulong sa isang malaki at malawak na gawain.

Third assumption—that one day—we will all want to know him and others like him, for they are Filipinos who make us all proud in the little and big things that they do in a country struggling to find its own destiny.

On with the story?…Yes…here it goes…

Kuwento ng isang kaibigan, kuwento ng isang anak, kuwento ng isang kapatid, kuwento ng isang ama…

Isang araw, isang pagkakataon ang dumating na nang hawakan niya sa kanyang palad ay marami ang nagtanong ng bakit? Bakit doon? Hindi mo ba mahal ang sarili mo? Bakit sa dinami-dami ng mapupuntahan—doon ka sa lugar na iyon magtatrabaho?

May dahilan kung bakit ganun ang reaksiyon. May dahilan kung bakit ganun ang agam-agam ng mga nakaalam kung saan ang kanyang direksiyon.

Ang lugar lamang naman na kanyang pupuntahan ay lugar na ordinaryo ang road at suicdide bombing, isang lugar na may umiiral pa rin na maalab na sectarian violence sa kabila ng ilang taon na rin namang pananatili doon ng US led-allied forces. Oo—ang pinuntahan niya ay ang bansang Iraq.

There is a popular term for the kind of job that they do in Iraq. Nabasa na natin ito, narinig na natin ito–mga mersenaryo, —nasa negosyo daw ng digmaan, at mga trabahador ng mga naglalakihang security and contracting companies sa Iraq na tulad ng Black Waters.

Mersenaryo–yun ang tawag sa mga gawaing nasa ganito o nasa industriyang ganito ng mga mismong nasa loob ng bansang nagpasimuno ng pagpasok na ito sa bansang Iraq. War on Iraq or Invasion on Iraq—ibang kuwento pa yan….hanggang ngayon—paksa ng debate sa maraming bahagi ng daigdig.

It was a US tag on private security personnels in Iraq—but for the other nationalities that work for these companies as security specialists—a different story is aching to be revealed.

Paano mo tatawaging mersenaryo ang mga ama, anak o kapatid na sumabak sa isang estrangherong lugar upang makatulong sa kani-kanilang mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas? Paano mo tatawaging mersenaryo ang mga kapwa mo Filipino na nakasuong sa panganib ang buhay nang walang sapat na katiyakan o blanket ng kaligtasan na tulad ng mayroon ang mga tropang Amerikano na kanilang inaalalayan, binabantayan, inaayudahan?

O sige na, tawagin ninyo na silang mersenaryo hanggang gusto ninyo—pero tulad din sila ng ibang mga ordinaryong OFW na tinulak ng pagkakataon na humanap ng pagkakataon at oportunidad sa ibang bansa—kahit pa nga sa bansang tulad ng Iraq na hanggang ngayon ay nasa mabuway na kalagayan pa rin lalo na pagdating sa aspeto ng seguridad.

Kung naniniwala kayo na kahit saan dalhin ang Pinoy—lalabas at lalabas ang kagalingan nito–lalo na siguro sa lugar na tulad ng Iraq na may kaguluhan. Sa gitna ng isang tensiyon, isang simpleng pagpapaliwanagan na hindi nagkakaliwanagan, ang biro ng isang Pinoy ay maaaring makapagdulot ng pagkalma ng sitwasyon.

Di ba tayo nga lang marahil ang lahi na nasa gitna na ng matinding sakuna o panganib, nakakatawa pa? Nakakapagbiro pa?

Sa lugar na tulad ng Iraq—madali ang malungkot, madali ang mangulila—lalo pa sa pagsapit ng mga espesyal na okasyon—tulad halimbawa ng kaarawan ng isang mahal sa buhay…o ng mismong kanyang kaarawan…kung puwede lang na lumipad—at sa isang iglap ay nasa piling na ng kanyang mga anak at mga mahal sa buhay.

Kung puwede nga lamang…

But he knew that when he and others like him trekked the road and path to Iraq—what follows is a form of sacrifice that will test a person's true worth.

Nasa Iraq sila dahil sa may mga umaasa sa kanila.

Nasa Iraq sila dahil sa may mga pangarap silang nais na tuparin, hawakan, ariin at pagyabungin.

For now—we may talk about their stories in whispers, and refuse to even acknowledge the kind of contribution that they do in the long and tedious task of rebuilding of  Iraq.

Pero isang araw—malalantad din ang kanilang kuwento. Isang kuwento na hitik ng pakikipag-kapwa tao, ng kagalingan at ng pagsasakripisyo.

Sige ibulong muna natin…na sa lugar na tulad ng Iraq—may mga Pilipinong nagbibigay ng karangalan sa ating lahi, may mga Pilipinong puwede nating ipagmalaki, may mga Pilipinong lumalaban at ipinakikita kung paano ang lumaban ng may dignidad at katapatan.

In Iraq–Filipinos stand tall.

Isang araw—isisigaw natin yan ng buong pagmamalaki.

Sa ngayon–hayaan ninyo munang aking ibulong, kilala ko ang isa sa kanila at ikinararangal ko ang makilala siya.

(wakas)

 

 

 

Posted by pagesbyarlyndelacruz at 12:45 am | permalink | Add comment